Kabanata 10
Why believe
Nandito na kami ngayon sa kotse. Bukas pala ng hapon ang uwi namin. Tulog si Xander dito sa tabi ko. Or tulog nga ba? Nakatakip kasi ang cap niya mukha niya. Naka khaki shorts siya at t-shirt. Sobrang gwapo ng itsura. Sa kasamaang palad ay nasa gitna nila akong dalawa ni Xavier.
"Hey are you ok?" Lumingon ako kay Xavier.
"Oo. Ok naman." Ngumiti ako para masure siya.
"You look bothered."
"Hindi. I'm fine." Dagdag pa kasi na masakit ang puson ko. Siguro dahil sa meron ako kaya ako moody.
"I know you're not. Bakit parang kanina ka pa hindi pinapansin ni Xander? May problema ba kayo?" Umiling ako. Shet, napansin niya yon?
"Ewan ko. Tingin ko naman wala." At yun ang totoo. Hindi ko alam kung anong problema.
"Magkakaayos din kayo. Di naman yan nagtatanim ng galit. Baka nagtatampo lang."
"Aba, bakit naman siya magtatampo? Anong ginawa ko?" Nagkibit balikat siya.
Ano ba kasing ginawa ko? Ok naman kami kahapon ah? Dahil ba sa pinauwi ko siya from bar? Edi bumalik siya! Ano, ako pa bothered kasi galit siya? Hah! Wala akong paki. Mas advantage sakin 'tong hindi niya pinapansin. Kalimutan na lang namin ang isa't isa.
Pero argh! Hindi ako mapakaling magkagalit kami. Bakit ganito?
Nilingon ko si Xavier. Tulog na rin siya. Di ko alam gagawin ko! My god! Bakit ako affected? Siguro ay di lang ako sanay na may kagalit. Atsaka... gagawin ko pa yung plano ko. Hindi ko pa nga confirm kung siya ba ang nagsabi kay Bryan kaya ako brineak. Pero I still need my revenge. He's playing with me. Pero ganun pa man, nagthathank you na ko kay Xander. Bakit? He already did it on my part. Kung hindi ako tanggap ni Bryan, pwes hindi niya ko deserve. Kumirot ang puso ko sa palaisipang iyon.
Hindi ko kaya ito sabihin ng harap harapan sa kanya kaya mag rerecord na lang ako.
"Xander. Huy." Di siya gumalaw habang tinutusok ko pisngi niya gamit ang daliri ko. Tulog nga. Kinuha ko ang phone ko para magrecord.
"Ah ano, Xander. Huy. Pansinin mo na ko. Bakit ba kasi ang cold ng treatment mo sakin? Hindi ako sanay ng may kagalit. Bwisit man ako sa'yo at nakakairita ka, ayoko namang galit ka sakin. Oo sige, hindi ako sanay na hindi ka nangungulit. Ano ba kasing kasalanan ko? Kung ano man iyon..." nagpause muna ako. Sasabihin ko ba? Shet. Kinagat ko ang labi ko. "S-sorry na." Inistop ko na yun. Napatingin pa nga ako sa driver eh. Di naman siya namamansin. Hindi kasi si kuya Jomar 'to. Iba.
Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang earphone ko. Ipinasok ko yun parehas sa tenga niya. Tulog pa rin eh.
"Gwapo ka naman sana eh. Kaya lang alam ko, ang mga tulad mo ay hindi nagseseryoso." Sabi ko sa kanya habang tulog. Pagkatapos kong ilagay iyon sa tenga niya ay plinay ko ang record. Repeat ang nakalagay kaya magpapaulit ulit iyon hanggang sa magising siya. I don't know what to react kapag narinig niya na iyon kaya ang ginawa ko ay naghead down ako at natulog na lang.
"Mitch mahal na mahal pa rin kita." Nagmamakaawa sakin si Bryan ngayon. Nakaluhod siya sa harap ko.
"Marry me please?" Umiling ako.
"No Bryan. You don't deserve me. Minahal kita. Pero sinaktan mo ako. You don't love me enough to accept who really am I. Sorry."
"Hindi ko sinasadyang saktan ka! Natakot lang ako. Natakot na baka hindi ko kayanin." Umiiyak na ko at umiiyak na rin siya. Nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak. Para bang bibitaw na rin ako dahil sa pinapakita niya. Para bang ayos na ang lahat. Tatanggapin ko na lang siya ulit. Forget everything and start a new life.

BINABASA MO ANG
I'm Dating The President's Son
Aktuelle LiteraturStatus: Completed Pag mabait: Hinuhusgahan. Plastic daw kasi. Pag mataray: Hinuhusgahan. Masama daw kasi ugali. Pag malandi: Hinuhusgahan. Maharot daw. Bitch. Slut Whore. Pag hindi malandi: Hinuhusgahan. Nasa loob daw ang kulo. Just waiting for the...