Kabanata 27
She's gorgeous
"Siguraduhin mong tatlo kayo at hindi yan date with Vaughnn kung hindi uupakan ko yon." Sinamaan ko tingin ko sa kanya nung marinig ko yung banta niya. Napakakulit nito! Nasa kotse kami ngayon. Tulad ng sinabi niya, araw araw niya nga akong hinahatid. Pero today, it's different. Magpapahatid lang ako sa bahay nila Natalie.
"Are you out of your mind? Kaya nga sa bahay nila Natalie ako nagpapahatid diba."
Inaya kong magmall si Natalie. Magiging katrabaho ko siya for a year or more kaya I need to build up a good relationship between us. Kailangang makabuild kami ng trust sa isa't isa. Buti nga pumayag siya eh.
Isaac suggested this. Kapalit daw nung mag-iwan ko nung dinner namin. Kinakabahan nga ako pero pumayag na din ako sa plano niya. Tutal may kasalanan aman ako. Isasama ko si Natalie sa mall na kunware ay kaming dalawa lang. Ang sasabihin ni Isaac kay Vaughnn ay kunware, dapat si Isaac ang kasama ko ngayon but since kunware hindi makakasama si Isaac, pakikiusapan niya si Vaughnn na sumama sakin. Pero kunware ay di ko alam yon. Pag dumating na doon, makikita ni Vaughnn at Natalie ang isa't isa. It will be easy for me because ang alam nila ay wala naman akong alam sa relasyon nila. And, hintayin niyo anong gagawin ko.
"Eto na yata 'yon." Sabi ko nung makarating sa bahay nung address na ibinigay niya sa amin. Isa 'tong apartment.
"Sige na bababa na ko. Bye!" Bumaba na ko ng kotse.
Tinawid ko yung kalsada saka tumayo sa harap ng pintuan niya. Kumatok ako ng tatlong beses bago ito nabuksan. Isang magandang babae ang lumabas sa pinto.
"Mitch! A-ano tara pasok ka." Tumango ako at pumasok.
"Pasensya ka na sa bahay ko at maliit."
"Nako ok lang." At ngumiti ako sa kanya.
"Upo ka muna. Anong gusto mo? Soft drinks? Juice?" Umiling ako at umupo doon sa sofa.
"Sa mall na lang tayo kumain."
"Sige wait lang ha. Kunin ko lang gamit ko."
Umakyat siya sa taas. Inilibot ko ang tingin ko sa apartment niya. Maliit lang ito. Pang dalawahang tao lang ang magkakasya dito.
Naalala ko yung sinabi ni Vaughnn sakin na namatay na daw yung parents ni Natalie. Kung ganon, sinong kasama niya sa buhay?
"Ah tara na?" Ngumiti ako kay Natalie at tumango.
Nagtaxi lang kami papunta doon sa mall. Medyo awkward lang kasi di naman talaga kami close.
"Anong gagawin natin sa mall?" Nakangiti lang niyang tanong sakin.
"Oh don't be offended ha. I was just asking kasi nagbubudgeting ako ngayon."
"Ay hindi ok lang." Sabi ko.
"Pamper day ko ngayon. Magpapamassage tayo and parlor. Ok lang ba?" Nakangiti ko namang tanong. Nagulat naman siya. Ay oo nga pala! Nagbubudget siya!
"Don't worry. My treat. Gusto kasi kitang makilalang mabuti. I know friends kayo ni Vaughnn, gusto rin kitang makilala. Maybe we will be working for a couple of years." Ngumiti ako. Ngumiti na rin siya.
"Oo nga pala, nasan ang parents mo? Bakit mag-isa ka lang dun sa bahay mo?" I have to ask this although I already know the answer. Syempre para naman malaman ko in a way na alam din niyang alam ko. Ngumiti siya ng mapait.
"Wala na sila. Kinuha na ni Lord."
"O-Oh. I'm sorry for asking." Sabi ko.
"Nako ok lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/26452422-288-k723667.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Narrativa generaleStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...