10 PM

112 5 9
                                    

"Oh, I am so sorry!" Sabi sa akin ni Veronica, na nakakunot ang mga kilay at mukhang concerned, habang hinawakan ang kaliwang braso at kanang balikat ko.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at nakangiting sinabi nang malakas para marinig ni Colin, "it's okay, I know you didn't mean it." Pero sa isipan ko ay ilang beses ko na siyang pinagsasampal ng magkabilaan. Sana lang ay makita ni Colin ang sama ng ugali nitong Veronica na'to.

Nilapitan ako agad para kamustahin nina Bevs at Andrea. "Hala, grabe sha, oh." Sabi ni Bevs habang nakairap kay Veronica.

Hinila nila ako palayo mula sa tabi nila Colin at Veronica, na ngayon ay paulit-ulit na parang nagbebeso para makapag-usap sa gitna ng ingay. Ako dapat yan eh!

Pa-simple kong pinagmasdan si Veronica mula sa gilid ng mga mata ko. Maganda ang lapat sa katawan niya ng suot niyang mukhang pinaghandaang mabuti: isang navy blue, cowl neck, mini dress, na may maliit na slit sa isang hita. Malaman siya at makinis, pero wala masyadong dibdib. Ang mga puwet at hita niya ay mas malaki kaysa sa mga ka-edad naming mga babae, dahil siguro sa araw-araw na pagtakbo at pagtalon tuwing volleyball practice at competition. Minsan talaga ang demonyo ay nagpapanggap na parang isang magandang babae.

Nawala ang atensyon ko kay Veronica nang ipinakilala ako nina Andrea sa kausap nilang lalaki kanina. Ipinrisenta nila ako kay Brandon, isa sa mga CK sa school na bihira ko makita sa capus, at kasama namin nina Colin mag-cut kaninang hapon. Naramdaman ko na unti-unting umalis sina Bevs at Andrea sa pagitan namin at isiniksik ako papunta kay Brandon.

Habang nagpabalik-balik kami ni Brandon na mag-usap na pasigaw sa tenga ng bawat-isa, ay hindi ko maiwasang mapansin na mas maitsura at maporma si Brandon kaysa kay Colin. Matangkad lang siya ng kaunti kaysa sa akin, at may dimple sa magkabilang pisngi. Maiksi ang gupit niya sa gilid at kinumpol ng gel ang makapal niyang buhok pataas. Ang kilay niya ay makakapal na bumagay sa mga mata niyang parang inaantok. Sa totoo lang ay mas pwede pa siya mag-model kaysa sa karamihan ng model na nakikita ko sa mga magazines.

"Your friends told me so much about you." Sabi sa akin ni Brandon.

"Really? Why?" Tanong ko sa kanya habang nagtatakang tumingin sa kanya, at pagkatapos sa dalawa kong kaibigan na nagtatawanang magkausap.

"Well, I was asking them more about you, and they started telling me so much." Sagot niya sa akin na may pilyong ngiti.

Imbis na magpasalamat, magbiro tungkol sa pambobola niya, at ibalik sa kanya ang papuri, ay iba ang lumabas sa bibig ko. "Do you know Veronica?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako kela Colin.

"Well, yeah. Veronica is Colin's ex." Sagot ni Brandon.

Ex? Ibig sabihin... Naglakbay na ang utak ko na parang nanonood ng isang sine.

Si Colin at Veronica. Masasayang nagkukwentuhan sa damuhan sa ilalim ng isang punong tinakpan sila mula sa banayad na sikat ng araw. Nagtatawanan. Magkadikit ang mga braso, magkabuhol ang mga daliri. Nakapatong ang mga mapuputi, malalaman, at makikinis na mga hita ni Veronica sa mga maskulado at mabalbon na hita ni Colin. Nagpapalitan ng mga halik na parang nagtutukaang mga kalapati... sabay lingon ng dalawa sa akin, na nakaluhod sa harap nila sa damuhan, abot kamay lamang mula sa kanila. Parang mga batang nang-iinggit na sila lang ang ay may sorbetes, at ako lang ang wala. Tulong! Binabangungot ako habang gising!

"Lauren? You okay?" Naputol ang masamang panaginip ko. "Oh, i'm so sorry, I think I'm a little tipsy already." Pagsisinungaling ko habang kunwaring pinapaypayan ko ang sarili. "What were you saying?" Agad kong tanong kay Brandon.

"Yeah, they just broke up about a week ago. They've been dating on and off for, what, a month? Alam ko sana ang chismis na iyan kung nag-uusap pa kami ni Luther. Dinagdagan naman iyon ni Brandon ng dagdag na chika. "Although, they've had this weird non-exclusive dating thing going on in secret since last year. But, from what i've seen, it looked like Veronica exclusively dated, while Colin still went out with everyone—mismatched expectations, i guess."

Love in 24H (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon