Kabanata 16
Dumaan ang mga exam kaya mas itinuon ko nalang ang sarili ko sa pag aaral para makakuha ako ng scholarship sa DVOREF dahil desisyon kong doon na mag aral. Mas tumuon din ang atensyon ko sa pamilya at sa kaibigan ko.
Dadating ang final exam namin at talagang nagsusunog kami ng kilay sa mga linggo na dumaan. Sa susunod na week na ang final exam kaya naman cancel muna ang practice para bigyan kami ng oras sa pag study.
Nasa canteen kami ngayon para huminga muna dahil talagang nakaka stress ang mga pinapagawa ng mga teacher. Katatapos lang ng practical namin sa isang subject kanina kaya naman medyo naluwagan ang ginagawa.
Kapansin pansin din ang mga estudyante na abala dahil kaniya kaniya silang kuha ng mga reviewer nila at kahit nasa canteen ay malalakas ang boses kung mag review. May mga kumakain pero nakatuon ang mata sa reviewer. Habang ang iba naman ay may mga ginagawang scrapbook na nilalagyan ng design, kaniya kaniyang gunting at padikit para sa requirements ng mga teacher.
Naghahanda pa sila sa bawat requirements na pinapagawa ng ibang subject teacher kaya kahit ang pakay namin sa canteen ay huminga ng konti ay may sinusulat naman sila. Napailing ako at kinuha ang gamit ko para tumungo sa library.
Hindi ako sanay ng nagca-cram kaya hanggat may oras ako ay ginagawa ko ang gawain sa abot ng makakaya kong kaya tapos na ako sa lahat ng requirements kaya gusto kong mag aral para sa finals. Naramdaman ko ang pag angat nila ng tingin sa akin.
My brows shot up. "I'm going to the library. Mag aaral na ako," paalam ko.
"Tapos ka na sa lahat ng requirements?" gulat na tanong ni Xaviour.
Tumango ako. "I'm done. Mamaya ko na ipapasa lahat. Tapusin niyo na 'yan, para makapag aral na kayo mamayang gabi," sabi ko.
"Sana all," sabay sabay na sabi ni Rain, Fraven at Xaviour. Napairap ako.
"I'm going," paalam ko. Nagulat lang ako nang biglang tumayo si Seymour.
"I'm going to the library too. Tapos na din ako, e." He smirked.
"Nagtulungan kayo?" nanunuring tanong ni Fraven habang pinapasadahan kami ng tingin.
"Nauna akong matapos sa kaniya," sabi ko pa.
"You can go now," tumango nang magsalita si Xaviour na ngayon ay mas itinuon ang atensyon sa ginagawa. Napasulyap ako kay Seymour na umiwas ng tingin kay Xaviour.
"Let's go," aya ko at agad na naglakad.
Habang nasa covered walk kami ay nakasalubong pa namin sila Denzev na may dala dalang papel habang nagtuturuan sila ni Gavril at kakamot ito ng ulo. Nakakunot ang noo nila at halatang pinag aaralan ang kung ano man na nasa papel. Sa sobrang abala ay hindi nila kami napansin.
Nang makarating kami sa library ay kinuha ko na ang libro ko para mag higlight doon. Ayos lang kung iintindihin pero halos kasi pinapamemorize. I sighed heavily. Binasa ko ang lahat ng mga na highlight ko at mas inintindi pa.
Nang sulyapan ko si Seymour ay seryosong nagbabasa lang siya minsan kumukunot pa ang noo dahil ata sa mga estudyante na nasa kabilang lamesa na medyo lumalakas ang boses. Napabaling ako doon at halata sa mga nandoon na lower year sila.
Hindi ko alam kung nag aaral ba sila nagdadaldalan at lahat sila babae. Mas lalong lumakas ang boses nila dahilan para sawayin sila ng librarian. Nag sorry naman sila at sabay sabay na humagikhik. Umiling ako at itinuon ang atensyon sa libro. Ilang sandali pa ay lumalakas na naman ang boses nila.