Kabanata 17
There with you
It's already 24 at bukas ay pasko na. Ngayong gabi rin yung gaganaping party which will be held in Manila. This is my first time to spend my Christmas in Manila. Dapat sa 30 pa yung party pero napaaga kasi sa 30 ay may flight ang presidente sa America. Nalungkot ako kasi it only mean one thing, hindi ko makakasama si mommy sa New Year. But I understand.
Dapat kahapon kami babalik sa Manila pero mas minabuti kong gawin na lamang na 24. Kahapon kasi ay icinelebrate naman namin yung 'pasko' namin with my lola's. Yung new year ay talagang cinecelebrate namin yun ni mommy sa Manila.
Mamaya na ang party pero sa totoo lang, wala pa kong date. Hindi naman ako inaya ni Xavier at mas lalong hindi si Xander dahil bukod sa hindi pa nga umuuwi dito yun ay nasa Hongkong pala siya ngayon. Medyo mas ewan ko ba ay nainis ako dahil sa hindi nga man lamang siya nagsabi sakin. Ayos lang, pwede naman akong masolo flight or on the spot date eh.
"Sweetheart, are you ready?" Tumango ako kay mommy. Nilasap ko for the last time ang kwarto ko. Matagal tagal nanaman bago ko ito matulugan ulit.
Bumyahe muna kami saglit para ipick up si Xavier sa mansyon. Pagkarating namin doon ay nagbababye pa yung mga katulong. Ang daming tao sa harap. Akala mo artista yung aalis. Perks of being a Salvador. Ang gwagwapo.
Binuksan nung butler yung pintuan ng sasakyan na 'to. Katabi ko yata si Xavier kasi nasa harap si mommy.
"Hey Mitch!" Nginitian ko si Xavier.
"Hello." Wala ako sa mood bumati. Ewan ko ba kung bakit. Nagearphones ako tapos sumandal muna sa head rest ng kotse. I want some sleep. Inaantok pa ko.
Nung makarating na kami sa airport ay kumain muna kami sa isang restaurant. 9:30 pa lang naman at 11:30 pa ang flight. Nung matapos na kami ay agad na kaming sumakay ng eroplano. Si Xavier dun sa window side, ako sa gitna at si mommy sa may aisle.
"Want to exchange seats?" Ngumiti si Xavier sakin. Natuwa naman ako nung inalok niya ko.
"Thank you." Naupo na ko dun at nanahimik muli. I'm really not in the mood.
Habang nasa ere kami ay bigla akong kinalabit ni Xavier. Ngumiti ako sa kanya at nagtanong.
"Yes?"
"Mukhang kanina ko pa napapansin na wala ka sa mood ah?" Ngumiti lang ako ng pilit.
"It's not very you na tahimik. Anong meron?" Napakaconcern niya talaga. Kahit nung first meeting namin ay ganito na siya.
"Wala naman. Ewan ko ba. Parang wala lang ako sa mood."
"Namimiss mo lang kambal ko." Napatingin ako sa kanya sabay iling.
"Hindi. Not in my drop dead gorgeous body." Tumawa siya bigla. Mas nagtaka tuloy ako.
"Ang defensive mo talaga. Cheer up. Makikita mo na siya."
Hindi na ko nagsalita pero may nabuong thought sa isip ko. Nasa Manila na kaya siya? Wala tuloy akong mabwisit.
"Sinong kadate mo mamaya?" Tanong ni Xavier nung nasa kotse na kami.
"Wala pa. Pwede namang solo flight di ba?"
"Solo flight? Nakakahiya iyon ano."
"Eh wala namang nagyayaya eh."
May kinuha siya sa likod ng kotse. It's a pink rose na may box tapos letter. Kumunot ang noo ko. Niyayaya niya ba ko?
"Wala ka pang date?" Tanong ko.
"Meron na."
"Eh para saan yan?"

BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Fiksi UmumStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...