Kabanata 13
Hindi agad ako nakasagot pero hindi din naman niya ibinaba ang tawag. I'm waiting for him to end the call because I wasn't saying anything. Kahit ang pagbuga niya ng malakas ay narinig ko.
"Uh, it's okay kung hindi puwede—"
"We will talk!" sambit ko.
"We're talking already," he whispered softly.
"You can pick me up." Sabi ko at pinatay ang tawag. Pumikit ako ng mariin dahil sa sinabi. Walang atrasan 'to.
Sa Sabado na ang birthday ko pero hindi ako nakakaramdam ng kagalakan. Hindi ko din alam kung bakit. Napaigtad na lang ako nang may tumapik sa balikat ko kaya nilingon ko kung sino 'yon.
"Sino 'yon?" tanong sa akin ni Seymour at tinuro pa ang cellphone ko na kalalapag lang.
"Si Papa," sabi ko pa at umiwas ng tingin. Damn! Kailan ko pa naging Papa si Argus?!
"Pero mukhang galit ka habang kausap Papa mo? Sigurado ka?" nang aasar na tanong ni Seymour.
"Umalis ka nga sa harap ko," inis na sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
"Luh. Nasa gilid mo ako, bobo." he laughed.
"E, di umalis ka sa gilid ko, bwiset ka!"
"May dalaw ka, girl? Sungit nito," sabi pa niya at umirap sa akin saka naglakas palabas ng room. Wala kasing teacher kaya malakas ang loon.
Napaawang ang bibig ko habang pinanood siyang lumabas ng room. Iritadong kinain ko ang beng beng ko at nilagay sa basurahan ang basura.
"Hoy."
"Tangina—" napamura ako dahil sa gulat. Agad na humagalpak ng tawa si Xaviour.
"Gulat na gulat," humagalpak siya ng tawa.
Gusto kong maiyak dahil sa inis. Pucha! Mga walang kwentang kaibigan. Inis na tiningnan ko si Xaviour na ngayon ay hawak hawak pa ang tiyan dahil sa kakatawa. Mabulunan ka sana, hayop ka!
"Laki ng mata, pucha, owl ka girl?" Humagalpak ulit siya ng tawa.
"Anong kailangan mong, siraulo ka?" Iritadong tanong ko dahil inis na inis na talaga ako.
"Tara sa canteen," pero tumatawa pa din.
"Mag isa ka, tangina ka!" Inis na sabi ko at binaling ang atensyon sa cellphone.
Pero hinatak na niya ako kaya hindi na ako nakaangal pa. Habang nag lalakad kami ay halatang lutang si Xaviour at naka pamulsa pa ang mga kamay. Nang makarating kami sa canteen ay agad na kinalabit ko siya.
"Anong bibilhin mo?" tanong ko.
"Ha? Ikaw? Anong bibilhin mo?" tanong niya pabalik.
"Wala akong bibilhin," sagot ko.
"Pucha! Bakit andito tayo?" tanong niya.
"Tangina ka! Ikaw nag aya dito. Lutang ka pang, siraulo ka!" Hinampas ko siya sa balikat at tinalikuran siya para makalabas na ng canteen.
"Oy! Wait lang! Bibili lang ako ng C2, haha." tawag niya sa akin sabay tawa.
Siraulo talaga!