Kabanata 15
Elle
Nang matapos kong mamake-upan ang sarili ko ay tumindig na ko sa salamin. Napaisip ako. Si Xander nga kaya ang pumili ng cocktail dress na ito? Kung siya man, he really has a nice taste. Kahit black ang kulay ay alam mong elegante ito.
May isa pa akong ipinagtataka. How did he know the size of my foot? This black stilettos really did fit me well. Ang ganda rin ng design. Sabagay, playboy nga pala iyon. I'm sure alam na rin niya ang different trends in fashion ng mga babae.
Inilugay ko lang ang natural kong kulot na buhok pero para kakaiba ay gumamit ako ng hairpin para itaas ang gilid ng buhok ko. Nag-iwan ako ng iilang strands sa harap.
Nung makapagayos na ko ay ininom ko muna yung natirang mogu mogu na kanina ko pa iniinom at saka lumabas na ko ng kwarto.
Marami rami na rin palang tao. Totoo nga't semi formal ang gathering. Sa may gazebo nila sinet up ang party. Nakita ko si tito Clark na sinasalubong ang mga bisitang dumarating. Hindi ko pa rin nakikita ni anino nila Xander. Nilapitan ko si tito Clark.
"Hi tito!"
"Oh iha, you look beautiful tonight."
"Thank you po tito. Uhmm, ano pong maitutulong ko?" Syempre, hindi na naman ako iba sa kanila para ituring pang bisita.
"Nako iha, just enjoy the night. Any minute from now ay ilalabas na sila Xavier and Xander. Nandiyan na naman sila Criselda at Romic. You can go over there. I'm just waiting for someone."
"Are you sure tito?"
"Of course iha. You can go."
Tumango ako at pumihit na papunta sa table nila tito Criselda.
"Hi tita!"
"Oh iha! You look gorgeous!"
Sila si tita Criselda and tito Romic. Kapatid ni Mr. Salvador and tito Clark si tita Criselda. Asawa ni tita Criselda si tito Romic. Nandito rin ang mga pinsan nila Xander. Kakilala ko sila kasi tuwing may party ay lagi kaming kasama.
"Thank you tita!"
"Mukhang blooming ka yata ngayon iha? I heard, close ka sa kambal. Sino ba sa kanila? Xander?" I laughed at tito's assumptions.
"Nako tito. Ngayon lang po kami naging magkaibigan ni Xander. Alam niyo naman po yun, very naughty. Wala po akong boyfriend as of now."
"That's unbelievable. Sa ganda mong yan? I can still remember ganyan din kaganda ang mommy mo noon."
"Oo nga. Your mom's very pretty. Even now naman."
Nakihalubilo muna ako sa mga pinsan nila Xander. Ang ilan sa kanila ay ngayon pa lang mamemeet si Xavier. Wala pa rin si tito Clark dito sa party. May hinihintay pa ba siya? Mukhang nandito na naman ang lahat ng bisita ah? Ang tagal magstart eh. Di pa tuloy lumalabas ang kambal.
Nilpaitan ko na si tito. Nakita ko siya sa may gate pa rin. Paglapit ko ay iba ang sumalubong sa akin.
"Mommy!" agad akong tumakbo sa kanya at yumakap. Hinigpitan ko talaga ang yakap ko. I miss my mom!
"Michelle anak. I miss you." hinalikan ako ni mommy sa noo. Natuwa naman ako.
"I miss you too mommy. Kelan pa po kayo nakauwi? Why didn't you informed me?"
"Nako anak, I knew you were on a vacation. I don't want to disturb you. Kakarating lang namin ni Mr. Salvador."
"Hello po." sabi ko at nag bow.
![](https://img.wattpad.com/cover/26452422-288-k723667.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Ficción GeneralStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...