12 NN

101 8 3
                                    

Bumaba ako ng stage at pinilit na kumalma at huwag magpakita ng emosyon. Siguradong kapag hindi ko pinigilan ang sarili, ay magmumukha akong naka-nguya ng ampalayang ubod ng pait. Hindi maiipinta ang mukha ko kapag lumabas dito ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.

Nagsabay-sabay sa loob ko ngayon ang saya, kilig, kaba, pagka-ilang, at pagiging-proud. Naglakad ako pabalik sa upuan ko sa section namin na parang nalipasan ng gutom dahil parang lumulutang ang aking ulo. Pagkabalik sa silya ay nanatili akong nakatayo, gaya ng mga kaklase, nakaharap ng deretso sa direction ng stage habang pino-process ang mga bagong impormasyon sa utak ko.

Nakatingin sa akin si Colin, sa taas ng stage, habang nakatingin din ako sa kanya, habang pinapalakpakan ako ng lahat.

Halos hindi ko napigilan ang mga labi ko sa pagngiti nito. Sigurado ako na naging maganda ang impression ko sa kanya. Sana ay nabura noon mula sa alaala niya ang mga nangyaring nakakahiya kanina sa morning assembly at clinic.

Luther, Luther, Luther... Naalala ko bigla ang sabay-sabay na sigaw ng lahat kanina habang nagtititigan kami ni Colin.

Ang kaso nga lang, associated ako kay Luther dahil lagi kami magkasama noon. Dagdag pa doon iyong ginawa niya sa akin dito sa gym dati. Tsk! Baka iwasan ako ni Colin sa pag-aakalang mayroong namamagitan sa aming dalawa ni Luther.

"Okay section two, kapag isang student na lang ang natira sa stage, mag-ready na kayo, noh? Stand up kapag tinawag ko ang section ninyo. Section one naman, you take your seat kapag nakabalik na ang last student prom your section." Paliwanag ni Mrs. Rodriguez. "Section two." Nagsitayuan ang buong section nila at pumila sa tabi ng stage gaya ng ginawa ng section namin kanina. Nagsiupuan ang mga nasa section namin noong nakabalik na sa upuan niya si Zamora, ang huling estudyante mula sa klase namin.

Nilingon ko ang section five sa likod ko at umasang makatitigan ulit si Colin, pero busy siyang pinagtitripang kalabitin ang mga kaharap niyang halatang iritado na. Matapos mangalabit ng isang kaklase ay nagkukunwari siyang hindi siya ang gumagawa noon. Hindi siguro pumapatol ang mga binibiktimang kaklase dahil sa laki niyang tao.

Nag GC ulit kami nina Bevs at Andrea at ikunwento ko sa kanila ang nangyari sa akin sa stage. Halatang kinilig naman ang dalawa dahil narinig ko ang mga pigil na tili nila mula sa kaliwa at likod ko.

Tinuloy namin ang pagpaplano na mukhang walang kahihinatnan sa ngayon, nang biglang nagmessage sa akin si Mama.

"What time ka uwi?"

Anon'ng meron, bakit kaya ako tinatanong ni Mama?

Magrereply na sana ako pero naunahan niya ako ng agarang message na, "napaaga ang dalaw ni Tita Percy mo sa bahay. Mag dinner daw tayo mamaya sa mall."

Dapat bukas pa dadalaw si tita, na galing bakasyon mula Amerika.

OMG. Hindi ako pwede umattend ng dinner! Mayroon akong soon-to-be-confirmed commitment mamayang gabi. Anong sasabihin ko para hindi makasama?

Hindi ako sumagot agad at nag-isip ng pwedeng palusot.

"Seen?" Message ni mama. "Siniseen mo na lang ako ngayon?" Dagdag pamemressure niya sa akin.

"Ma, nasa gitna po kc kami ng grad practis. Bk makita po kc ko ng principal na nagccp." Palusot ko.

"K. Kala ko lunch break niyo na." Reply ni mama.

"1 PM pa po ang lunch namin. Nausog dahil sa practis. Msg ko po kayo l8r." Reply ko.

"Section four." Announce ni Mrs. Rodriguez. Halos sabay-sabay naman na nagsi-tayuan ang mga estudyante at naglakad papunta sa tabi para pumila sa babang gilid ng stage.

Love in 24H (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon