Kabanata 2

221 8 2
                                    

Kabanata 2


Tahimik kami pareho sa sasakyan. Hindi ako umimik dahil nakakahiya naman na magsalita atsaka ano naman ang sasabihin ko? Wala akong sasabihin kaya mas mabuting manahimik nalang ako.


Narinig ko ang pagtikhim niya kaya lumingon ako sakaniya. "Uh... wala ka bang gustong kainin?" Tanong niya.


"Bakit? Mang lilibre ka?" Tanong ko.


"Tinatanong kita, hindi ko sinabing mang lilibre ako." Umingos siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.


Napangiwi ako. "Hindi ka nalang sana nagtanong hindi ka naman pala mang lilibre." Umirap ako sakaniya.


"Ano ba gusto mo?" Tanong niya.


Naiinis na nilingon ko siya. "Alam mo? Kung wala kang balak mang libre huwag mo akong tanungin—"


"Seryoso na ako ngayon." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Natigilan ako nang seryosong lumingon siya sa'kin at agad naman na bumaling sa kalsada.


Tumikhim ako. "Huwag na. Seryosong nagtatanong, oo, pero hindi mo pa din sinabing mang lilibre ka." Giit ko pa.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at pagsasalita ng hindi ko naintindihan. "May sinasabi ka?"


"Wala. Wala." Supladong sabi niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang ang pagparada ng sasakyan sa isang stall. Supladong bumaling siya sa'kin. "Labas." Sabi niya.


Umingos ako at sinunod ang gusto niya. Pinalibot ko ang tingin ko at nagulat ko dahil nasa Playa kami. Seryoso?


Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang malakas na alon ng dagat. Pumasok kami sa loob at napatingala ako dahil sobrang gaan sa pakiramdam ng ambiance.


Ka agad siyang umorder at walang imik naman akong umupo sa pangdalawahang mesa. Pinili kong sa labas dahil mas nakakarelax dahil kitang kita ang alon ng dagat na nakatapat sa Playa.


Naramdaman ko na ang pag upo niya kaya bumaling ako sakaniya.


"Bakit dito?" Tanong ko.


"Ayaw mo dito?" Tanong niya.


Natawa ako. "No. Gusto ko dito. Actually, dito kami madalas tumambay ng mga kaibigan ko dahil nag ooffer ng discount ang Playa kung regular costumer ka na dito." Tumawa ulit ako. "Discount ang habol namin dito."


Tumango tango siya sa'kin at kalmadong binalingan ako.


"Bakit dalawa lang kayong babae?" Tanong niya kaya napatingin ako sakaniya at kumunot ang noo ko.


"Bakit? Hindi mo type si Rain kaya naghahanap ka ng iba?" Tanong ko.


"Your friend is not my type. Though, I like someone else..." Mahinang sabi niya at tumawa.


Nanunuksong tiningnan ko siya. "Hindi tayo close para tuksuhin kita." Pinigilan ko ang sarili ko.


Humalakhak siya. "That's okay. We'll get there."

Natigilan ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at hindi nalang umimik. Anong pinagsasasabi niya?


"You seems so close." Narinig ko ang pagsalita niya.

"Sino?" Tanong ko.


"That boy in black, earlier." Sabi niya.


"Si Xaviour?" Tanong ko. Nako!


Burning Hearts (Valderama Series #1)✅Where stories live. Discover now