Kabanata 29
Soon
Nung isang araw pa lang umalis si Xander pero pakiramdam ko 3 buwan na. Namimiss ko yung paghahatid niya dito sakin sa Diamond Airlines. Namimiss ko yung pangungulit at pambwibwisit niya sakin. Posible kaya yon?
Napakarami at tambak ang gawain ko ngayon sa office. Di ba intern lang naman ako? Bakit ganito na kaagad kadami? Nakakainis naman.
Natapos ko na ang isang project report kaya naisipan ko nang ipasa 'to kay Vaughnn. May isa pa kong tatapusin mamaya. Nabobored din naman ako dito kaya ako na lang magbibigay. Si Isaac? Aba ewan. Di pa pumapasok eh.
Papasok pa lang sana ako nung bumukas ang pinto at tumatakbo si Natalie. Parang may nag-utos sa paa ko kaya sinundan siya. Nakayuko siya sa riles ng rooftop. Ang lakas ng hangin kaya pati damit ko tinatangay. Nitong mga nakaraang araw, ang ilap niya sakin. Ewan ko ba. Wala naman akong maalalang ginawa kong masama sa kanya. Pero na lang yung pagseset-up ko sa kanil-oh my god! Di kaya alam na nila na kasama ako sa may pakana nun?
"Natalie..." pagapproach ko. Agad siyang napatingin sakin. Kinabahan ako.
"B-bakit? May iuutos ka po ba?" Nagulat ako dahil umiiyak pala siya.
"W-wala. Wag ka naman mag po. Parang di naman tayo magkaibigan."
"Boss ka namin. You are one of the stock holder's daughter. Si Mrs. Cabalano pa. Bakit nga ba di ko naisip?" Kumunot ang noo ko.
"What? Natalie yun ba ang dahilan kung bakit mo ko iniiwasan?"
"Tsaka, oo mas bagay kayo ni Vaughnn. Congrats." Mas nanlaki at kumunot ang noo ko.
Kaya ba siya nung una pa lang mailap na siya sakin? Tapos nitong mga nakaraang araw? Akala niya may gusto si Vaughnn sakin at gusto ko rin si Vaughnn? Hindi! Mali lahat ng iniisip nito! How could she ever say that? Ako nakikita kong hanggang ngayon gusto pa rin siya ni Vaughnn. I don't know their story pero ang nakikita kong dahilan kung bakit minsan nasasaktan ni Vaughnn si Natalie kasi yun na lang ang natira sa kanya, ang pride. Umiling ako at yumakap sa kanya. Nagulat siya kaya di siya nakareact agad pero maya maya parang tinutulak na niya ko. Mas hinigpitan ko ang yakap at umiling.
"Oo na! Oo na! Wag ka nang maawa sakin! Oo na! Yes! You're right. I love Vaughnn! I still love him! Kaya ang sakit!"
"Natalie... No. Mali ka ng iniisip. I don't know kung bakit ka nagkakaganyan pero kung ano man yang iniisip mo between me and Vaughnn, nagkakamali ka. I'm not his girlfriend nor his girl. Hindi namin gusto ang isa't isa. May g-gusto akong iba at ganun din siya. Actually we are never close. Kaya lang kami ganito ngayon kasi yung mommy ko stock holder dito. Kasi friends ang family namin. But other than that, wala. Is this the reason kung bakit ka umiiwas? This is insane! Pwede pa kitang tulungan sa kanya!"
Mas humigpit ang yakap niya sakin. Lumakas lalo yung iyak niya.
"Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. I'm so sorry."
"Shhh... kung ano man yang dinadala mo mawawala din yan." Pagcocomfort ko. Humiwalay siya sa yakap.
"Mitch I'm sorry. I'm sorry kung hinusgahan kita nung una. I never thought na kaya ka pala close kay Vaughnn kasi anak ka ng major SH. Sorry. Akala ko kasi... akala ko kasi gusto ka niya. Akala ko there is something special. Hindi malabo iyon. You were amazing. We have something in common na alam kong...alam kong magugustuhan niya. Maganda ka at matalino. Mabait pa. Nung bago ka pa lang dito, he's the one who approached you. Tapos, tapos naabutan ko pa kayong magkahawak ang kamay."
"Natalie, he was just checking on my tattoo." Di ko makapaniwalang sabi. I showed her my tattoo para maniwala siya.
"Sorry. Tapos close din kayo ni Isaac."
![](https://img.wattpad.com/cover/26452422-288-k723667.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Ficção GeralStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...