Hindi ko mapigilan ang aking ngiti habang naglakad ako papasok sa gate namin.
Sunod-sunod ang mga magagandang nangyari sa akin ngayong hapon, na tuluyang binura ang mga nakakahiyang kamalasan ko simula pa kaninang umaga.
Sumunod sa likod ko si Mama, na tanong ng tanong kung si Kimberly de la Vega nga ba iyong nakita niya, at kung paano nangyaring inihatid niya ako pauwi ... at bakit ako may polo na nakasiksik sa baywang ko.
Bago ako makapasok sa pinto ng bahay namin ay sinabi ko na lang kay Mama na matagal na kaming magkakilala sa school. Na maswerteng na-tyempuhan lang na nadaanan ako ng van nila habang naglalakad ako pauwi, at pagkatapos ay bigla niya akong niyaya na ihatid pauwi.
Isa nanamang kasinungalingan...
Sinabi ko din na sumabit ang palda ko sa upuan ng van at pinahiram ako ng polo nung lalaking katabi ko doon para matakpan ang punit.
...na dinagdagan ko pa ng isa.
Para ma-iba ang atensyon ni Mama mula sa akin, sinabi ko na may pinsan si Kimberly de la Vega sa baranggay namin, Emerald ang pangalan. Pinilit ni mama alalahanin kung may Emerald ba siyang kakilala. Maya-maya pa ay naalala niya na sa may kabilang dulo ng baranggay namin ay meron ngang batang babae doon na nagngangalang Emerald. Dahil sa pagkatuwa ay nakalimutan niya na ang tungkol sa punit ng palda ko.
Pagpasok ko ng bahay ay halos lundagan ako ni tita Percy, na tumili na high-pitched sa kaliwang taenga ko, habang sinalubong ako ng yakap na may kasamang maliliit na pagtalon. Kailangan ko na ipacheck-up itong tenga ko na kanina pa napupuruhan ng sigaw.
Naupo ako sa mahabang sofa sa Living Room namin. Si tita Percy naman ay dali-daling tumabi sa akin. Sa tapat naming dalawa ni tita Percy ay umupo si mama sa pang-isahang couch.
Parang walang pinagbago si tita, na hanggang bewang pa din ang napaka-straight na buhok at mahilig pa din sa matingkad na pulang lipstick. Parang hindi siya tumanda at mukhang lalong pumuti pa, dahil siguro sa tagal niyang tumira sa Amerika. Medyo magkahawig sila ni mama, and therefore ay maganda din, base sa obserbasyon ni Colin kanina. Syempre, ang ibig sabihin noon ay maganda din ako!
Simula sa pagpasok ko ng pinto ng bahay ay parang barenang walang hinto ang bibig ni Tita Percy, na halos hindi na humihinga sa bilis magsalita. Inu-update niya kaming dalawa ni mama tungkol sa mga nangyari sa kanya sa Amerika.
Hindi pa ba naubos ang kwento niya simula kaninang tanghali?
Halos limang taon din kaming hindi nagkita ni tita. Huli kaming nagkita noong 13 years old pa lang ako, bago ako mag-grade eight. Tumira si tita sa amin ng halos isang taon, bago siya nag-migrate sa Caliornia kasama ang fiance niya noon na Amerikano. Sa kasamaang palad, si uncle Walter ay namatay after 3 years lang nilang ikinasal. Hindi din sila nagka-anak.
Sa gitna ng makulay na pagkukwento ni tita Percy ay pansamantalang napabaling ang atensiyon naming tatlo sa naka-bukas na TV dahil mayroon daw na 'breaking news.' Nilakasan ito ni mama gamit ang remote para mas malinaw namin itong marinig. Mukhang hininaan nila ito kanina para makapag-usap pa din kahit naka-on ang telebisyon.
Matapos ang maiksing tugtog na pang-balita ay nag fade-in ang camera papunta sa isang babaeng newscaster, na agad nagsalita. "Ang balita sa oras na ito... Isang babae ang natagpuang lumulutang na walang buhay sa ilog Pasig kaninang alas tres ng hapon. Ayon sa mga saksi, sinubukang kunin ng ilang kabataang naliligo ang isang damit na sumabit sa mga halamang lumulutang doon. Nang hilain ay tumambad ang katawan ng babae. Agad naman itong ipinagbigay alam sa baranggay—".
"Jusko patayin mo nga yan." Pakiusap ni tita Percy kay Mama.
"Ang babae ay tinatayang nasa kinse hanggang bente anyos ang edad, katamtaman ang taas at pangangatawan, —"
![](https://img.wattpad.com/cover/236461775-288-k106548.jpg)
BINABASA MO ANG
Love in 24H (Filipino)
RomanceSa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo, higit pa roon ang nakamtan niya: pag-ibig ... lahat, sa loob ng dalawampu't apat na oras. *Completed* Now being edited for grammar.