Halos buong araw akong sinermunan ni mama pagkauwi ko. Pinilit kong labanan ang sobrang pagka-antok dahil sa puyat, at ginawa ko ang lahat para hindi ako maka-idlip sa gitna ng mga pangangaral niya. Ang tiyan ko ay kumalam at laging tumunog ng malakas na parang galit na halimaw, habang pinagalitan ako, dahil halos wala akong kinain sa buong magdamag. Ang naging hatol sa akin: magtrabaho sa restaurant namin sa buong summer. Ang mas masakit pa doon ay hindi ako binigyan ng sahod ni Mama! Grounded din ako: pinagbawalan akong lumabas ng bahay maliban sa pag-punta o pag-uwi mula sa trabaho, pag-go-grocery, o kung may importanteng kailangang gawin, gaya ng pag-punta sa university na papasukan ko next sem para sa mga requirements (nabigyan ako ng full scholarship sa Rogers University). Minsan natatawa ako sa sarili ko kapag iniisip kong ituloy na ang pagtawag sa Child Abuse Hotline para ireklamo si Mama, pero ayoko pang mawalan ng ina.
Kinabukasan, umaga ng Linggo, ay hinatid mismo ni Kimmy (siyempre kasama pati si Jasper) sa bahay namin ang mga gamit kong pinaiwan niya noon sa sasakyan niya, pati na din ang sapatos at bag na naiwan ko kila Colin. Pinalabhan na niya ang mga pinag-hubaran kong damit. Salamat sa pagdalaw ni Kimmy ay nakalimutan agad ni Mama ang galit niya sa akin, pero hindi ang mga parusa. Nakita ni Kimmy ang nawasak na damit na binigay niya, at noong sumunod din na linggo ay binigyan niya ako ng bagong mini dress, na mas maganda pa kaysa sa naunang binigay niya sa akin. Matagal din kami nagkwentuhan ni Kimmy sa loob ng kuwarto ko, habang si Jasper naman ay tumambay doon sa bahay nina Luther. Ngayon, tuwing nagtutugma-tugma ang mga schedule namin nina nina Kimmy, Jasper, at Luther, ay lumalabas kaming apat, kadalasan para tumambay sa coffee shop.
Noong hapon ng Linggo ay tinawagan ko sina Bevs at Andrea para humingi ng tawad. Pinatawad naman nila ako agad, at nabigla ako nang wala silang hininging pabor na kapalit para pagbayaran ko ng husto ang mga kasalanan ko sa kanila. Pangit daw ako malasing kaya wag na wag ko daw silang isasama ulit kapag iinom ako, biro nila. Pinuntahan nila ako sa bahay pagkatapos ko silang makausap. Mas nagalit pa sila sa akin dahil sa hindi ko pagtawag sa kanila noong andoon pa si Kimmy, kaysa sa nagawa ko sa kanila noong Biyernes ng gabi. Nagkaroon kami ng munting graduation party, kasama si Luther, sa bahay. Halos hindi makahinga ang dalawa sa kakatili nang binalita namin sa kanila ni Luther na kami na. Halos ipa-baranggay kami ng kapit-bahay namin sa ingay nung dalawa. Dahil natalo ako sa dare nila na halikan si Colin, ay nagpa-libre na lang sila ng apat na kahon ng pizza, na pina-deliver at pinagsaluhan namin sa bahay. Nagka-boyfriend man ako ay nainggit pa din ako sa kanila dahil hindi ako nakasama sa trip nila sa Boracay. Binibiro lang daw nila ako noong sinabi nila na hindi nila ako isasama kapag hindi ko nagawa ang dare nila. Pero, dahil nga sa grounded ako, ay hindi din ako pinayagan ni mama na sumama. Badtrip talaga!
Pinatawag kaming lima na nag-cut ng last graduation practice, kasama ng mga magulang namin, noong Lunes bago ang graduation. Pinagkaguluhan ng buong eskwela ang grupo nina Kimmy dahil pumunta mismo ang mag-asawang Diego at Rose Marie de la Vega, ang mga SOBRANG SIKAT na magulang ni Kimmy. Halatang na-star struck ang principal, na mas matagal pang nagsalita tungkol sa mga paborito niyang pelikula ng mga de la Vega kaysa sa kaso at sentensya sa amin. Malamang ay dahil din sa pagiging mga fans ng mga de la Vega ay naging mababaw lang ang ipinataw na parusa ng admin sa amin: pagkatapos ng graduation ay tatlong araw kaming pinatulong na pag-linis ng eskwelahan. Syempre, tumulong sina Jasper, Luther, at pati na din si Veronica.
Marami din ang tumukso sa akin noong Martes, araw ng graduation. Madami din kasi ang nakakita sa InstantGraph Story ni Colin noong gabi ng party bago niya ito na-delete. Noong naghahanda pa ang lahat ilang oras bago ang graduation, nilabas ng ilang batchmates namin ang dila nila at iginalaw-galaw ito na parang dumidila ng sorbetes, gaya ng ginawa ni Colin sa video. Tumigil lang sila nang pinagsisikmuraan ni Luther ang dalawa sa mga nanukso sa akin, at pagkatapos noon ay tinitignan ng masama ang iba pa—iyon ang perks ng pagkakaroon ng boyfriend na sikat sa campus, na minsa'y basagulero din. Walang sinuman sa batch namin ang nagbalak pang mang-asar sa akin pagkatapos noon.
Sina Colin at Veronica naman ay naging mag-boyfriend-girlfriend pagkatapos ng party. Napansin ko rin na nag-iba na si Colin pagkatapos ng gabing iyon. Tumigil na siyang magpa-party sa bahay nila simula noon, at naging puro si Veronica na lang ang pinopost niya sa InstantGraph account niya. Sina Colin at Veronica ay pareho din natanggap bilang mga athletes sa Erikson University.
Ako naman ay very active sa dalawang orgs ko ngayon. Ang isa kong org ay sa loob mismo ng university ko bilang assistant sa mga guidance councilors. Ang isang org ko naman ay involved sa isang NGO na tumutulong sa marketing ng mga maliliit na negosyante sa Pilipinas. Nag-eenjoy ako ngayon sa mga org na sinalihan ko at very fulfilled ako sa ginagawa ko ngayon, hindi katulad noong nasa high school pa ako na sumali lang ako sa mga clubs para maka-iwas sa pag-tulong sa restaurant namin, makita si Colin, at para kumita sa dagdag baon. Tama si miss Raquel, malaking tulong ang pagkakaroon ng sense of purpose. Napagdesisyunan ko, sa ngayon, na ako ay magiging isang consultant para sa pagpapalago ng mga maliliit na negosyo sa Pilipinas.
Kami naman ni Luther ay halos araw-araw na nagkikita ulit simula noong naging kami. Sinabi ko din kay Mama na boyfriend ko na si Luther. Wala namang sinabi si Mama tungkol dito kung hindi deretsahan at walang paligoy-ligoy na babala sa akin na huwag daw ako magpabuntis! Wow! Na-shock ako sa warning niya, pero alam ko naman na nagmula iyon sa kagustuhan niyang maging maayos ang buhay ko, kahit hindi niya iyon diretsahang sinabi.
Dahil grounded ako noong buong summer ay nag-apply si Luther sa restaurant namin para daw lagi pa din kami magkita at para magka-working experience siya. Tinanggap naman siya ni Mama. Mabuti pa siya, binigyan ng sahod! Bwisit! Bukod doon ay sinasamahan ako ni Luther tuwing nag-go-grocery ako. Naging maganda din ang resulta ng try-outs niya nun, at limang school ang nagkandarapa na kunin siya. Partida, puyat pa siya noong araw ng try-outs at kakagaling lang din sa dalawang bugbugan... at dinaganan pa pala ng mga tanod.
Gumaling na din ang sugat ko sa tuhod, pero hindi pa nawawala ang peklat nito. Minsan, napapasigaw pa din ako at biglang nanginginig tuwing may humihintong puting kotse sa gilid ko, o kaya kapag nakakasalubong ng aso, o minsan kapag may mga lalaking naglalakad sa likod ko. Hindi ito alam ni Mama, at ayaw ko din ipaalam sa kanya. Unti-unti nang nabawasan ang mga atake ko, salamat na din kay Luther na lagi akong pinapa-kalma kapag sinusumpong ako ng panic attacks. Sabi niya magpatingin na daw ako sa espesyalista. Sang-ayon naman ako. Ngayong darating na bakasyon after first sem, baka pumunta na ako sa duktor.
Kahit busy na kami pareho sa college at magkaiba ang schools namin, tuwing may free time kami, ay lagi kaming tumatambay sa convenience store malapit sa amin. Minsan lumalabas kami kasama ang mga kaibigan namin sa college. Marami rin kaming ginagawang mga exciting na bagay. Minsan umaakyat kami ng bundok. O kaya minsan kapag weekends o holidays ay nagro-raodtrip kami overnight papuntang beach.
Kapag nagtitipid naman kami ay doon na lang kamisa bahay pumipirme. Nagtatawanan, nagkukuwentuhan, gaya ng dati. Pero ngayon, maynag-iba na. May kasama nang hawakan ng kamay, yakapan, at madalas, ang haloswalang katapusang pagdadampian ng mga malalambot at mamasa-masang naming mgalabi.
BINABASA MO ANG
Love in 24H (Filipino)
RomanceSa huling araw ng pasukan, nagdesisyon ang grade 12 na si Lauren na mapalapit sa kanyang crush. Pero sa dulo, higit pa roon ang nakamtan niya: pag-ibig ... lahat, sa loob ng dalawampu't apat na oras. *Completed* Now being edited for grammar.