11 PM

97 5 3
                                    

Napatigil ako sa pagsasayaw at tinitigan ang malumanay na mukha ni Luther, na nakatingin pa din sa akin. Ang pakiramdam ko ay parang isang batang natulala nang nahuli ito ng magulang habang nagpapalamig sa nakabukas na ref. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng pagkakonsensya at parang gusto kong lumapit sa kanya para magpaliwanag. Sumasayaw lang kami ni Brandon! Wala akong ginagawang masama!

"Anong nangyari sa'yo, ba't ka tumigil?" Tanong ni Andrea sa akin.

"Ah wala, may naalala lang ako." Pagsisinungaling ko. "Umm... powder room tayo?" Niyaya ko sila para makaalis kami doon. Itinuro kami ng mga kasama namin sa direksyon kung saan ang papunta sa banyo. Iniwasan ko na huwag lumingon pabalik. Pawisan at hinihingal na tinumbok namin ang direksyon na tinuro ng mga kasama namin. Kung sabagay, nakakaramdam na din ako ng konting pagka-ihi.

Pag dating namin sa may banyo ay tumambad sa amin ang mahabang pila doon dahil nag-iisa lang ito. Napansin ko din na puro babae lang ang mga nakapila dito. Siguro, sa kalye na lang o sa mga bakanteng bote nagsi-ihian ang mga lalake. Wala kaming magawa kung hindi maki-pila na din. Si Bevs, na hindi naman naiihi kanina, ay bigla atang naalala na napuno na ang pantog niya, at halos ibuhol na ang mga hita dahil sa hindi na raw niya mapigilan ang pagka-ihi.

Sa puntong iyon ay nakita ko bigla si Colin na nag-iikot-ikot mag-isa, na parang manager ng bar. Kinukumusta niya ang bawat madaanan, kinakamayan, at binabangga ng dibdib ang dibdib ng kausap na lalaki, habang hinahalikan naman sa pisngi ang mga babae.

Perfect excuse!

"Colin!" Tinawag ko siya. Nakaramdam ako ng magkahalong hiya at excitement. Unang beses ko lang naisigaw ang pangalan niya sa buong buhay ko. "Colin! Colin" Sa ikatlong beses ay lumingon na siya sa pwesto amin, at sinalubong kami ng ngiti nang nakita niya kami.

"Hey, you guys having fun?" Tanong niya sa amin.

Pagkalapit niya sa amin ay hindi ko napigilan na tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya, ang mukha ko inilapat ko sa mga dibdib niya. Inabot ko ang leeg niya para pilitin siyang yumuko. Ibinaba naman niya ang ulo niya sa mukha ko.

Hinawakan ko ang ulo niya sa magkabilang tenga. "Bevs reeeally wants to pee. Can you help her?"

Natawa si Colin sa sinabi ko at sinabi kina Andrea, "well, somebody's had a lot to drink tonight!"

Inakbayan niya ako at kinawayan sina Bevs at Andrea na sumunod sa amin. Dinala niya kami sa hagdan na gawa sa makapal na kahoy, papunta sa second floor ng bahay nila. Nung nasiguro na kaya kong maglakad mag-isa ay nauna siya sa akin sa pag-akyat at pinasunod kami sa kanya.

Nilingon ako ni Colin at sinabi, "Luther's here."

"Yeah, we saw each other." Sagot ko.

Sinalubong kami sa second floor ng isang sofa set na nakapalibot sa isang lamesa na hanggang tuhod ang taas. Mayroong iilang magkakahiwalay na kumpulan ng mga tao doon. Ang iba ay nakatayo habang ang ilan naman ay nakaupo sa sofa. Nagkukwentuhan at nagtatawanan sila, na mukhang pansamantalang nagpapahinga mula sa gulo na nasa ibaba ng bahay. Nabawas ng husto ang ingay mula sa ground floor kaya ang mga nag-uusap dito ay hindi na nagsisigawan.

Sinundan namin si Colin papunta sa kaliwang corridor mula sa pag-akyat ng hagdan. Dinala niya kami sa isang kwarto. Pagbukas ng pinto ay hindi mapagkakailang kuwarto niya iyon. Dalawang beses ang laki noon kaysa sa kwarto ko. Sa pader nito ay may mga poster ng ilang NBA players, isang dilaw na #24 jersey na naka-frame, at isang maliit na basketball ring na kasing taas ko. May collection din ng mga pang-basketball na rubber shoes na mukhang bagong-bago at hindi pa nai-susuot.

Nagmadali niyang pinulot ang mga paisa-isang nakakalat na mga damit sa sahig at kama niya, at itinapon ang mga iyon papunta sa isang sulok ng kuwarto na palayo mula sa amin. Muntik na tamaan ng mga inihagis niyang damit ang isang koleksyon ng iba't-ibang sandata na nakasabit sa pader. Ang hula ko, ito ay mga gamit na pang-ninja, dahil sa mga anime characters na naka-drawing doon na naka-suot ng mga pang-ninja na damit.

Love in 24H (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon