2 AM

106 5 5
                                    

"One versus three na lang!" Sabi nung isa sa mga kalaro namin. Senigundahan naman iyon ng kakampi niya. "Oo nga! Amin na yang kakampi mo!" Natawa ako sa request nila pero pumayag na din ako. "Eh, iti-triple team niyo lang ako, wala na akong magagawa nun." Biro ko sa kanila. Magandang practice 'to para kondisyon ako mamaya sa try-outs.

Halos matapilok ang tatlo kong kalaban kapag kino-crossover-an ko sila. Kapag kinuyog naman nila ako ay shinu-shoot ko na lang mula sa malayo. Para tuloy mas makapag-laro sila, tinigilan na nila akong sabay-sabay bantayan kasi tine-tres ko lang yung bola. Kapag sila naman ang nasa offense, ay halos lagi ko silang naaagawan o nasusupalpal dahil basado ko na ang mga galaw nila. "Hayop ka, pre! Sobrang galing mo!" Hindi ko alam kung minumura nila ako o pinupuri, pero kita ko naman sa mga mukha nila na nag-eenjoy sila.

Nilingon ko ang mga taong nakatambay sa labas ng bahay. Yung iba ay nanonood sa laro namin habang nagyo-yosi o umiinom ng beer. Ang iba naman nagtatawanan habang nagkukwentuhan.

Napansin ko si Veronica ay nasa kabilang banda ng driveway. Mukha siyang galit. Kinakausap siya ni Brandon at parang pinapakalma siya nito.

Napansin ko din na wala na si Colin sa labas. Baka nag-CR lang. O baka sumuka na.

Nagpatuloy ako sa pakikipaglaro.

Sumuko na yung dalawa sa tatlo kong kalaro, na halos hindi na makahinga sa kakahingal. Mahirap talaga mag-laro kapag wala ka sa kundisyon, mas lalo na kung lasing ka. Kaya iniiwasan ko talaga ang alak at sigarilyo. Sobrang conscious ko sa nutrition at lifestyle. Malaki kasi ang effect ng mga iyon sa performance ng isang athlete. Actually, dapat kanina pa ako tulog pero bihira lang naman ako magpuyat, kaya okay lang.

Habang nagpa-salit-salit kami ng shooting ng nag-iisa ko na lang na kalaro ay napansin ko na nagtatawanan ang mga nagse-celphone sa may gilid namin. Sobrang bored na siguro ng mga 'to, nagtitingin na lang ng mga memes.

"Luther!" Tinawag ako ni Veronica.

"Yo?!" Tanong ko pagkatapos kong i-shoot ko ang bola mula sa malayo. Kinuha ko ang jacket na isinampay ko sa isa sa mga upuan ng garden set sa gilid at pagkatapos ay nilapitan ko siya.

Pinakita niya sa akin ang kanyang celphone. Kinuha ko ito at tiningnan habang hinihingal ako. Nasilaw ako saglit mula bumulaga sa akin na liwanag. Isiningkit ko ang mga mata ko para makita ng mas mabuti ang nasa screen.

Madilim ang video. Dilaw na ilaw lang mula sa isang lamp shade sa tabi ang pinanggagalingan ng liwanag. Sinakop ng mukha ni Colin, na naka-side view at labas dila, ang kalahati ng screen. Nag-aaksyon siya na parang may dinidilaan na sorbetes. Ang dila niya ay sumakto sa imahe ng isang babae sa likod niya. Nagmukha tuloy na dinidilaan ng higanteng mukha ni Colin ang buong katawan ng isang babaeng naka-higa. Nakaitim ang babae, natakpan ng buhok ang mukha, nakanganga, nakabukaka, at parang walang malay. Alam kong kama iyon ni Colin dahil palagi kaming nakatambay sa kuwarto niya para maglaro ng Playstation kapag binibisita namin siya.

"Anong meron?" Tanong ko kay Veronica.

Wala akong reaksyon sa nakita ko dahil matagal ko nang kilala si Colin, na hindi na iba sa kalokohan—pinsan ni Colin ang katarantaduhan. Tinaas ni Veronica ang mga kilay niya na parang may sinasabi sa akin na hindi ko maintindihan. Tiningnan ko ulit ang video. Sa upper left nito, ang handle ni Colin sa InstantGraph na sinundan ng 11m. Okay, so InstantGraph Stories ito. Video na kakakuha lang eleven minutes ago. Sa kwarto niya. Kasama ang isang babaeng naka-itim at walang malay.

Mabilis akong napabuga ng hininga. "LAUREN!"

Napa-aray si Veronica sa pagkaka-dibdib ko sa kanya noong ibinalik ko sa kanya ang celphone. Kumaripas ako ng takbo, ang puso ko mas malakas pa ang tibok kaysa sa noong naglalaro ako kanina. Halos lundagin ng mahahaba kong mga apak ang driveway papunta sa loob ng bahay. Mabilis kong tinawid ang malaking sala at ang mga hagdan paakyat sa second floor.

Love in 24H (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon