Matapos na bahagyang humupa ang mga nagka-halo-halong emosyon ko na kanina'y parang mga malalaking alon na paulit-ulit na humampas sa mabatong dalampasigan, pumalit naman dito ngayon and unti-unting paglala ng pangingirot ng aking katawan. Pansamantala kong nakalimutan ang pagsama ng pakiramdam ko dahil sa dami ng iniisip kanina.
Wag naman sana ako magkaroon ngayon! Napaka-bad timing naman!
Naalala ko na mayroon akong dalawang gamot sa bulsa na bigay ni doc sa akin kaninang umaga. Pumihit ako pagilid at tiniis ang masakit na pagdampi ng mga dibdib ko sa kutson. Hirap kong inabot ang nangangalahating bottled water na nakapatong sa shelf sa tabi ng kama. Mabuti ay hindi ko pa ito naitapon. Last week ko pa ito binili at mukhang okay pa naman. Ininom ko ang isang gamot at bumalik sa paghilata. Sana mawala na ang pangingirot.
Lumipad ang isip ko at ibinalik-tanaw nanaman ang mga nangyari sa buong araw. Bumalik sa akin ang mga pag-uusap namin kanina sa gym nina Bevs—SINA BEVS! Napa-bangon ako bigla dahil sa pagkaka-alala na hindi ko pa pala sila na-uupdate.
Inuga ng bigla kong pagbangon ang kalamnan ko na parang inalog na gelatin. Napaungol ako at sandaliang napatigil huminga ng matinding kirot na biglang kumalat sa buo kong katawan. Napa-pikit ako ng matinding sakit! Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahiga at niyakap ko ang sarili ko, nagbabakasakaling mabawasan ang tumitibok na kirot. Napakarami nang messages nina Bevs at Andrea, nagtatanong kung ano na ang nangyari sa akin at kesyo masama akong kaibigan dahil pinagpalit ko na daw sila kay Colin.
Finally ay nireply-an ko na sila. Ang sabi ko lang ay may balita ako sa kanila tungkol sa amin ni Colin, pero mamaya ko na ikukwento sa party ang detalye. I-chinat ko sa kanila ang mga nangyari pagkatapos nila akong iwanan kaninang hapon sa may bookstore, at kung paano ko nagawan ng paraan na maimbitahan rin silang dalawa.
Agad natabunan ang excitement ko sa pagku-kwento nang bigla akong tanungin ni Andrea ng "anong isusot mo?"
Oh, Fu—. Wala akong matinong damit!
Dahil sa hindi nga ako mahilig maglalalabas, ang mga damit ko sa aparador ay puros semi-formal na ginagamit ko pang-reporting sa school, sandamukal na pambahay, at simpleng mga damit na pang all-around lakaran: pang-sine, pang-grocery, pang-lamay, at iba pa. Hinalukay ko ang mga pwede kong isuot, nagbabakasakaling mayroon akong pwedeng gamiting na pang-party, pero binigo ako ng aking mga walang kamatayang jeans, maluluwag na t-shirt, at V-neck tops.
Kadalasan ay taga-gatong lang si Andrea sa mga usapan namin ni Bevs. Pero since siya ang expert ng barkada namin pagdating sa mga night life-related na bagay, bigla siyang nag-transform ngayon at naging istriktong sobrang dominante na walang tigil akong sinermonan tungkol sa kakulangan ko ng gamit. Siguro, ito din ay dahil sa malapit na mag-gabi— baka lumalabas na ang tunay na anyo ni Andrea. Hindi din nakatulong sa pag-aalala ko ang pag-panic niya. "Hello?! Baka i-pangpunas ka ng mga CK doon sa mga natapon na sarsa mamaya kasi mukha kang basahan!" Walang-puso niyang babala sa akin.
Habang tinatalakan ako ni Andrea ay naalala ko na i-text si Kimberly de la Vega. Sinabi ko sa kanya na kung hindi pa nagbabago ang isip niya tungkol sa offer niya na sunduin ako ay ready na ako by 6:15 to 6:30. Sabi ko din na, kung pwede, ay pick-up-in ako doon sa conveniece store malapit sa kanto ng kalsada namin, at huwag sa mismong bahay namin. Nagreply siya na okay daw at excited na raw siyang makita ako ulit. Ang bait bait talaga niya, sana matagal ko na siyang nakilala, pagsisisi ko.
"Hoy, picture-an mo nga lahat ng damit mo para mapilian ko!" Utos ni Andrea sa akin, na hindi ko man lang inisip na kontrahin.
"Ano ba yan? Kung yan ang isusuot mo mamaya, wag ka na lang pumunta!" Oo na pangit ang mga damit ko! "May oras pa naman, magkano ba pera mo diyan? Pumunta ka sa mall, mamili ka ng damit!" Dagdag na panglalait ni Andrea sa akin, habang nag-upload ng mga picture ng mga recommended niyang dapat kong isuot.
BINABASA MO ANG
Love in 24H (Filipino)
RomanceSa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo, higit pa roon ang nakamtan niya: pag-ibig ... lahat, sa loob ng dalawampu't apat na oras. *Completed* Now being edited for grammar.