Simula
"Nay Nida?" Tawag ko sa mayordoma ng bahay namin at agad akong bumangon at ngayon nasa hagdan ako nang tawagin ko si Nay Nida.
Agad naman na iniluwa ng isang silid ang isang may edad na babae. Napangiti ako nang mapag sino iyon.
"Gising ka na pala. Mag almusal ka muna," masayang saad ni Nay Nida. Tumango lamang ako. "Kumain ka na. Nasa bario ang mama at papa mo dahil may kailangan daw ayusin. Alam mo na, sobrang abala ni Mayor Armando at Kapitana Marianne." Nagkibit balikat sin Nay Nida.
Mayor si Papa sa buong Tanauan at Kapitan naman si mama sa baranggay ng San Victor. Abala silang dalawa dahil sa gawain nila bilang pagiging Mayor at Kapitan. Bagama't nagiging abala silang dalawa ay hindi ko naramdaman na nawawalan na sila ng oras para sa'kin.
"Ayos lang naman sa'kin 'yon, Nay Nida." Ngumiti ako sakaniya. Nginitian niya naman ako at pinagpatuloy niya ang paglista ng bibilhin niya sa merkado mamaya. Tahimik ko naman na pinagpatuloy ang pagkain at iniligpit iyon pagkatapos. Saktong sakto naman na tapos na si Nay Nida sa paglilista.
"Nay Nida. Ayos lang ba kung sumama ako sainyo?" Nahihiya pa akong magtanong. "Pasamahin niyo na po ako. I'm now fifteen years old." Giit ko pa.
Kapag sumisingit ako na gusto kong sumama ay hindi nila ako pinapasama dahil daw bata pa ako.
Ngumiti si Nay Nida at tumango. Lumapad ang ngiti ko dahil sa tugon ng mayordoma.
"O sige na nga! Basta huwag kang lalayo sa'kin. Usap usapan na umuwi na ang tatlong magkakapatid na binata na Valderama at ang dalawang pinsan nito dahil sa inaasikaso na negosyo sa malapit sa merkado. Umaasim ang mukha ng panganay kapag may hindi kaaya ayang nakikita." Napaismid ako dahil sa sinabi ni Nay Nida.
Kilala ang mga Valderama sa bayan dahil mayayaman ang mga ito ngunit bihira lang ang mga ito kung makita kaya naman kung may makakita sa isa sa mga ito ay parang daloy ng kuryente kung kumalat ang balita na nasa bayan nga ang mga ito.
Madaling makakuha ng atensyon ang mga Valderama'ng ito dahil sa taglay na katangian at tindig ng mga ito. Kung ikokompara ay hindi nangalahati ang katayuan namin sa buhay sa mga Valderama. Higit na mas may kapangyarihan ang pamilyang iyon kumpara sa amin. Umaasa lamang kami sa trabaho ni papa at ni mama maliban na lamang sa munting palayan namin kaya kung mawalan man ng trabaho si papa at si mama ay talagang isang kahig, isang tuka ang mangyayari sa amin.
Pinili nila papa at mama na isang kasambahay lang ang kunin dahil para lang naman daw 'yon sa akin at hindi kakayanin ng bulsa ng mga magulang ko kung damihan nila ang kasambahay. Hindi kagaya ng mga Valderama na dose-dosena ang mga kasambahay sa malaki nilang mansiyon dito sa San Victor.
Binaling ko ang tingin sa bintana at mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang tirik na tirik na ang haring araw.
"Anna! Nakikinig ka ba sa'kin?" Natigil ang pag iisip ko dahil sa pagtawag ni Nay Nida sa atensyon ko. Napailing iling ako at tumango sakaniya.
"Naku! Basta yung habilin ko saiyo. Ito ang unang beses mo na makakapunta sa merkado kaya huwag na huwag kang lalayo sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo?" Paninigurado ni Nay Nida sa akin. Tanging tango lamang ang naging tugon ko sakaniya.
"Oh sige. Tatawagin na lamang kita kung nakapagtawag na ako ng tricycle. Dito ka lang muna dahil mainit sa labas at maghihintay pa tayo ng dadaan na trycicle na tutungo sa bayan ng Tanauan." Agad akong nahiya sa sinabi ni Nay Nida.