Kabanata 9

16.1K 583 65
                                    

Kabanata 9:
Pait

Lucian:

How's your day.

I stretch my back as I sigh when I read his text. Kakatapos lang ng final exam namin at sobrang bilis ng pagdaan ng araw. Nangalay ang likod ko sa buong araw na diretsong nakahilig ang likod ko sa upuan habang seryoso sa pagsasagot ng exam. My back is aching a bit and I'm now tempting to lay in my soft and comfortable bed.

Sinukbit ko ang bag sa balikat, pagkatapos ay nagtipa ng reply para kay Lucian.

Ako:

Exhausting. I done all the exam today :-(

Lucian:

Why are you sad? You should be happy that you're done with it.

Ako:

Napagod lang ako. Hindi ako malungkot.

Lucian:

Nagpapaawa ka sa akin?

I arched a brow at his reply. Tatarayan ko sana kaso may ibang dumaan sa isip ko kaya iba ang nireply ko sa kanya.

Ako:

Naawa ka ba?

Ngumisi ako bago isent iyon. He quickly reply.

Lucian:

Oo. That's why I'm here on you're school gate.

Mabilis akong napasinghap at namilog ang mga mata sa nabasang reply sa kanya. I was shock on that! Kunot noong napalingon sa akin si Shayne at akmang susulyapan ang phone ko ng mabilis ko iyong iniwas sa kanya.

"Ang damot!" singhal niya agad sa akin nang patayin ko ang phone at sinilid sa bulsa ko.

"Tsimosa." balik ko sa kanya at naningkit ang mga mata niya sa akin. Tumaas ang kilay ko.

"Sino 'yon ha? Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na mukhang may ka text ka? Dati wala ka namang interes sa phone." aniya at hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang puso ko sa kaba.

"Wala lang iyon." sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya. Mas lalong nanliit ang mata niya na para bang nagdududa sa naging sagot ko.

"Ang dami mong binusted na lalaki na nagtangkang manligaw sayo sa text ah!"

"Hindi ako nagpapaligaw sa text. Kung may gusto sila sa akin, sabihin nila sa personal."

"Kung ganoon sino yang ka text mo ngayon? Binali mo na yata ang prinsipyo mo." ngumisi siya sa akin at ako naman ang kumunot ang noo.

"There's no way I'll break my principle."

"Hindi naman yata ikaw ang nakabali, iyong kausap mo diyan."

"No one could break it!" umismid lang sa akin si Shayne mukhang hindi naniniwala. Naglalakad na kami ngayon patungo sa parking lot. Sa pag-iintriga niya ay bahagyang nawala ang nabasa kong reply kay Lucian pero ngayong bumalik iyon sa akin, bawat hakbang papalit sa parking lot ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Kapag ako nagsasabi sayo agad. Kapag ikaw ayaw mong magsabi."

"Wala lang 'to." depensa ko pero hindi niya pa rin ako pinaniwalaan. Ayoko rin namang sabihin sa kanya dahil si Lucian lang naman 'to. What's the big deal if Shayne would know that I'm texting him? Wala naman.

Iyon ba talaga ang dahilan Hyacinth o ayaw mo lang talagang ipaalam sa kahit sino na may koneksiyon ka sa Lucian na iyon?

Marami pang sinasabi si Shayne. She's even moving her hands to make her statement plausible. Habang ginagawa niya iyon ay pasimple kong kinuha ang phone sa bag para replayan siya.

Wind of Broken Souls (Isla Vagues Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon