Kabanata 41
Baliw na baliw sayo
"Nilalamig ka ba?" Umiling ako.
"I'm perfectly fine." Hinawakan niya ang kamay ko habang nagmamanaho siya. Ako naman ay nagplay ng kanta na napapatugtog sa buong kotse niya. Plinay ko yung kinanta niya para sakin. Sinabayan ko pa iyon.
"Lucky to have you where I have been..."
"Palitan mo yung kanta." Tinignan ko siya. Nakasimangot ang mukha niya. Natawa naman ako.
"Bakit? Maganda naman ah? Lalo na kinanta mo para sakin yan." Sabi ko sabay tawa.
"Binasted mo kaya ako nun." Napatingin ako sa relong binigay ko sa kanya na suot niya. Bagay na bagay talaga sa kanya. Suot ko rin palagi yung binigay niyang infinity anklet. Alagang alaga ko to eh.
Mahal na mahal ko na talaga si Xander. Masasabi ko ring ready nakong magmahal ulit. Hinihintay ko na lang na magpropose ulit siya. Sana lang ay di siya nadala. Kung hindi naman, sa birthday niya mismo, sasabihin ko nang girlfriend na niya ko. Hindi na ko makapaghintay sa araw na yun.
Niyaya ako ni Xander na pumunta ng Tagaytay. Mamamasyal kami ngayon. Sa totoo lang, ang tagal bago niya ko napapayag dito kasi busy-ng busy ako sa pagcatch up sa school. Ang tagal ko ring nagpagaling dahil sa likod ko. Graduating pa naman ako kaya importante iyon sa akin. Pati si mommy ang tagal din ni Xander humingi ng permission. Lahat kasi ay takot na dahil sa nangyare sa akin.
December nanaman kaya naman sa isang araw ay uuwi na ulit kami ng Palawan. Grabe! Ang bilis ng araw.
"Isasama natin sila Natalie sa Palawan ha." Nakangiti kong sabi. Pumayag na naman siya. Natutuwa nga ako kasi sa wakas ok na sila ni Vaughnn. Napakasaya ko nung malaman ko iyon.
"Saan sila magstastay ni Vaughnn?" Tanong niya.
"Sa bahay. Malaki naman ang bahay namin. Kasya kami."
"Ayoko! Maghotel na lang si Vaughnn. Tsss." Kinurot ko ang ilong niya.
"Napakaseloso mo talaga! For Pete's sake Xander, sila na ni Natalie diba. Baliw mo talaga."
"Baliw na baliw sayo." Natahimik nanaman ako sa banat ng lalaking 'to.
Inenjoy ko yung view. Hindi naman ako madalas dito kaya nakakatuwa ang view. Kita ko na mula sa kinauupuan ko ang Taal Volcano.
"Hey, pupunta ba tayo dun?" Tanong ko sa kanya. 5 na kasi ng hapon. Ang alam ko ay dito kami magoover night.
"Diyan talaga kita dadalhin." Nakaramdam ako ng excitement. Nung makarating kami doon ay ipiniring niya yung mata ko.
"Huy baka madapa ako." Sabi ko. Sasakay pa naman kami ng bangka.
"Hahayaan ba kitang madapa." Hawak hawak ko ang kamay niya. Ginagabayan niya ko. Pakiramdam ko safe na safe ako.
"Oh hahakbang." Kinapa ko ang tapakan at dama kong bangka na iyon. Nungmakaayos ako ay umupo na ko. Ramdam kong nakaupo na rin siya sa tapat ko. Maya maya lang ay naramdaman ko nang gumalaw ang inuupuan ko.
"Ahhh!" Napatili ako dahil natatakot akong mahulog. Hinawakan ni Xander ang kamay ko at dinig kong humalakhak siya. Narinig ko rin ang tilian ng mga tao sa paligid.
"Xander tanggalin mo na tong piring!" Sabi ko sa kanya.
"Excited ka?"
"Hindi. Ikaw kaya tanggalan ko ng sense of sight?"
"Matagal mo nang natanggal dahil simula nung napansin kita, ikaw na lang ang nakikita nito."
"Sinong niloloko mo eh napakarami mong babae."
BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Ficción GeneralStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...