Kabanata 7

6.6K 124 3
                                    

Kabanata 7

Kwarto ko

"Tao po? Tao po?"  Tinuktok ko ang bahay namin dito na hindi naman ganun kalayuan sa mansion ng mga Salvador.

"Mamang? Papang?" Sigaw ko pa lalo. Gising na ang mga tao dito sa probinsya ng ganitong oras samantalang ako ay inaantok.

"Kuyaaaa! Mga ateeee!" Sigaw ko pa lalo. Wala kasing guard. Asan na ba yung guard namin?! Yung mga katulong?!

Hindi maliit ang bahay namin at mas lalong hindi kami mahirap. Si mommy ay nagsipag ng mabuti kaya siya nakapag ipon at nakabili ng ganitong bahay. May 2 katulong kami na nagaalaga kay mamang at papang. May isang driver pag nandito ako at isang guard sa bahay. May 2 rin kaming kotse dito sa bahay. Pero talagang di ko mawari kung bakit walang tao.

"TAO PO!!!!" Sigaw ko pa. Aba! Umuwi ako tapos walang tao?!

"KUY-"

"Ma'am Mitch!" Napalingon ako sa tumawag. At last! Si kuya guard!

"Hay nako kuya! Kanina pa po ako nandito. Nasan po ba kayo nanggaling?" Eh kasi naman, dala ko rin ang gamit ko. Xander and Xavier insisted na ihatid ako pero hindi ako pumayag. Si kuya Jomar ang naghatid sakin at agad ko rin namang pinauwi. Syempre pagod yung tao.

"Sorry ma'am. Nag cr lang po ako. Bakit di pa po kayo pumapasok?" Nagtaka ako sa tanong niya. Di pa pumapasok? Eh wala naman akong susi!

"Wala po ako susi. Asan po ba sila?" Sabi ko.

"Ay nako ma'am, yung mga katulong po ay ipinagbakasyon muna nila madam."

"Sino pong nagbabantay kila mamang?"

"Pumuna sila sa tita niyo. Doon daw muna po sila. Hindi po ba nila nasabi?" Kumunot ang noo ko. Nasabi? Patay!

"Hindi po kuya eh. Wala po bang iniwang susi?"

"Ay nako wala po ma'am." Napaface palm ako. Saan ako neto?

"Gaano daw po sila katagal?"

"Mga isa hanggang dalawang linggo daw po."

Wala akong choice kung hindi bumalik sa mansyon or maghotel. Kaya lang kung gagastos ako ay sayang sa pera. Pero god! 2 weeks?! Macocontact ko si mommy pero knowing her, she'll insist for me to stay at the mansion. Inaantok na ko!

"Mitch?" Lumingon ako sa tumawag.

"Hello po kuya Kot! Aga po byahe ah?" Sabi ko. Nagdedeliver sila ng nga hinaharvest na gulay or prutas dito sa hacienda. Sila ang nagdadala noon sa bayan para ibenta.

"Oo nga eh. Kararating mo lang?"

"Oho kuya. Ay pwede pong makisabay?" Naisip ko kasi na hindi ako makakabalik ng mansyon ng naglalakad. Kahit malapit lang iyon dito ay hindi naman iyon walking distance. Tsaka masyadong malubak ang daan at maalikabok.

"Saan ka ba?"

"Pahahatid lang po sa mansyon. Ayos lang po ba o nakakaabala po ako?"

"Ay nako ayos lang. Sige na, sakay na."

"Salamat kuya Kot! Kuya guard, pabuhat naman po."

Sumakay na ko dun sa jeep ni kuya Kot. Halos magkakakilala naman lahat ng tao dito kaya kilala nila ako.

"Nandiyan na ang anak ng presidente? Balita namin ay kasama raw ang kapatid niya?"

"Ah opo. Kasabay ko po sila."

Nung makabalik ako ay agad naman akong sinalubong ng ma katulong nila. Hindi rin naman ako gaano kilala dito sa mansyon dahil tulad ng sabi ko, hindi naman kami close ni Xander. Kilala lang ako dahil kay mommy na abogada ng presidente.

I'm Dating The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon