Friday, 8 AM, is chill time—homeroom time, with Mrs. Arsenal.
Kaso malayo ang loob ko mula sa pagiging chill! Kumukulo ang dugo ko ngayon! Gusto ko nang puntahan sina Bevs at Andrea sa mga upuan nila at sabihing payag na ako — kung gusto pa nila ay buong gabi kaming mag-halikan ni Colin!
Pero ... mayroon ding parte sa loob ko na gusto na lang umuwi mamaya pagkatapos ng graduation practice at pagkatapos ay humilata sa kama. Sasabihin ko na lang sa kanila na okay lang kung huwag na nila akong isama. Isaksak na lang nila sa baga nila ang isla ng Boracay!
Ang lahat ng iniisip ko tungkol kay Colin at sa imposibleng dare nina Bevs at Andrea ay nawala na parang pumutok na bula noong pumasok sa room si ma'am Arsenal na nakayuko at namumula ang mga mata.
"Naka-shabu ata si ma'am," pabulong na biro nung siraulong kaklase sa likod ko.
Naglakad si ma'am sa harap papunta sa teacher's table na nasa kabilang gilid ng room, katapat ng pinto. Tahimik na pinagmasdan ng lahat si ma'am habang inayos ang kanyang gamit sa taas ng lamesa.
Ang singkit niyang mga mata ay lalo pang naningkit. Ang matulis niyang ilong ay namula. At ang dati niyang laging naka-ponytail na buhok ay nakalugay ngayon hanggang sa balikat, na mukhang nakalimutang ipugon dahil sa nararamdamang kalungkutan.
Nang matapos mag-ayos ng kanyang gamit ay tumayo siya sa likuran ng lamesa, ang mga kamay ay ipinag-kapit sa may harapan ng tiyan, at pagkatapos ay tiningnan niya kaming lahat.
Since last meeting na namin, hindi napigilan ni ma'am na mag speech, na may kasamang pagbuhos ng mga luha. Halos di makumpleto ni ma'am ang mga sinasabi niya na hindi biglang nagha-high pitch sa dulo ng sentences, sabay iyak.
Kami daw ang favorite section niya sa buong buhay niya ng pagtuturo. Nagmukha tuloy na nasa huling araw ng lamay ang classroom namin dahil lahat ay naki-sabay na din sa pag-iyak. Ang iba, nagkukunwari pang napuwing lang o nagtatanggal lang ng muta, ayaw ipahalatang naiiyak na din sila.
Inisa-isa kami ni ma'am at sinabi niya sa harap ng klase ang mga pinakamagandang alaala niya tungkol sa amin.
"Ikaw naman, Lauren..." Napa-upo ako ng deretso at nag-concentrate para pakinggan ang sasabihin niya tungkol sa akin.
Ano kaya ang sasabihin ni ma'am? Sana hindi nakakahiya.
"Never ko malilimutan noong September noong na Dengue ako. Ikaw at yung kaibigan mong varsity player ang unang bumisita sa akin sa ospital kahit signal number two. Dinalhan mo pa ako ng mga Gatorade, pang pa-rehydrate ka'mo sa akin." Sabay hagulgol ni Mrs. Arsenal. Na-carried away na din ako at nagduet kami ng iyak.
Naalala ko ang araw na iyon nang sinamahan ako ni Luther noon. Makikidalaw din daw siya. Tinanong ko pa kung bakit siya pupunta since never naman niya naging teacher si ma'am noon. Natawa ako sa biro niya na sideline daw niya ang pagiging faith healer at tutulungan niya raw si ma'am gumaling.
Tahimik ang lahat noong nagbigay na si ma'am ng mga advice sa amin para sa buhay after high school. Mabuti at natigil na ang pagtulo ng mga luha ni Mrs. Arsenal.
Taimtim na pinakinggan ng lahat ang mga sinasabi niya dahil, sa tingin ko, ang bawat grade 12 sa school ngayon ay takot, ignorante, at handang kumapit sa kahit anong payo para lang maging handa sa susunod na kabanata ng buhay namin — ang college.
"Mas strikto ang mga professor sa college kaysa sa teachers niyo dito sa high school, ha. Kung bagsak ka, bagsak ka talaga, walang paki-pakiusap. 'Yung mga paawa epek ninyo, nakuu... 'di na yan uubra dun. Ayusin niyo ang penmanship ninyo kasi kapag hindi nila mabasa ang sagot ninyo, mali na 'yun." Pananakot ni ma'am sa amin habang iwina-wagayway ang index finger sa hangin.
BINABASA MO ANG
Love in 24H (Filipino)
RomanceSa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo, higit pa roon ang nakamtan niya: pag-ibig ... lahat, sa loob ng dalawampu't apat na oras. *Completed* Now being edited for grammar.