Kabanata 24
I was thankful. Nay Nida took care of me for almost six years. Sa loob ng anim na taon ay hindi naging madali sa akin. Sa halos araw araw na paggising ko ay ang pangungulila ang nararamdaman ko na pinunan din naman ni Nay Nida at sobrang nagpapasalamat ako doon.
Hindi sapat ang palayan namin para mabayaran ang tuition ko sa ekswelahan kaya wala akong naging ibang pagpipilian. Labag man sa loob ko ay huminto ako ng isang taon at sa loob ng isang taon na 'yon ay kinuha ko ang oportunidad na maging isang katulong sa mansion ng mga Valderama.
Hindi ako nahirapan dahil wala ang tatlong Valderama sa mansion nila at napag-alaman kong nasa Manila sila dahil naging abala sila sa trabaho sa hindi ko alam na dahilan.
I was eighteen back then when I started to work as a maid. Sa daming katulong sa mansion nila ay nagpapasalamat ako na walang may nakahalata sa akin nang sumapit ang kaarawan ng magkambal na Valderama. Halos manginig pa ako nang kausapin ako ng babaeng kaedad ko na si Ivannah.
I was so shocked. Matagal bago nag sink in sa utak ko ang ginawa niya sa akin non.
Nang gabing iyon ay dali dali akong umuwi sa bahay namin dahil sa takot ko. Matiwasay akong nakauwi nang gabing iyon dahil sa family bonding nila at sobrang pasasalamat ko nang kinabukasan non ay wala na ang mga Valderama.
Lumipas ang mga taon hanggang sa nakapagtapos ako. Sa bawat ani ng palay na ibinilin ni Papa sa akin ay hindi ko masyadong nagagastos kaya naman inipon ko 'yon para sa cafe na sana papatayuan ni Mama. Sa tulong ni Nay Nida ay nagawa ko ang bagay na gusto kong gawin.
At dahil mas nauna ang mga kaibigan ko na maka graduate ay tumulong din sila sa akin. I didn't regret everything I've done. Wala akong pinagsisihan dahil bagamat sa bawat paggising ko sa umaga ay naaalala ko sila Mama at Papa ay binibigyan pa din nila ako ng lakas para magpatuloy sa buhay.
I admit, I'm always sad whenever I remember something about my parents and to the point that I will cry again but Nay Nida will always comfort me. I felt her warmth everytime she hugged me while stroking my hair. Sobrang swerte ko pa din kay Nay Nida dahil hindi niya ako pinabayaan kahit.
Palagi ko siyang pinapasalamatan sa mga bagay na nagawa niya sa akin at pinapangako ko na babawi ako sa kaniya.
"Huwag kang mag aatubili na magsabi sa akin kapag malungkot ka, ha? Nandito lang ako."
Mga katagang palaging naririnig ko kay Nay Nida kapag nararamdaman niyang wala ako sa sarili dahil iniisip ko ang mgq magulang ko. Hindi niya ipinaramdam sa akin na nag iisa ako at sobrang nakatulong iyon sa bawat araw na bumabangon ako.
Great Cafe is really have a good spot. Of course, nung una nakakatakot lalo na't wala akong experience sa pagpapatakbo ng negosyo. Mama taught me to bake at ang pagluto ng kung ano mang pagkain kasi naniniwala siya na ganon ang ginagawa ng karamihan sa ibang babae. Mama taught me being independent and I'm thankful that she taught me so well.
It was really great and really proud that all the great experience you learned ay nagagamit mo sa susunod na araw na paggising mo. Na kahit masakit man ang pinagdaraanan mo ay kaya mo pa ding alagaan ang sarili mo sa sa lahat ng pagkakataon.
Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko nang maalala ko ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni Mama dahil paniguradong magiging madaming costumer ang pagtatayuan niya ng cafe at hindi siya nagkamali dahil hindi ako ako nakaramdam ng bigat sa dibdib habang pinapatakbo ko ang Great Cafe.