Warning Spg!
Kabanata 25
Nabalik ako sa realidad nang may umagaw ng baso na hawak ko. Nanghina ang tuhod ko nang tumingala ako at ang bagong ligong mukha ni Argus ang bumungad sa akin.
Hinagilap niya ang pitsel ng tubig at agad na nagsalin ng isang basong tubig at uminom siya sa harapan ko. Para akong natutukso nang marahan na gumalaw ang adams apple niya na bahagyang natubigan. Holyfuck!
Nang mainom niya ang isanag baso ng tubig ay agad niyang inilapag ang baso at pinakatitigan ako. Ano ba naman 'to? Akala ko pagkatapos niyang uminom ay aalis na siya pero nagkamali ako.
"Can someone introduce me to her?" malamig na tugon niya at walang ganang binalingan ng tingin si Edna na ngayon ay nakaawang ang bibig.
Agad na naging balisa ang kilos ni Edna at lumapit siya kay Argus.
"Introduce me to her," he lazily traced his wet hair with his powerful fingers. "I already know her, but it seems like she doesn't know me," malamig na sabi niya.
"Marzanna, siya si Sir Argus Valderama, siya ang panganay na anak ni Sir Mikael Valderama," pilit na pinapatatag ni Edna ang boses niya habang nagsasalita.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Malamig na tiningnan ako ni Argus kaya nag iwas lang ako ng tingin.
"I know him," it was almost a whisper.
"You can take your leave now," Argus said at tinutukoy niya si Edna. Walang salita naman na umalis si Edna.
Hindi ako umimik at patuloy ang pagkalabog ng puso ko dahil sa kaba. He looked so rough now. His perfect but body looks so hard and strong. From his biceps to his triceps, his strong and powerful legs hugged by his dark maong pants tightly. His hair is a little bit damp and his rough jaw, his red thin lips, and his prominent nose were protruding! And his tanned skin made him more manly.
Tumikhim ako at bahagyang yumuko. "Good morning, sir. Excuse me po, may gagawin pa ho ako." pagpapaalam ko.
Hindi siya umimik kaya agad naman akong umalis nang hindi na siya sinulyapan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating na ako sa kaliwang bahagi ng mansion, sa may balon. Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil sa lakas ng kalabog ng puso ko.
Umupo ako doon sa maliit na upuan na gawa sa tabla dahil ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko at ang panlalamig ng palad ko. Nagpapasalamat ako dahil lumipas ang ilang oras ay hindi na ulit nagtagpo ang landas namin no Argus.
Doble na ang pag iingat ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Pilit akong inuusisa ni Edna pero hindi na lang ako umimik dahil hindi din ako sigurado kung kailangan ko pa bang bukwatin ang nakaraang iyon. Baka ma issue pa ulit ako.
Ang pagsabi ko kay Argus na huwag ng magpakita sa akin ay isa sa mga dahilan kung bakit ayokong ma issue siya ng dahil sa akin at ayoko din na ma issue ako ng dahil sa kaniya. Lalo na dahil kilala sila sa bayan ng Tanauan.
Alas dos pasado ng umalis ako dahil nakarating na ang kasambahay na kapalit ko. Agad akong dumiretso sa cafe at naabutan ko si Nicholas na nasa counter habang may binabasang libro. Napakunot ang noo ko.
"Umupo ka nga doon. Ako na dito. Nasaan si Denrik? Nakarating na ba?" tanong ko.
Nag angat si Nicholas ng tingin sa akin. "Nakarating na. Nagba-bake siya dahil katatapos lang daw niyang gawin ang hugasan," sabi ni Nicholas.