Kabanata 5
Hindi masarap
1:30 na ng hapon at 3 ang flight namin. Hindi pa ko nakakapagimpake pero nandito pa rin ako sa university. Bahala siya sa paghihintay. I'm sure hindi naman mabobored iyon dahil parang kalabaw yun na palaging papalibutan ng langaw.
Wala akong paki kung nagaantay man siya pero nauna na ko sa condo ko. Naligo ako at nag impake na. Hindi ko naman talaga kailangan ng maraming gamit. May bahay kami doon na napag ipunan ni mama kaya may mga gamit ako doon.
Nung mag 2:30 ay may tumawag sakin.
"Hello?" Sabi ko.
"Damn girl, I told you I'll pick you up. Bakit ka umuwi ng mag-isa?" Tinignan ko kung sino ang tumawag. Of course! Sino pa!
"Because I can go home whenever I want too. Pwede ba bilisan mo na lang? 3 ang flight at pagala gala ka pa."
"I told you we'll date! At anong pinagsasasabi mo diyang 3? 10 pa flight natin." Kumunot ang noo ko. 10? Sabi ni mommy 3 daw ah?
"Ano? 3 ang sabi sakin ni mommy."
"Minove ni Papa. I'll pick you up by 5."
"Whatever you say Xander. Ako na lang pupunta diyan. May makakita pa satin, wag na lang."
"Hindi. Susunduin kita."
"Tigilan mo na nga ako Xander! Mas clingy ka pa sa isang boyfriend eh!" singhal ko at ibinaba na yung tawag. Bwisit talaga kahit kelan iyon.
Nagpicture picture na lang muna ako saglit. After nun ay bumaba na ko ng condo. Sa loob ng lobby ay may coffee shop kaya dumuon na muna ako habang dala dala ko ang mga gamit ko. Nagfafacebook lang ako ngyaon. I've checked my Instagram too. Maya maya ay nagulat na lang ako nung may nagtakip sa mga mata ko. Agad akong umatras dahilan para kamuntikan na kong mahulog sa upuan. Buti na lang at nandun si-
"X-Xander?"
"Oooops! Tara na!" I rolled my eyes.
"Ang sabi ko wag mo na kong sunduin hindi ba?"
"That's not gentleman." kinuha niya ang gamit ko at kumindat. NAKAKAINIS!
Sumunod na lang ako sa kanya. Of course! Pinagtitinginan nanaman siya. Palibhasa chickboy at gwapo. Nakakainis talaga! Pinagbuksan niya ko ng front seat. Umupo naman ako doon. Umikot siya at sumakay na rin.
"Bakit kailangan mo kong sunduin pa? Dati naman ay hindi ka ganun?"
"Naiinip na kasi ako sayo eh." nilingon ko agad siya. Ano?
"Ano?"
"Wala. Sabi ko fasten your seatbelt."
"Hindi iyon yu-AAAAAAAAAAAAAAAAAH! Xander walang hiya ka kung magpapakamatay ka wag mo kong idamay!" sigaw ko sa kanya nung humarurot siya ng malakas at tumakas yata ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ngumisi lang siya at hinawakan ang labi. ARGH!
Lumingon na lang ako sa bintana at nagsight seeing. 6 na ng gabi pero wala pa kami sa Makati. Napakatraffic kasi. Mabuti naman at tahimik siya. Tahimik lang din ako kaya ayos lang. Masusuka lang akong kausapin 'to.
"Oh bakit?" Lumingon ako sa kanya. May kausap siya sa phone.
"Mga 7 pumunta ka na sa unit ko. Oo. 10 ang flight. Yeah. See you." I rolled my eyes. Don't tell me maglalast minute make out pa siya? Kadiri.
May malaking tanong na bumabagabag sa sarili ko. Gusto kong itanong kay Xander iyon pero...ok, itatanong ko na.
"X-Xander. S-sinabi mo ba kay Bryan yung s-sikreto ko?" Tanong ko sa kanya. Lumingon siya sakin at ngumisi.

BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Художественная прозаStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...