Lumabas ako ng banyo, nakahandang lundagan at pagkatapos ay yakapin si Luther ng mahigpit.
Inisip ko na nandoon siya ngayon sa likod ng pinto, inaabangan ako, nakahandang saluhin ang aking talon, at papantayan ang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya. At pagsalo niya sa akin, ay iikot-ikot kami, buhat-buhat niya ako habang magkayakap, parang mga magkasintahan sa isang pelikula.
Pero pag labas ko ng banyo ay ang tumambad lamang sa akin ay ang mga napkin na pinakisuyo ko kay Luther. Nakapatong ito sa kama, katapat ng pinto ng banyo. Katabi nito ang ilang disposable na mga panty.
Nilingon ko si Luther. Bumalik siya sa puwesto niya kanina, nakahandusay nanaman sa sahig, naka-boxer shorts lang. Malalim ang tulog niya at humihilik-hilik pa. Ginawa niyang banig ang mga damit niya. Natawa ako sa mga nakita ko. Nabitin ako. Dapat pala ay hindi na muna ako naligo agad, biro ko sa sarili ko.
Kumuha ako ng isang disposable panty, na gawa sa manipis at stretchable na parang bulak na tela, at isang napkin. Pumasok ako sa banyo at isinuot ang mga iyon. At least hindi ako uuwi mamaya na parang na-ihi sa salawal. Buti din ay naisip ni Luther na bumili ng disposable panty. Galing!
Tinapon ko na sa basurahan ang sinuot kong panty kagabi at isinuot ulit ang bra. Buti hindi ko sinuot ang mamahalin kong panty sa party dahil nakakahinayang kung itatapon ko lang iyon. Nakita ko ulit ang nakatuping papel na ipinatong ko kanina sa ibabaw ng tangke ng kubeta. Binuklat ko ito mula sa pagkakatupi.
Omnia cum pretio
"Omnia cum pretio. Ang lahat ay may presyo." Bulong ko sa sarili ko.
Tinupi ko ulit ang papel na bigay sa akin ni Miss Raquel kahapon at isinignit ito muli sa pagitan ng bra at dibdib ko.
Lumabas ako ng banyo na nakapanloob lamang dahil tulog naman si Luther. Kinuha ko ang kumot at ibinalabal iyon sa sarili ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin, at sa mabilisang tingin ay nagmukha akong naka-wedding gown. Napa-ngiti ako sa sarili ko habang nag po-posing-posing na parang isang model ng trahe de boda.
Humiga ako sa gitna ng kama para iwasan ang mga mantsa ng dugo na iniwan ko sa isang tabi nito na malapit sa banyo.
Ipinahinga ko ang ulo ko sa unan na halos kasing tigas ng bato. Kapag pinalo mo 'to sa tao siguradong ma-oospital yun. Tumingala ako sa kisame at ngayon lang napansing may salamin pala doon. Tinitigan ko ang sarili kong mga matang nakatingin pabalik sa akin.
Bumaha nanaman sa ala-ala ko ang lahat-lahat ng nangyari sa akin sa loob ng isang araw.
Pinigilan ko ang sarili kong humalakhak ng malakas nang maalala ko na ang dare lang nina Bevs at Andrea, at ang pagka-patay na patay ko kay Colin ang pinagsimulan ng lahat ng ito.
Sinubukan kong alalahanin ang guwapong mukha ni Colin, ang katawan niyang matikas, ang amoy niyang nakaka-akit, ang matangos niyang ilong, ang mga ngiti na parang prinsipe sa mga pelikula. Sa hindi ko malamang dahilan ay ang alaala ni Colin ay nawalan na ng kamandag, wala na itong epekto sa akin. Si Colin ngayon ay naging isa na lamang maitsurang tao na kakilala ko lang. Pakiramdam ko ay bigla akong tumanda ng ilang taon sa loob ng ilang oras, at si Colin ay naging isa na lang sa mga naging crush ko sa eskwela, ilang taon na ang nakakalipas. Isang malayong alaala na walang dating sa akin.
Naalala kong bigla si Luther. Sinilip ko siya mula sa dulo ng kama. Napaka-payapa ng mukha niya, ke-gising man o tulog, wag mo lang gagalitin.
Ginising ko siya at pinahiga sa tabi ko sa kama.
Bumalik ako sa pag-higa ko sa gitna ng kama, nakabalabal pa din ako ng kumot. Humiga naman siya sa kabilang dulo ng kama na hindi na-mantsahan ng dugo ko. Kinuha niya ang t-shirt at jacket niya mula sa sahig at ikinumot ang mga iyon sa kanyang dibdib at tiyan. Halos kalahati lang ng kanyang katawan ang inihiga niya sa kama, ang isang paa ay itinukod sa sahig pang suporta sa sarili para hindi siya malaglag. Sinigurado na may malaking puwang sa pagitan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Love in 24H (Filipino)
RomanceSa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo, higit pa roon ang nakamtan niya: pag-ibig ... lahat, sa loob ng dalawampu't apat na oras. *Completed* Now being edited for grammar.