Kabanata 28
The next day, Argus remained silent, hindi siya nag abalang magsabi sa akin. I didn't bother him, though. Kung gusto niyang pag usapan, handa naman ako kung gusto niya. I don't have any reasons to complain.
Nang umagang din iyon ay dumating ang limang trabahador para sa pag sipu sa bawat tagaytay ng palayan. Ilang sandali pa ay dumating si Nay Nida dahil ang sabi niya siya na daw ang bahala sa mga trabahador.
"Ayos lang ba talaga Nay? Hindi sasakit ang likod ninyo?" paninigurado ko.
"Ayos lang ako, Anna. Walang pasok si Nicholas kaya pupunta daw siya sa cafe mo kaya naman bumyahe ako papunta rito dahil nasabi mo raw kay Nicholas na sabay ang pag sipu sa araw ng interview mo," sabi ni Nay Nida.
Natawa ako. "Si Nicholas talaga. Oh sige, Nay, kahit hindi na po kayo sumama sa palayan, magluluto lang ho kayo diba?" tanong ko.
"Oo, Anna. Oh sige na, mag iingat ka." bilin niya.
"Oh sige po, mauuna na po ako," kumaway ako kay Nay Nida bago lumabas ng gate.
Nang makarating ako sa cafe ay dala dala ko ang resume ko dahil may interview na Valderama Group Tacloban. I don't know how it works but I'll try my best. Pormal na pormal ang suot ko dahil ayokong ma-bad shot sa mga empleyado na mayron ang VGT. That's big!
Hindi ko alam kung ihahatid ako ni Argus dahil naging abala din siya sa ekta-ektaryang palayan nila kaya hindi nalang ako nag abala pa at nag abang ako sa San Miguel ng van. Naging madali lang ang byahe at agad akong nakapasok sa mataas na building ng VGT.
Kabado ako habang ginaganap ang interview. Pakiramdam ko ang suwerte ko pa din dahil kahit nanginginig ang kamay ko nagagawa ko pa ding sumagot sa tanong ng nag interview sa amin.
Nang matapos ay sinabihan ako ng isang babae na nasa mid thirties yata na mag e-email nalang sila. Tumango lang ako at ngumiti. Bahagya akong yumuko at nagmamadali siyang sumakay ng elevator.
Inilibot ko ang paningin sa bawat sulok ng building. Mataas, malawak, malinis at kaaya-aya sa paningin ang paligid. Nagkibit balikat ako nang masulyapan ko ang isang malaking glasswall sa isang sulok. Unti unti akong lumapit doon at mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang bawat building na mayron ang Tacloban.
Ang abalang syudad ng Tacloban ang bumungad sa aking mata. Ang mga nagtataasan na mga building. Sobrang lawak ng Tacloban para sa akin at hindi ako makapaniwala na sa bawat sulok ng Leyte ay may mga lugar pa na makakalanghap ka ng sariwang hangin. Yung tipong malamig na simoy na hangin na dadampi sa mukha.
I'm happy kasi naramdaman ko na nagbago ako sa magandang paraan. Hindi man Iahat, I have learned a lot and I was hurt because of my family. I think that's enough for me to change for the better. I learned to move on and accept the truth as days passed by.
Tama ako. Nakatulong ang bawat oras sa akin pinapahalagahan ng nakararami habang ako naman ay halos isumpa ko ang gawat araw na dumadaan dahil sa hinagpis na nangyari sa mga magulang ko.
I hate liqours! Ng dahil sa lasing na driver ng truck na iyon ay nadamay ang mga magulang ko. Tinatanong ko sa sarili ko, bakit pinipilit pa nilang mag-drive kung alam nilang galing sila sa pag iinom?
Napangiti ako ng mapait. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. May rason Siya kung bakit iyon nangyari at nagtitiwala ako sa rason niyang iyon.
"What are you doing?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Argus. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko nang bumagsak ang tingin niya roon.