Kabanata 3
Sakit
Agad akong napatalikod at lumabas ng unit. SHET! Nag init yung mukha ko sa hiya!
How could they...how could...ugh disgusting!
Agad akong tumakbo papalabas pero nahablot na ang braso ko. I flinched at his touch. Kinilabutan ako. Feeling ko ang dumi dumi niya! Hindi lang feeling ko dahil madumi talaga siya!
"S-sorry. A-ano, sige tuloy niyo lang." sabi ko at tumalikod na sa hiya. Well, dapat lang naman talaga akong mahiya kasi basta basta akong pumasok sa unit niya! Malay ko bang nandiyan na siya kahit naka 'out' pa rin yung post niya sa labas!
Ilang mura ang sinabi ko sa isip ko. Narinig kong tumawa siya ng bahagya. What? He freaking find this funny?!
Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakangisi na siya at tumindig ang balahibo ko dun. He find this amusing huh?
"Come in." sabi niya. Umiling ako. Not with them making out!
"Why? Come on!" hinatak niya ko at ewan ko kung bakit ako nagpatianod. Nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sakin. Kinikilabutan ako!
"Bridgette, you may go." nagulat ako nung basta na lang niyang paalisin yung babae.
"But we're not yet done." malambing na sambit niya. Kinikilabutan ako lalo.
"But I'm already done. May bisita ako." he said. Kumuha siya ng tubig sa kitchen niya at uminom pero titig na titig sakin. Naaasiwa ako sa titig niya.
"Mich? Michelle Cabalano?" Hindi ko na napansin ang babaeng kasama namin rito dahil sa titig ni Xander.
K-kilala niya ko? Of course Mich! Paano ka nga naman hindi makikilala eh head ka ng dance troupe sa school ninyo!
Lumagok ako. Shet! Di nila pwedeng malaman 'to!
"Why are you here?" nagtaas siya ng kilay. Hindi ako makapag salita. Ayokong malaman ng kahit ni sino ang kuneksyon namin ni Xander.
"Cut that crap, Bridgette. Just go and keep quite." pagsusungit ni Xander sa kanya. Kita mo to, pagkatapos gamitin yung babae, pinalalayas na lang niya bigla. Napakasama niya!
Walang nagawa yung babae kundi ang lumabas pag kasabi niya nun. Nakatingin lang siya sa kin. Di ko mabasa ang nasa isip niya. Nag iwas ako ng tingin dahil sa mabibigat niyang titig. Isa pa, ayokong makita niya na may epekto iyang pagtitig-titig niya sakin.
"A-ano, may gusto akong itanong." iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Iyon naman talaga ang orihinal na sadya ko dito eh.
"Take a sit." sabi niya na di tinatanggal ang titig sakin. Napipikon na ko. Naglakad ako paupo dun sa may table niya malapit sa terrace niyang overlooking sa syudad.
"Stop those stares Xander." sabi ko. Dumikwatro ako at humalukipkip. Ngumiti siya. Naiinis ako kasi parang may binabalak siya.
"What brings you here, Miss?" naglakad siya papunta sakin.
"You, kelan mo ibabalik ang notebook ko?" nanliliit ang mata ko habang tinatanong siya. Umiling siya habang nakangisi.
"What's with that notebook? It's already three months since I've picked that. Pakalat kalat tapos pag napulot ng iba kukunin mo?"
"Ano bang paki mo? Just give me back that damn notebook." sabi ko sa kanya.
"Stop cussing." utos niya na nagpamaang sakin. What the? Sinamaan ko siya ng titig. Nagsukatan kami ng tingin.
"You know what Marie? I really hate you."
"Please bear in mind that I hate you even more than you hate me. And I don't like evil ones calling me 'Marie' . You aren't even special for me to call that." sabi ko gamit ang matatalim na titig.
BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Ficción GeneralStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...