Kabanata 27
Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang marinig ako ang baritong boses ni Sir Mikael sa likod namin. Agad na pinunasan ko ang luha ko at umalis sa pagkakakandong kay Argus.
Nakaramdam ako ng kaba nang bumagsak ang tingin ni Sir Mikael sa akin at ilang sandali pa ay bumaling siya sa kaniyang anak na ngayon ay walang emosyon na nakatingin kay Sir Mikael.
"Hi, Dad."
"Argus." mariin na sabi ni Sir Mikael.
"What is it?" tanong ni Argus at hinagilap ulit ang mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko at ma lalong kumalabog ang puso ko.
"We'll have a lunch together with Mr. Ramirez and her daughter, your fiancée." may diin sa tono ni Sir Mikael.
Pilit kong binabawi ang kamay ko sa pagkakahagilap ni Argus pero marahan na hinaplos niya iyon dahilan para manghina ako.
"Who is she?" hindi na napigilan na tanong ni Sir Mikael.
"Dad, can we talk?" sambit ni Argus sa kaniyang ama. Agad na sumeryoso ang mukha ni Sir Mikael nang ibaling ang atensyon sa anak.
"What is it?" tanong ni Sir Mikael.
Nakaupo na si Sir Mikael ngayon sa mahabang sofa at balak ko na sanang umalis dahil mukhang seryoso ang pag uusapan nila ng bigla akong hinila ni Argus pabalik. Ilang mura ang pinakawalan ko sa isip ko at parang may ideya na ako sa gagawin niya.
Tumaas ang kilay ni Sir Mikael sa amin.
"I want to talk to you about the new fiance thing..." mahinahon na sabi ni Argus.
"Yes, you are bound to marry the daughter of Mr. Ramirez, Danielle Ramirez," sambit nito.
"Puwedeng mag back out ulit?" tanong ni Argus at tumawa.
"Unless... may ihaharap ka sa amin," malamig na tugon ni Sir Mikael.
Argus caressed my palm gently kaya bumagsak ang tingin ko roon. He's stroking my hand while he's talking to his father.
"I have one, and I know to my self from the very beginning that she will be the only one who deserve to receive my vow," he said without any glint of hesitation. I felt my heart skip a beat and my mind can't take any move to process what he just said.
"You have to role a play later, then." Sir Mikael chuckled.
"I'll say whatever I want to say," he said.
Sir Mikael chuckled again. Nanatili naman akong walang imik sa tabi ni Argus habang nakayuko. I know Sir Mikael is a little bit distracted on Argus' hand, intertwined with mine.
"Alright. I don't have any say about your woman, son. You should tell Mama about that para tumigil na siya sa pagkakanulo sa'yo sa dalagang Ramirez na halatang may nobyo din," sambit ni Sir Mikael dahilan para mapatigil ako.
Naramdaman ko din ang pagtigil ni Argus kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya na ngayon ay nakatitig sa akin, tila ba ay kanina niya pa inaabangan na mag angat ako ng tingin sa kaniya. May ngisi sa labi niya at bumaling sa kaniyang ama.
"Makakaalis ka na, Dad." humalakhak si Argus.
Munting halakhak ang ginawa ni Sir Mikael bago umaling terrace. Muling tumayo si Argus para isarado ang pinto. Unti unti siyang lumapit sa akin habang may ngisi na nakaplaster sa labi niya. Napatili ako nang bigla niya akong buhatin at agad na ikinandong sa kaniyang hita.