Kabanata 6
Magiging akin
"Give me your baggages. Ako na bahala." Kinuha ni Xander ang mga gamit ko. Hinayaan ko na lang siya dahil masakit rin naman ang kamay ko dahil sa pasong hindi naman maliit.
"Kelan ka pa naging gentleman bro?" Natatawang bigkas ni Xavier sa 'sweet' gesture ng kapatid.
"Fuck you bro. I'm always gentleman." Natatawa rin namang sagot ni Xander.
"Oo nga pala. That's the best way to get the girl's attention." Inemphasize talaga ni Xavier yung 'girl's attention' na talagang sa akin pa nakatingin.
"He already got mine Xavier. Kaya nga matagal na kong bwisit diyan." I said in with a very bored tone. Ang tagal naman kasi nilang magtulak ng gamit. 9:15 na and by now we should be boarding aleady.
"Oh! First time yun bro ah? Sakit ba sa ego?" panunuya ng kapatid niya na sinundan niya ng malakas na halakhak. Sobrang manly nilang tumawang magkapatid.
"Makukuha rin kita. I'll make sure you'll fall for me. Strong, hard and deep rooted." Kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Para ba kong kinabahan sa boses niya dahil ang dating nito ay parang nagbabanta. Playboy siya at he's dangerous. Pero kaya kong laruin ang larong nilalaro niya. Tulad ng sinabi ko, I'll make him fall for me. I don't care kung hawak man niya ko sa leeg. Unti unti niyang sinisira ang image ko sa iba kaya hindi ko hahayaang ako lang ang masira. Siya ang mahuhulog dito. Hindi ako.
"Well if you want that to happen, you've gotta try harder. Kasi nayon pa lang? Isa ka ng malaking turn off para sakin." I said and walk ahead of them. Nauna na ko sa kanila papunta sa plane. Pinagtitinginan sila. Of course, president's sons.
"Oh men! Mukhang mapapasubo ka ah?" Dinig kong sabi ni Xavier.
Gwapo sila parehas pero iba yung dating ni Xander. He has those eyes that can see you through. Malalim ang mata niya. Ganun kasi ako, I always look at the eyes first. Yung buhok niya pa, messy pero that makes him steamy hot. Those thin curved reddish lips. Nako! Ilan na kaya nahalikan nun? Naalala ko nanaman yung dinatnan ko sa condo. Yuck! He's not a playboy for nothing. He uses his charms very well kaya niya nakukuha ang mga babae. Dagdagan mo pa ng height niyang pang basketball player at katawang pang Bench model. I haven't seen him half naked before kasi hindi ko naman talaga iyan pinapansin noon. It's not like I want to see it live. Kadiri lang ano! Pero alam mong may well sculptured muscles sa loob niyan.
Si Xavier naman, they both have that eyes. Kaya nga siguro iyon ang sinabi ko nung una. Ito namang si Xavier ay may clean cut hairstyle. Gwapo rin siya. Yun nga lang, mas si Xander.
"You want to sit beside the window?" Tanong sakin ni Xander na tinanguan ko naman. Magkatabi kami ni Xander at si Xavier naman sa tabi ni Xander. If I know, nagtrtry tong magpapogi points. Well, hindi tumatalab.
Maya maya lang ay umandar na ang eroplano. Naka aviators ngayon si Xander. Mas gumwapo siya lalo. Pero aanhin mo ang gwapo kung napakapangit naman ng ugali. Ay hindi, sa totoo lang mabait naman siya. Kaya lang, he's dangerous. Kung kaibigan lang ang hinihingi niya sakin, ok lang kasi mabait naman siya. Kaya lang he's a bigtime playboy and a player. Pag nainlove ako sa lalaking 'to ay malaking heartbreak lang ang ibibigay niya sakin. Sasaktan niya lang ako. I can't take another heartbreak. Bakit ko ba iniisip 'to eh paiinlovin ko nga siya sakin. It's the other way around.
Nung lumapag na ang eroplano ay 10:50 na ng gabi. Bago kami makarating sa lugar nila ay 4-5 hours na byahe pa. Tinext ako ni Aling Sesita. Siya ang tagapangalaga ng bahay nila Xander. Halos siya rin ang nagpalaki sakin dahil palagi namang wala si mommy. Alam pala nilang uwi ang kambal kaya malaking selebrasyon ito. First time uuwi ni Xavier at ngayon na lang ulit uuwi si Xander after two yeas. Hindi kasi siya umuwi last vacation. Ako ang kinokontak nila pag umuuwi kami.
"Maandang gabi po kuya Jomar!" Bati ko sa driver ng pamilya nila Xander. Nasa likod ko ang magkapatid.
"Magandang gabi rin Mitch. Magandang gabi po Sir Xander, Sir Xavier."
Pumasok na kami sa van. Inaantok na ko. Mag tw-twelve na. Mga 4 or 5 ang dating namin sa lugar. Depende sa traffic pag nasa syudad na. Si Xavier ay nasa passenger's seat samantalang katabi ko naman dito si Xander. Nakakainis na nga eh.
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa gitna ng byahe. Nagising na lang ako na nakahilig na ko sa balikat ni Xander. Napaayos ako sa hiya. Shet! Nakasandal na rin siya sa ulo ko. Pag galaw ko ay nagising din siya. Agad akong humarap sa salamin. Nagulat ako nung sumandal siya sa balikat ko.
"Uy ano ba." Sabi ko.
"Pasandal lang. Ikaw nga tatlong oras natulog sa balikat ko eh." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Shet na malagkit! Nakakahiya! Hinayaan ko na lang siya. Napatingin ako sa perpekto niyang mukha. Napaganda ng ilong at ang hahaba ng pilikmata. Humarap na lang ako sa labas. Naramdaman ko kasi ang bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Kuya Jomar nasan na po tayo?" Sabi ko sabay kusot ng mata. Di ko kasi makita dahil madilim parin sa labas.
"Papasok na po tayo ng barrio. Mga labing limang minuto na lang po ang byahe."
Napansin kong tulog din si Xavier. Hay, ano naman kayang gagawin ko dito sa Palawan? Nakakabored. Wala man lang akong kakilala or what so ever.
"Hey Xander, nandito na tayo." Sabi ko. Umayos na siya. Dito muna kami bababa daw sa mansion nila. Napakalaki nito at may fountain pa sa harap. Bago pa man kasi maging presidente ang daddy nila ay mayaman na ang pamilya nila dahil sa hekta-hektaryang lupa ng mga Salvador.
Madilim pa nung bumaba kami. Nakita ko si Xavier na namangha kaya nilapitan ko. After all, he's still my savior.
"Ganda ng bahay niyo no?" Sabi ko. Lumingon siya sakin at ngumiti.
"Oo. But I miss my simple life. Simula kasi nung dumating ako dito, tinuturing nanaman akong prinsipe. Yung mga katulong, akala mo mga alila ko." Ngumiti ako sa sagot niya. His gentleness touched my heart.
"Kaya ka ba mag disguised noon nung tinulungan mo ko? At habang nasa mall ka?" Tumango siya.
"Oo. Kasi kung hindi, lalapitan nanaman ako ng kung sino. Friends na tayo ha?" Ngumiti ako sa kanya.
"Sure!" Umaliwalas ang mukha niya.
"Pagpasensyahan mo na kami ni Xander ha. Talagang ganun lang kami. Teka, how come you don't know na may kapatid si Xander?"
"Eh wala naman kasi akong pake sa buhay nung lalaking yon. Ni hindi ko nga siya pinapansin eh. Atsaka wala ka naman dito eh. Hindi ka rin dito lumaki kaya natural lang iyon." Sabi ko.
"Kung sa bagay."
"Hoy Xavier. Wag mong maporma pormahan yang si Marie ah! Akin yan!" Agad akong nairita sa pinanggalingan ng boses.
"Hindi ako sa'yo Xander. Wag kang mangarap. Xavier, tara pasok na tayo?" Binalingan ko si Xavier. Ngumisi siya na parang di makapaniwala.
"You must be really something." Natatawang sabi ni Xavier na kinunutuan ko ng noo.
"Magiging akin ka rin Ms. Cabalano." He said with finality which sent shivers down to my spine.

BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Ficción GeneralStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...