9 AM

112 8 8
                                    

Nilapitan agad ako ni Bevs pagkatapos ng Homeroom class. Niyakap niya ako habang hinimas-himas ang aking buhok.

Isa yan sa mga magagandang katangian ni Bevs na 'bilib ako — malakas ang pangdamdam niya para sa emosyon ng iba, na para bang isang German Shepherd na nakakaamoy ng nararamdaman. Nalalaman niya agad kapag nalulungkot ang mga kaibigan niya.

"What's wrong, baby girl?"

Pinilit kong huwag umiyak, pero hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko noong tinanong ako ni Bevs.

Mabuti na lang ay emosyonal pa ang buong class dahil sa pagpapaalam ni ma'am. Kung hindi ay siguradong magmumukha akong baliw na lumuluha mag-isa sa klase. Sana, i-assume ng makakakita sa akin na naluha ako dahil "close" lang talaga kami ni Mrs. Arsenal at talagang mamimiss ko siya ng sobra sobra.

Sa totoo lang, hindi naman talaga kami close ni ma'am. Bihira kong gawin, pero minsan hindi ko mapigilang gumawa ng mga bagay na alam kong makakapagpasaya sa iba, gaya ng pagdalaw kay ma'am sa ospital o ang pagreregalo ng magandang laruan para sa anak ni mang Romeo.

Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Bevs.

Anong sasabihin ko? Na na-realize ko na nasayang ko ang anim na taon ng buhay ko?

Malamang ay tatawanan lang ako n'un. Tapos makikisawsaw pa si Andrea. Matatalik ko silang kaibigan, pero kapag dating sa mga ganitong seryosong usapan, hindi ko maasahan ang dalawang iyon. Ironically, para sa isang very empathic na tao, si Bevs ang huling taong dapat mong kausapin tungkol sa mga seryosong bagay. Sa dulo, nauuwi lang sa kalokohan ang kahit anong pag-usapan namin.

"Wala... wala." Umiiling kong sagot habang pinapaypay ang kamay ko sa mukha ko. "Na-touch lang ako sa speech ni ma'am... atsaka parang sumama ang pakiramdam ko."

Buti nakaisip ako agad ng paliwanag nang hindi nagsisinungaling. 

Hangga't maaari, iniiwasan ko ang magsinungaling dahil mahirap alalahanin ang mga inimbentong kwento. Bukod sa na-touch naman talaga ako, ay nagsimula na ding sumakit ang puson at mga dibdib ko.

"Awww... oo nga, ako din eh, tumulo nga sipon ko. Lakas kasi maka-drama nitong si ma'am. Bakit, anong nararamdaman mo?" Hinimas-himas niya ang ulo ko na para akong isang alagang tuta.

"Magkakaroon na ata ako." Sagot ko sa kanya.

Hinigpitan ni Bevs ang yakap sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hinimas ang puson ko.

"Huuy!" Napaatras ako sa silya ko at tinapik palayo ang kamay niya.

Humalakhak si Bevs na parang kontrabida sa pelikula. Nakisama na din ako ng tawa. "Epektib, diba?" Tanong ni Bevs.

Nawala pansamantala ang lungkot at kirot na nararamdaman ko dahil sa mga paglalambing at pangungulit ni Bevs. Hinalikan niya ako sa noo at tinapik sa ulo, bago siya bumalik sa silya niya. Ang mga kaklase namin ay agad ding nagsi-balikan sa mga pwesto nila. Dumating na din kasi sa classroom si Mr. Raymundo, ang teacher namin sa Research.

Ipinatong ni sir ang kanyang leather na satchel bag sa taas ng teacher's table at nagsimulang ilabas ang ilang gamit mula dito. "Okay, settle down, everyone. A teacher is already in the classroom." Utos ni Mr. Raymundo sa mga kaklase kong sobrang likot na parang mga bulateng sinabuyan ng asin.

Matapos maayos ang gamit, tumayo si sir sa harap ng classroom at nag-crossed arms. Unti-unting nabawasan ang kalikutan at ingay ng klase. Dahan-dahan niyang sinuyod ng tingin ang buong classroom, mula kaliwa hanggang kanan at pabalik, na may mukhang sobrang seryoso na parang kakatalo lang ng malaking pusta sa tong-its. Kahit last meeting na, istrikto pa din si sir.

Love in 24H (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon