Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo na hindi ko pa kailanman naranasan. Ang ulo ko ay parang bumigat ng limang beses mula sa dati nitong timbang. Nahirapan akong i-angat ito, na parang ayaw akong pabangunin mula sa pagkakahiga. Ang loob ng bungo ko ngayo'y pumipintig, na parang tinubuan ng sarili niyang puso. Binuksan ko ang mga mata ko pero wala akong makita! Diyos ko, nabulag na ba ako?!
Napakalma ako agad ng makita ko ang isang manipis na liwanag na nakatayo sa bandang kanan ko. Napaka-tipid nitong inilawan ang puting telang nakapatong sa katawan ko.
Pinilit kong bumangon, kahit kinontra iyon ng mas lalo ko pang sumakit at bumigat na ulo. Umupo ako sa kama at isinandal ang likod ko sa ulunan nito. Ang likod ko ay sinalo ng manipis at matigas na foam, na nagpaalala sa akin ng mga ginagamit sa mga jeep bilang sandalan ng mga pasahero. Ang balat ng likod ko ay kumapit sa makinis na leather na nagsilbing takip nito.
Dahil sa nakapa ko ang kama, kumot, at mga unan, ay naintindihan ko na nasa isa akong kuwarto. Matapos ko itong titigan pa ng husto, napagtanto ko na ang liwanag sa bandang kanan ko ay mula sa isang pintong nakabukas lang ng kaunti na binarat ng husto ang ilaw na lumabas mula sa loob nito. Salamat naman at nakauwi ako. Ang pagkalaman ko na nasa bahay na ako ay nakapag-kampante sa akin.
Teka, nasa bahay na nga ba ako?
Tinanggal bigla ng pagdadalawang-isip ko kalmang saglit kong naramdaman. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko.
Una, ang ulunan ng kama ko, gawa iyon sa semento—iyon ang pader ng bahay namin! Hindi iyon gawa sa unan na pang-jeep! Ikalawa, walang anumang pinto sa tabi ng kama ko! Ikatlo, wala akong air-con sa kwarto!
Kung wala ako sa bahay, nasaan ako?
Agad akong bumangon mula sa kama at itinulak ang pinto para palabasin ang liwanag sa likod nito. Dumulas ang kumot mula sa katawan ko at nalaglag ito sa sahig. Hinipan ng malamig na hangin ang hubad kong katawan.
NAKA BRA'T PANTY LANG AKO!
Tinawag ng isang bilog na mantsa sa kama ang paningin ko. MATINGKAD NA PULA— DUGO! Ito ay nasa bandang puwetan ng pinaghigaan ko.
ANONG NANGYARI SA AKIN KAGABI?!
Sinandal ko ang tagiliran ko sa frame ng pinto at itinulak ng isa ko pang kamay ang kabilang frame nito para suportahan ang nanghihina ko pang mga tuhod. Pilit kong inalala kung ano ang nangyari sa akin nitong mga nakalipas na oras.
Hindi pa man ako nakakapagsimulang mag-isip ay nakita ko ang mabalbon na mga binti at paa ng isang taong nakahandusay sa sahig ng paanan ng kama. Napaatras ako, tinakpan ko ang bibig ko para hindi sumigaw. Nakidnap ako?!
Biglang bumalik ang mga alaala... ang pag-hila sa akin papaloob sa sasakyan. Mga taong humahalakhak. Ang mga matang hayok na nanlilisik, nakatingin sa akin, parang hinuhubaran ako.
Napaatras ako para tumakas, tumakbo, pero pinigilan ako ng malamig na tiles na binangga ng likod ko.
Pinuno ko ang mga baga ko ng hangin, bumwelo, at tumili ng pinaka-malakas na kaya kong gawin. "TULOOONG!" Ang mga luha ko nagsimula nanaman umagos pababa sa aking mga pisngi. Pamilyar ang pakiramdam—parang ilang oras na akong umiiyak ngayong gabi.
Isang nakahubad na tao ang biglang pumasok sa banyo at sumugod papunta sa akin.
"TULONG!" Paulit-ulit kong sigaw. Iniwas ko ang mukha ko habang pinagsisipa at pinagkakalmot ang tao na pinuwersa akong tumigil lumaban.
"Lauren..."
Bakit niya alam ang pangalan ko?
"Lauren... Lauren..."
BINABASA MO ANG
Love in 24H (Filipino)
RomanceSa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo, higit pa roon ang nakamtan niya: pag-ibig ... lahat, sa loob ng dalawampu't apat na oras. *Completed* Now being edited for grammar.