Kabanata 14

116 7 1
                                    

Kabanata 14


Naabutan ko ang apat na may kaniya kaniyang dalang bag, siguro ay ang susuotin nila bukas.


"Sa guest room kayo matutulog. Tabi ko si Rain." Sabi ko pa sa tatlong lalaki. Tumango sila at mga makakapal ang mukha na agad tumalima sa taas.

"Tita. Punta lang kami sa guest room. Maraming salamat po." Sigaw ni Fraven na nasa hagdan.


"Hoy. Sa akin ka magpasalamat, inimbita kita dito!" Sabi ko pero nagpatuloy lang sila sa pag akyat habang tawang tawa pa.


Hinila ko si Rain papunta sa kwarto ko para ipunta niya doon ang bag niya at saktong paglabas namin ay nasa labas ng kwarto ko sila Xaviour at Seymour kasama si Fraven na nagtuturuan pa.

"What are you doing?" Tanong ni Rain sa gilid ko.

"Nothing," ngumisi si Xaviour. "Anna. Gutom na ako." Reklamo niya at hinimas himas pa ang tiyan niya.


"Mamayang alas dose pa tayo kakain, gago." Humagalpak ng tawa si Seymour.

"Fuck! Hindi ako kumain sa bahay." Reklamo ulit ni Xaviour.


"Bakit?" tanong ni Fraven.


"Bakit pa ako kakain kung birthday ang pupuntahan ko?" Nagkamot pa siya ng ulo. Nagsimula kaming maglakad pababa ng hagdan habang panay ang reklamo ni Xaviour.

"Kain muna kayo." Sabi ko nang makasulpot kami sa kusina.


Simpleng birthday lang ang meron ako dahil wala kaming pera sa mga enggrandeng birthday party. Alam kong bukas na bukas ay pupunta ang mga opisyales dito na kasama ni Papa sa trabaho kaya ata mas pinili ni Mama na ngayon kami mag celebrate kasama ang mga kaibigan ko.


Agad kaming kumain at agad naman na natapos. Bandang alas nuebe ay nagsimula na kaming kunin ang mga handa papunta sa rooftop. May nakahandang lamesa na doon. Pinailaw din ni mama yung parang lamp post doon kaya medyo dim ang light. Sa bawat gilid ng railing sa rooftop ay may scented candle.


"Wow. Tita, ikaw naghanda nito?" namamangha na tanong ni Xaviour.


"Papa ni Marzanna ang nagsabi niyan, sinunod ko lang," humagikhik pa si Mama.


"Ang ganda, tita. Nasaan pala si tito?" Tanong ni Rain.


"Naliligo pa daw." Sabi ni Mama at bumaba ulit pra kunin ang ibang pagkain. It was indeed beautiful! Ang gaan ng ambiance na para bang nasa isang mamahalin kang cafe.

"Ito ang gusto ni Papa," munting anas ko.


Maliit pa lang ako, sinasabi na niya na talagang gusto niyang mag negosyo pero bumagsak pa din siya sa pagiging Mayor. Aside from that, binuhos din ni Papa ang kaniyang oras sa palayan na tinuturing niyang negosyo din. That's true, though. Kaya naman walang makakatumbas ng kahit ano ang suporta na binibigay namin ni Mama sa kaniya. Hindi namin siya pinigilan kundi sinuportahan namin siya.



"Nagustuhan mo ba?"

Napaigtad ako nang may magsalita sa gilid ko. Si Papa. Naiiyak na yumakap ako kay Papa. Sobrang higpit ng yakap ko sa leeg niya. Narinig ko ang munting halakhak niya at yinakap ako pabalik.


"May katulong ako dito." Sabi pa niya.


"Alam kong si Mama." Sabi ko pa at pinunasan ang luha ko.


Burning Hearts (Valderama Series #1)✅Where stories live. Discover now