1 PM

99 6 3
                                    

Pinuntahan ko sina Bevs at Andrea sa tambayan namin at ikinuwento sa kanila ang ginawa ko sa faculty room. Na-excite naman ang dalawa at pinagyuyugyog ako mula sa magkabilang gilid, na parang gustong punitin ang uniform ko sa gitna nito.

Pinag-planuhan namin kung paano ko ibibigay kay Colin ang papel niya — ang binansagan kong Operation: Soulmate — habang kumakain sila. Hindi na ako kumain. Nakalimutan ko ang gutom ko simula noong mahawakan ko ang test paper ni Colin kanina.

"Ang weird naman kung pupuntahan mo siya sa tambayan nila." Sabi ni Bevs.

"Oo nga, masyadong obvious." Gatong ni Andrea.

"Ideally, dapat ma-hiwalay ko siya mula sa mga kasama niya, tapos doon ko i-aabot." 'Di ko sinasadyang nasabi ko ng malakas ang nasa-isip ko.

"Eh kung ibigay mo muna yung kay Luther, tapos i-abot mo yung kay Colin para mas hindi halata." Sabi ni Andrea.

"No way, noh." Bigla kong protesta.

"Mrs. Rodriguez? Istatchu?" Biro ni Bevs.

Makalipas ng sandaling katahimikan pagkatapos namin mag-tawanan, seryoso akong tinanong ni Bevs, "ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Luther?"

Sinundan naman agad iyon ni Andrea ng "oo nga" at biglang nag-concentrate na sa akin ang dalawa, ibinali ang mga katawan papunta sa akin na para bang seryosong naghahanap ng mga blackheads mula sa mukha ko.

"Hmmm parang ayoko pag-usapan..." sabi ko, na kinontra naman ng dalawang nag-sabay na walang-katapusan akong kinulit at pinilit na magsalita.

"Magmula nung nangyari sa gym, di mo na siya pinansin..." Sabi ni Bevs.

"Oo nga, tapos sinampal mo pa. Inaantay ka lang namin magkuwento eh." Dagdag ni Andrea.

Tinuloy naman ni Bevs ang sinasabi niya, "eh dati sabay pa kayo pumapasok at umuuwi, tapos pag 'di kami ang kasama mo, kayong dalawa ang magkasama."

"Oo nga, para kayong mag-jowa. Ang alam nga ng buong batch eh kayo." Dinugtungan naman ni Andrea.

"Kaya nga bihira ang sumusubok na pumorma sa'yo eh, takot lang nila kay Luther." Dagdag naman ni Bevs.

Tumahimik ako habang nakikinig sa pagpipilit nilang magsalita ako.

Sa totoo lang, ako mismo ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. Paano ko naman ipapaliwanag sa mga kaibigan ko ng mabuti kung bakit kami nagka-ganoon ni Luther, kung hindi ko din alam ang sagot?

Maliliit pa lang kami ay magkaibigan na kami ni Luther. Malamang, ang malaking dahilan noon ay ang halos magka-tapatan lang naming bahay at ang magandang samahan ng mga magulang namin. Halos araw-araw kaming magkalaro noong mga bata pa kami. Natigil man ang mga laro dahil sa pagbibinata niya at pagdadalaga ko, lagi pa din kaming magkasama. Masasabi ko na siya ang pinaka matalik kong kaibigan ... noon. Lagi din kaming binibiro sa baranggay namin na mag-asawa pero tinatawanan lang namin ang mga iyon.

Nang natapos na nila Bevs at Andrea na bombahin ako ng mga tanong at obserbasyon nila, ay tumahimik sila at hinintay na sumagot ako.

Huminga ako ng malalim para bumwelo.

"Sa totoo ... hindi ko alam ... pero pagkatapos noong nangyari sa gym, biglang ayaw ko na siya makausap o makita." Sagot ko sa kanila.

Pinabayaan lang nila akong magsalita. Baka siguro inisip nila na sumingit sila ay magsasarado nanaman ako tungkol sa issue.

"Ewan ko, kasi magkaibigan kami... parang tayo..."

Bigla akong nabuhayan dahil naka-isip ako ng paliwanag na mas maiintindihan nila. Dineretso ko ang upo ko at nagpatuloy magpaliwanag,

Love in 24H (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon