Kabanata 8

16.6K 622 56
                                    

Kabanata 8:
Lunch

"I'm sorry. I accidentally end the call. Tinatawag ako ni Mommy para sa dinner."

"Oh, you should eat first then." aniya at kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Okay."

"Can I call you again... after eating your dinner?" hindi ko alam kung bakit dahan dahan niya pa iyong tinanong na para bang nag-aalinlangan. Ngumuso naman ako habang nakaupo sa gilid ng kama ngayon.

"S-Sige." my cheeks heated on my answer and I heard him heaved a sigh. Para bang lumuwag ang paghinga.

"Alright, I'll call you after. Eat a lot." tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Hmm. I-Ikaw rin. Kumain ka rin ng marami." I answer and I heard him chuckled.

"Kailangan ko pa bang kumain? Parang nabusog na ako sa usapan natin." he said that make me flabbergasted.

"H-Huh?" he chuckled again.

"Yes, I'll eat too. Sasabay ako sayo." aniya at napaayos ako ng upo sa kama. I even grip the sheet.

"I'll hang up now."

"Okay." he said before I end the call. Napatitig pa ako ng ilang segundo roon. Sumilay ang ngiti sa labi at humigpit ang pagkakahawak ko sa phone. I sigh and lay on my bed for seconds before deciding to walk down stairs. Kung hindi ako kakain agad ay baka matagalan pa ako sa pagbalik.

Kumain ako kasama sila Mommy at Daddy sa hapagkainan. Napahinto lang ako at kumunot ang noo nang mapansing nakatitig sila sa akin.

"What?" Mommy eyes were narrowed while Dad looks was examining what's wrong with me. Tumaas ang kilay ko.

"Mukha kang matamlay at walang gana nitong makaraan. But now, you look bubbly and alive. May problema ka ba noong nakaraan?" bahagya akong natigil sa pag-nguya at napahilig sa upuan. Umiling ako kay Mommy. Nanatiling nakakunot ang noo niya sa akin.

"I think I'm just stress on school the past days. I'm okay now." I said and smile at them. Mommy gasped and my forehead creased. She look at Dad and they exchange meaningful look. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"What are you thinking?" tanong ko at sabay silang bumaling sa aking dalawa.

"May nanliligaw ba sayo?" halos muntik ko nang masamid ang kinakain dahil sa tanong na iyon ni Mommy. Mabilis kong kinuha ang baso ng tubig sa tabi ko at uminom bago sagutin ang tanong niya.

"What kind of question is that, Mom?!" I ask hysterically. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong nagpanik. Sumagi sa isip ko ang imahe ni Lucian at mabilis kong pinilig ang ulo. Bakit siya ang pumasok sa isip ko?

"Hyacinth napansin ko lang ang kinikilos mo. Noong nakaraang araw matamlay ka, ganyan din ako noong panahon na nakita kong may kasamang ibang babae ang Daddy mo..." biglang naubo si Dad roon at mabilis siyang uminom ng tubig. Mom look at him sharply. Habang ako ay nalaglag ang panga.

"...Tapos ngayon sobrang sigla mo. Halos mapunit ang pisngi mo sa ngiti mo kanina. I never saw you smile like that. Your face are even glowing. Ganyan na ganyan din ako habang nililigawan ng Papa mo!" halos masamid ako sa sariling laway sa sinabi ni Mommy.

Mabilis kong dinaluhan ang sarili sa pag-inom muli ng tubig.

"Mommy!" I gasped and called him hysterically.

"W-Wala po akong manliligaw!" I even shook my hands in her to make her believe me. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagpapanik. Nanliit ang mata sa akin ni Mommy.

Wind of Broken Souls (Isla Vagues Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon