Sa wakas, last day na ng klase. Ga-graduate na ako next week.
Naisip ko itong bigla habang naglalakad papasok sa gate ng St. Biers Academy, ang eskwelang pinasukan ko for high school.
"Good morning, Lauren," bati sa akin ni mang Romeo, ang napaka-bait naming security guard.
"Good morning din po!" Sagot ko sa kanya.
Tinapik ako ni Mang Romeo sa balikat nang mapatapat na ako sa kanya. "Uy, konggrats, ha. Graduation niyo na pala sa Martes! Salamat ulit dun sa manika na regalo mo. Tuwang-tuwa si bunso!"
"Salamat po. Naku, wala po yun." Sagot ko habang tumuloy akong pumasok sa gate ng school, nakangiti at kumakaway sa kanya.
Ito na ang huling beses na dadaan ako sa gate na 'yun kasabay ng schoolmates ko na parang mga walang kabuhay-buhay. Ang lahat ng naglalakad na estudyante ay puro inaantok pa, habang mabagal na binabagtas ang grounds papunta sa gym para umattend ng 7:20 AM morning assembly. Kapag umungol ang mga ito paminsan, magmumukha na silang mga zombie.
Matapos ang anim na mahahabang taon ng high school, finally ay magco-college na ako sa susunod na pasukan. 'Di ko na kailangan gumising ng 5 AM para maligo ng ice-yelo na tubig mula sa balde. 'Di na ako naka-kulong sa eskwelahan mula 7:20 AM hanggang 4 PM ng limang arawa sa isang linggo. Hindi ko na din kailangang puntahan ang mga meetings ng tatlo kong sinalihang clubs tuwing Sabado. At ang pinakamahalaga sa lahat ay hindi ko na kailangang sapilitang magsuot ng palda dahil sa school uniform namin!
Ang pakiramdam ko ay para akong preso na sa wakas ay makakalaya na mula sa anim na taong pagkakasentensya.
Pumunta muna ako sa powder room para mag-hilamos at mag-refresh.
Inapplayan ko ng manipis na pulbos ang mukha ko, maingat na iniwasang malagyan ng puti ang bangs kong hanggang mata. Dahan-dahan ko din dinampian ang paligid ng mga mata kong, sabi nila, ay para raw mga matang-pusa. Sinuklay at inilugay ko ang buhok kong itim na straight na lampas balikat ang haba. Nilagyan ko din ng lip balm ang mga mapupula kong mga labi, na nagpa-kintab sa mga 'to. Madalas kasi itong matuyo dahil sa air-con ng class room at gym. Hindi na ako nagpabango pa ulit dahil maamoy pa ang nilagay ko kanina bago ako umalis ng bahay.
Nang matapos mag-ayos ay tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.
Dapat excited ako na ga-graduate na ako, pero bakit parang hindi ako masaya?
Lumabas ako ng banyo na nakaramdam ngayon ng lungkot na hindi ko malaman kung saan nagmumula.
Sinulit ko ang bawat sandali ng huling paglalakad ko mula sa gate ng eskwelahan.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang mga dinaanan kong buildings, mga garden, ang canteen, pati ang mga lamesa at benches na nagsilbing tambayan ng iba't ibang magkaka-barkada.
Nadaanan ko din ang Guidance Office at inisip na kamustahin ang mga mababait na counselors na nandoon, pero hindi ko na lang ito itinuloy. Nagpatuloy ako sa paglalakad, pilit na sinariwa, sa huling pagkakataon, ang mga detalye sa grounds ng school.
Habang papalapit ako sa gym ay napansin ko na andoon pa din ang sira sa pader ng eskwela. Nawasak ang taas na bahagi ng pader noong nabagsakan ito ng malaking puno noong nakaraang bagyo. Minsan na akong nag-tip-toe doon sa hugis-'U' na butas para masilip ang mapuno na katabing lote ng school namin, na isang magubat na parke sa loob ng isang exclusive residential village.
Nagpatuloy akong maglakad, habang lilingon-lingon para masinsinang pagmasdan ang campus na para bang nasa isa akong museum. Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko noong nakita ko na ang gym na papalapit.
BINABASA MO ANG
Love in 24H (Filipino)
RomansaSa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo, higit pa roon ang nakamtan niya: pag-ibig ... lahat, sa loob ng dalawampu't apat na oras. *Completed* Now being edited for grammar.