Kabanata 4

170 9 1
                                    

Kabanata 4


Nang matapos kaming kumain ay umuwi kami ka agad ay inaya ko siyang maglaro sa Tom's World. Hindi ako mahilig sa mga kahit anong laro dito maliban sa basketball.


Kapag inaaya akong maglaro ni Xaviour dito ay gusto niyang magpaligsahan kami sa basketball tapos malalaman ko nalang pinabigyan pa ako kaya naman walang pagkakataon na hindi ako nakabusangot na lumalabas dito. Walang ibang ginawa si Xaviour kundi ng asarin ako.


"Halika na. Paramihan tayo ng score sa basketball, kapag sino natalo pipitikin sa noo. Game?" Nginisihan ko siya. Kinagat niya ang pang ibabang labi bago ngumisi sa akin at tumango.


Dala dala namin ang tokens at agad kaming naglaro. Hindi ko maipagkakaila na maraming sayad ang pag shoot ko dahil sakto lang ang taas ko kahit hindi naman mataas ang ring at hindi naman malayo pero sumasayad pa din ang pag shoot ko.


"Hayop na ring 'yan!" Inis na sabi ko. Forty eight lang ang score ko habang eighty two naman ang score niya.


Nakangising binalingan niya ako habang hinahanda ang daliri sa pagpitik sa noo ko. "Huwag mong lakasan," sabi ko pa. Humalakhak siya at pinitik ang noo ko. "Fuck shit! Ang sakit!" Napaigik ako dahil sa sakit. Pakiramdam ko umiikot ang paningin ko! Marahan na hinaplos ko ang noo na pinitik niya. "Gago! Masakit!"


Humalakhak siya. "Ang lakas ng loob mong mag aya tapos magrereklamo ka." Umirap siya sa'kin.


"Abah! Malay ko bang hindi ka gentle sa mga babae!" Giit ko pa.


Nakita kong mas lumaki ang ngisi niya at bumaling sa'kin. "I'm rough," he smirked.


"Ewan ko sayo!" Umirap ako at naghulog ng token. Sunod sunod kong ini-shoot ang bola at hindi ko siya pinansin. Nang matapos ay ramdam ko ang titig niya sa'kin. Nakakapagod talaga ang mag basketball, kaya hindi ko alam kung paano nakakayanan nila Xaviour, Seymour at Fraven ang mag basketball ng mahigit isang o dalawang oras sa gitna ng haring araw.


"Turks tayo?" Aya niya sa'kin.


"Katatapos mo lang kumain, a?" Tanong ko pa at tinaasan siya ng kilay.


"Nagbabakasali lang ako baka gutom ka na ulit," humalakhak siya.


"Hindi ako magugutom sa Turks! Uuhawin ako! Masaya ka don?" Inirapan ko siya.


"Sungit," he chuckled.


"Tara na. Nagutom ako doon," sabi ko pa. Agad siyang bumili ng pagkain sa Turks nang makabili siya ay naglibot kami at nang may makitang isang stand ng milktea ay bumili siya para sa aming dalawa. Inabot niya ang milktea sa akin at tinanggap ko 'yon.


Tinitigan ko siya. "Why are you staring at me?" Tanong niya.


Nagkibit balikat ako at ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. "Wala, iniisip ko kung paano ko mababyaran utang ko sayo," sabi ko.


Tumawa siya. "Wala ka namang utang. I insisted so that's okay," sabi niya.


"Hindi lang ako sanay dahil kapag sila Xaviour ang kasama ko, paturo turo pa sila kung sino mang lilibre," natatawang sabi ko.


"Ayos lang sa'kin. It's my own money anyway, so it's okay," he said cooly.


Inubos ko ang pagkain ko agad na tumayo. Tiningala niya ako.


"May lakad ka sa sabado?" Tanong niya. Tumango ako.


"Yeah. May laro ng basketball si Xaviour. Supporter ako ng gagong 'yon. Why do you ask?" Tanong ko.


Burning Hearts (Valderama Series #1)✅Where stories live. Discover now