"Okay, students, please, settle down." Pagmamakaawa ni Mrs. Rodriguez sa microphone, na isinigaw naman ng mga speakers na nakapalibot sa gym. Kung hindi lang siya nakasuot ng teacher's uniform, akalain mong grade 9 student si ma'am.
Matapos ang apat pang pag-aapila ni Mrs. Rodriguez, unti-unti ding nabawasan ang gulo at ingay sa gym, na kanina lang ay kasing ingay ng talipapa sa umaga.
"So, today, noh?, we are going to do two rounds of practice for your graduation ceremony on Tuesday. So, our pirst practice will be up to 1 PM, noh? And then, you will have your lunch. Apter dat, the second practice, noh?, will be from 2 PM to 4 PM."
"Awww." In chorus na protesta ng mga estudyante. Kumalat kasi ang chismis na madi-dismiss na kaming lahat by 1 PM mamaya at pagkatapos ay papauwiin na kami ng maaga.
Habang itinuloy ni ma'am ang pagpapaliwanag ng programme ay inisip ko kung paano ang gagawin ko para maimbitahan sa party ni Colin mamayang gabi.
For sure, ang mga kasama doon ay ang lahat ng varsity players, cheer leaders, mga 'cool' naming ka-batch, at mga kabarkada nila. Collectively, ang tawag sa kanila ay ang mga CK, o "Cool Kids." Ang mga CK ay ang mga pinakasikat na estudyante sa school. Ang karamihan sa kanila ay mukhang mga naggagandahang mga artista, kung hindi man sa itsura, ay sa bihis. May sarili din silang mundo sa campus — may sariling tambayan, sariling paraan ng pagsasalita, na laging nag-e-English, at pananamit ng kung anong mga pinakabagong uso.
Naalala kong bigla si Luther. Kahit hindi siya umaayon sa pananamit at pagsasalita ng mga CK, ay miyembro pa din siya nito, sa ayaw at sa gusto niya. Panigurado, nandoon siya mamaya sa party. At ang pinakamadaling paraan para maimbitahan ako ay ang sabihin ko lang kay Luther na gusto kong pumunta. Sigurado ay gagawa 'yun ng paraan para maka-sama ako. Easy-peasy!
Wow, what a user. Biglang kontra ng sarili sa ideya na naisip ko.
Umiling-iling ako habang nakaramdam ng magkahalong pagsisisi, panghihinayang, at pagka-ilang dahil sa naisip ko ang option na iyon, at dahil hindi ko din ito pwedeng gawin.
'Di pa din kasi kami nakakapagusap ni Luther ng mabuti magmula noong bigla niya akong inabutan ng isang bouquet ng red roses bago mag-simula ang morning assembly, apat na linggo na ang nakakaraan, at pagkatapos ay hinarana sa harap ng buong highschool body. Sa sobrang hiya ko ay bigla ko rin siyang nasampal noon bago ako tumakbo papalayo. Nagtago ako sa clinic ng halos buong araw at nagpanggap na may sakit. Hindi naman nagduda sa akin ang mga taga-clinic dahil unang beses ko lang iyon na ma-confine sa clinic, at dahil na din siguro isa ako sa top ng batch namin — walang dahilan para pagsuspetsahang akong nagsasakit-sakitan lamang para makapag-cutting classes.
Nope. Hindi puwede ang Luther option.
Pinilit kong ibinalik ang attention ko sa kung paano ako maiimbitahan sa party.
"Please stand for the Prayer and the Entrance of Colors." In-announce ni Mrs. Rodriguez habang naka tayo sa ibabaw ng isang ga-tuhod ang taas na platform para hindi siya matakpan ng podium na nasa harapan niya. Tumayo naman ang lahat ng estudyante, sumunod na walang kalaban-laban sa programme.
Wala kaming common friends aside from Luther. Si Andrea naman, na very active ang social life, ay hindi nakikisama sa mga CK. Ang cringey naman kung i-private message ko si Colin mismo. Hmmm...
Naging busy ang isip ko dahil sa kakaplano at kamomroblema. Mas napapalaban pa tuloy ang utak ko ngayon kaysa noong periodical test namin.
Ang pinakamagandang paraan lang na naisip ko sa ngayon ay magawan ng way na makausap ko si Colin ng harapan, na kaming dalawa lang, A.S.A.P. At, sa kung paanong paraan, ay ma-dala ko ang usapan papunta sa party. Kung suswertehin, ay baka maisipan niya akong ma-imbitahan. Ang best case scenario ay kung maisama ko din sina Bevs at Andrea.
![](https://img.wattpad.com/cover/236461775-288-k106548.jpg)
BINABASA MO ANG
Love in 24H (Filipino)
RomanceSa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo, higit pa roon ang nakamtan niya: pag-ibig ... lahat, sa loob ng dalawampu't apat na oras. *Completed* Now being edited for grammar.