Kabanata 47

4.8K 79 6
                                    

(Inulit ko para sa mga hindi makabasa )

Kabanata 47

Ang sakit

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Ipagluluto ko sila. I woke up with Xander by my side. Kinikilig ako. Bumaba na ko after kong gawin ang mga morning rituals ko.

Five pa lang ng umaga kaya tulog pa silang lahat. Pero bukas na ang ilaw sa ibaba kasi nandun sila manang.

"Good morning iha. Bakit ang aga niyo pong nagising?" nakangiting bati niya sakin.

"Wala naman po manang. Gusto ko lang po silang ipagluto."

"Ay sige iha, tutulungan na kita."

Tumungo na kami sa kusina. Parang gusto kong magbake ng cake. Kinukuha ko yung mga ingredients nung biglang tumawag si mommy.

"Hello ma?" sabi ko.

"N-Nak." Nagulat ako nung marinig na nanginginig ang boses ni mommy. Umiiyak siya. Agad akong kinabahan. Never in my life that I heard mommy cry.

"Mom? May problema po ba?" nagaalala kong tanong.

"Anak! A-Ang.." inantay ko ang sasabihin ni mommy pero para siyang naghehesitate.

"What is it mom?"

"A-Ang daddy mo. N-Naaksidente." Kumunot ang noo ko. Kung naaksidente man yung hayop na yun, bakit ganito si mommy?

"Then good for him!" sabi ko. Namumuo muli yung galit sa dibdib ko. Dapat lang yon! Pagbayaran niya yung ginawa niya samin!

"Michelle! He's your father!"

"Mom for pete's sake! He raped you!" Bulyaw ko. Mabuti at nandito ako sa garden. Walang ibang nakakarinig. Namuo kaagad ang luha sa mga mata ko. The pain I am holding for years. Ako. I am the scar of that inccident!

I never told anyone about that. Si Xander, siya lang ang nakakaalam nun dahil siya lang ang nakapagbasa ng notebook ko noon. Pero never kong naidiscuss din iyon with him.

When I was grade 3 back then, palagi akong naiinggit sa mga kaklase ko. Tuwing family day, kumpleto ang pamilya nila. Minsan kasma ko si mommy sa ganun pero mas madalas, ako lang mag isa. Hindi ko naman sinusumbatan si mommy dahil alam ko nagtratrabaho lang siya para sakin. Sometimes I tried to ask her asan si daddy. She'll just smile and walk away. Wala naman akong ibang matanong about kay daddy dahil even though before, my other family hated me so much.

Highschool ako nung malaman ko kung bakit.

Flashback...

"Hi mamang!" I tried to kiss my mother's mother on her cheeks but she pushed me away.

"Disgusting kid! Stay away from me! I can't accept you as my grandchild!"

Namuo ang luha kaagad sa mata ko. She's like that even before. What did I do para maging ganito sila sakin ni papang? I always do what will please them but still, ganito ang turing nila sakin.

"Mama! Sinabi nang wag niyo pong ginaganyan si Mitch! Wala siyang kasalanan at hindi naman totoo ang sinasabi niyo!" hinawakan ako ni mommy nung makita niyang umiiyak ako.

"Bakit? Totoo naman diba? Nakakadiri ang batang iyan! Hinding hindi ko siya matatanggap bilang parte ng pamilyang ito! She willl never be a Cabalano!" umakyat na si mamang pero patuloy lang ako sa pag iyak. Niyakap ko si mommy.

"Mommy..bakit ganun si mamang? Ginawa ko naman lahat ng gusto niya? Lagi naman akong 1st honor sa school. Bakit ganun pa rin siya sakin?" Pinahid niya ang luha ko.

I'm Dating The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon