Kabanata 37

4.8K 100 5
                                    

Kabanata 37

But not everyone

Lumabas na kami ng kwarto. Umuwi na rin naman ang mga elders. Gusto kong sumama kay Xavier. Ayokong mahiwalay. Ngayon, medyo kinakausap ko na si Azi. Gumaan ang pakiramdam ko after namin mag-usap ni Xavier. Kailangan lang pala ilabas ko yung nasa dibdib ko eh.

"Sis alam mo, I was shocked kanina nung nalaman kong close pala ni kuya Azi si Xavier! My god! Edi sana noon pa nagpalakad na ko!" Natatawa ako sa reaksyon ni Chesca nung malamang magkakilala pala si Xavier at Azi.

"Pinsan mo yun tapos hindi mo alam? Seryoso?"

"Oo! Grabe. Oh wait, I'll just go over there." Umalis na siya at kinalabit naman ako ni Xavier.

"Okay, umiinom ka ba noon sa condo mo nung di ka lumalabas?" Umiling ako sa tanong ni Xavier. Ginulo niya ang buhok ko.

"Di nga ako kumakain, uminom pa kaya." Sabi ko sabay irap. Humalakhak naman siya.

"Oh sige. Pwede kang mgpakalasing ngayon. Ako bahala sayo."

"Bakit ba pag nasa bar tayo gustong gusto mong nilalasing ako?" Nakataas kilay kong tanong. Akala niya ba hindi ko napapansin iyon? Tuwing na lang magbabar ako kasama sila laging may nangyayaring hindi maganda. What's with them?

"Cause I've seen you before getting drunk and you really do weird and crazy things." Sinamaan ko siya ng tingin. If looks could kill, wala na kong kinakausap na Xavier ngayon. Ano ba kasing ginawa ko nung huli akong nagising? I just woke up at Xander's bed. Ahh! Sinukahan ko nga pala siya.

"Oh, ngumingiti ka mag-isa?" Bigla akong napabalik sa realidad kaya sinamaan ko nanaman siya ng tingin.

"Fierce eyes huh." Hinampas ko na si Xavier. Nakakainis na eh!

"Chill! Joke lang! Ang cute cute mo talaga pag naiinis." Tumawa siya at naglakad papalayo. Ngayon ang naiwan dito sa table ay kaming dalawa ni Azi.

"Close kayo ah?" Tanong niya. Uminom ako ng isang shot bago ko sinagot iyon.

"Hmmm, oo. Kulit niyan eh."

"You know what, we also had a friend back then na kasing tapang mo."

"Oh?"

"Yeah. She's very jolly and humoristic and-Oy! Pare!" Nagulat na lang ako nung biglang may tingnan at kinausap si Azi sa likod.

"Happy birthday dumbass!" Napako ako sa kinauupuan ko nung marinig ang pinanggaligan ng boses. Oh my fucking shit! Bakit hindi ko naisip na pupunta siya dito gayong nandito si Xavier!

"Late ka ah!" Biglang napatingin sakin si Azi.

"Ooops."

"Who's this chix?" Agad akong napatayo nung umakbay si Xander. Nung makita niya ko'y nanlaki ang mata niya pero agad iyong napalitan ng malalamig na titig. Parang tinusok yung dibdib ko sa titig na iyon. Siguro'y di niya halata na ako yun.

"Uhh.." napakamot si Azi sa batok niya.

"Tara pare. Dun oh maraming mga sexy-ng babae. Baka doon hindi tayo tanggihan." Agad hinatak ni Xander si Azi papunta doon sa tumpok ng babae. Agad pinulupot ni Xander ang kanyang kamay sa bewang nung babae.

Namuo ang luha sa mata ko. Hindi ko kinaya at tumayo ako. Pumunta ako sa bar at umorder ng kahit anong hard drink.

I know galit sakin si Xander and I can't blame him. After all his efforts I just turned him down. Pero sa tueing nagflaflash sa isip ko yung pagpulupot niya doon sa babae, nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi bakit ganun na lang kadali sa kanya iyon? I mean, agad agad na lang siyang mambababae? It kills me.

I'm Dating The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon