JUNGKOOK'S POV
* If you just look on my way,
You will see how much you always made my day.
I wish I have the guts to say,
That I'm in love with you, come what may. *Agad kong nilinga ang paningin sa buong hallway nang matapos basahin ang note na nakita kong nakaipit sa locker ko.
Napabuntong hininga nalang ako matapos maingat na tiniklop ang note na nakita ko.
Weird.
Magdadalawang linggo na akong nakakatanggap ng mga notes na ganito sa locker ko.
Tinutukso na nga ako ng buong barkada dahil may secret admirer daw ako. Secret admirer nga ba o nangtitrip lang.
Saktong pagsara ko ng locker ko nang biglang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Taehyung sa tabi ko.
"Good morning, Kookie. Why did you look so flustered?"-Taehyung
Binuksan nito ang sariling locker na saktong katabi lang ng locker ko saka kinuha ang kakailanganin niyang libro para sa klase namin.
I waved the note I received in front of him. He just gave me a sly smile and close his own locker.
"Walang palya si admirer huh?" He said with a teasing tone.
"I want to meet the person behind these letters, though."-Jungkook
"Then, find a way to meet that person."-Taehyung
Imbes na sumagot at lumapit nalang ako sa kanya saka siya inakbayan. Gaya ng nakagawian ko ay inilapit ko ang mukha sa leeg niya para amuyin siya.
I really like his smell. Nakakakalma.
A mixed of strawberry and vanilla.
"Easy lang, Kookie. Baka pumasok na ako sa ilong mo."-Taehyung
"Bakit ba kasi ang bango bango mo?"-Jungkook
"Siyempre, uso kasi ang ligo sa bahay namin. Try niyo din kaya sa inyo? Ipauso mo"-Taehyung
"Gago, naliligo din kaya ako."-Jungkook
"Ay, akalain mo yun, naliligo ka pala? Hindi ako na inform bestfriend."-Taehyung
"Sige, Kim Taehyung, mang asar kapa."-Jungkook
Tumawa lang ito saka padabog na kinuha ang kamay ko sa balikat niya pero agad ko lang ito binalik ulit.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom namin nang marinig namin ang malakas na pag ring ng bell palatandaan na magsisimula na ang klase ng lahat ng estudyante.
Nakita ko kung paano napapalingon sa aming dalawa ni Taehyung ang iilang estudyanteng nadadaanan at nakakasalubong naming dalawa.
Karamihan sa kanila ay nakatuon kay Taehyung ang mga mata. I can't blame them, though.
Taehyung is really gorgeous. The word itself is not enough to describe his beauty.
Kung naging babae lang sana ito.....
Teka, teka, ano ba tong iniisip ko?!
Erase.
Erase.
Hindi pwede. Lalaki ako at may girlfriend.
Bawal itong iniisip ko.
Hindi ko maiwasang tapunan ulit siya ng tingin habang naglalakad kaming dalawa.
"Kookieeeee...." He said sweetly while his attention is still in the front.
"Bakit?"-Jungkook
"Wag mo ko masyadong titigan at baka mabakla ka bigla."-Taehyung
BINABASA MO ANG
STUCK IN A FRIENDZONE
FanfictionI LOVE THE WAY YOUR EYES SMILED AT ME, BUT IT HURTS COZ THIS IS ALL WE CAN BE. I'M JUST A FRIEND AND A NOBODY. CAN'T YOU SEE THAT I'M IN LOVE WITH YOU, KOOKIE? (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)