Kabanata 1

23.7K 696 158
                                    

Kabanata 1:
Accuse

"Kilala mo ba Miss ang nirereklamo mong lalaki?" sabi sa akin ng isang pulis na naroon sa pinuntahan kong presinto. Nakahalukipkip ako at ramdam ang matalim kong mata dahil sa pagkabadtrip. Alas sais na pero hindi pa rin ako umuuwi. Tinotoo ko ang pagbabanta sa lalaki na iyon.

Akala niya ba ay makakatakas siya sa ginawa niya? He's a sexual offender maniac! Paano kung hindi lang paninilip sa babae ang magawa niya? He should be in jailed already so he can't create a horrible crime in the future. Akala niya ba ay maakit niya ako sa gwapo niyang mukha para palagpasin ang nangyari?

Hell not.

He should punish on what he did!

Inis na inis ako. Mukhang ang mga taong nasa paligid ko ay ramdam rin iyon dahil sa mabigat kong paghinga. Pag-alis ko kanina doon sa dalampasigan at iwanan ang lalaki na iyon ay dumiretso ako rito. Hindi ako natatakot na magreklamo. Isa pa, bakit ako matatakot. Karapatan ko ang magsumbong bilang babae.

Kahit na sabihin niya pang normal na ang may makitang naka bikini sa dagat ay mali pa rin ang ginawa niya. Halata namang nanatili talaga siya sa ilalim ng tubig para lamang silipan ako. He's so disguting. Just thinking on what happened is pissing the hell out of me.

"Hindi ko po siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita rito sa Isla Vagues. Nagreklamo ako para wala na siyang mabiktama pang ibang babae." sagot ko at tumango tango ang lalaki.

"Puwede mo bang ilahad sa amin ang itsura? Para mas makilala namin siya." aniya at kumislot ang labi ko. Ayoko ng alalahanin ang mukha ng lalaki na iyon dahil naiirita lang ako. Bumuga ako ng malalim na hininga at saglit na nag-ngitngit ng ngipin ng sumagi sa isipin ko ang mukha niya.

"He has a light tan skin." sabi ko habang ang magskesketch na lalaki ay nanatili ang tingin sa akin. Oo nga naman, hindi niya naman iguguhit ang kulay ng balat kundi mukha lang.

"Magsimula ka sa hugis ng mukha " utos sa akin ng lalaki at dahan dahan akong tumango.

"He's face is in a V-shape. Nasa katamtamang kapal ang kilay at nasa tamang hugis at arko." panimula ko at nagsimula nang gumuhit ang lalaki. While I relocated to my seat.

"Tapos?"

"His eyes were almond and coffee brown. Matalim ang mga mata na para bang laging galit at nanghahamon ng away. Matangos ang ilong, at mapula ang manipis na labi." paghahayag ko habang gumuguhit ang lalaki.

"Kailangang makulong ang lalaki na iyon. He's a threat to our community peace. Paano kong hindi lang ako ang babaeng gawan niya ng ganoon?" tanong ko sa officer at napatingin ang gumuhit ng mukha ng lalaking inilarawan ko sa kanya.

"Miss, mukhang nagkakamali ka yata ng nirereklamo." aniya at kumunot ang noo ko.

"I can't be wrong! I can clearly recall the details of every part of his face. Hindi niyo pa ba siya hahanapin? Baka mamaya ay may binibiktima na iyang babae!" reklamo ko at binigay ng lalaki ang ginuhit niya roon sa officer. Naubo ang officer at nagkasalubong ang kilay ko.

"Sigurado ka ba Miss na ganoon nga ang nangyari?" marahas akong napasinghap sa tanong niya.

"Do you think I'll come here to tell you a lie!" tumaas ang boses ko at napatikhim ang dalawa. Ang ibang nasa presinto ay napabaling pa sa akin. I raised a brow at them.

Titingin tingin nila?

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Pero gusto ko lang ulit ilahad mo sa amin ang nangyari. Para makapagdesisyon kami kung ano ang gagawin sa kanya." tumaas ang kilay ko sa sinabi ng officer.

Wind of Broken Souls (Isla Vagues Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon