Kabanata 18
Hindi ako dumiretso sa kusina. Wala sa sariling naglakad ako papalabas ng bahay at umupo ako sa malapad na bato sa labas ng gate. Ramdam kong lutang ako ngayon dahil hindi parang nagkakabuhol buhol ang pag iisip ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan. Halos siyam na buwan na nung huling pagkikita namin. Last year pa 'yon kaya naman parang unang pagkikita palang namin ang mararamdaman ko, I guess!
"What should I do?" tanong ko sa sarili ko.l
Of course huwag akong magpa apekto! Iyon na lang ang gagawin ko. Kahit parang gusto kong tumakbo papunta sa loob at yakapin siya pero kailangan kong pigilan.
I like him, alright!
Pero ang hirap naman magkagusto sakaniya dahil kahit ako nararamdaman ko na sobrang hirap niyang makuha. Para siyang isa sa mga butuin na hindi mo makukuha ng madalian. The realization hit me that we are really different! Ngayon ako natamaan ng realidad na mas angat siya kaysa sa akin.
Huminga ako ng malalim. Pilit kong kinakalma ang sarili ko at agad na pumikit at inalog alog ang mga kamay ko.
"What are you doing there?"
Napaigtad ako ng marinig ang boses ni mama sa likod ko. Agad akong napatayo, pilit kong huwag magulat nang mapagtanto na nasa likod nila si Argus! I smiled.
"Ha? Balak ko sanang tumakbo pero huwag nalang pala," kalmadong sabi ko.
I saw the corner of Argus' lips rose but he remained dark, I immediately looked away. My heart is pounding hard and fast. He's now wearing a plain black t-shirt, faded ripped jeans and brown boots!
"Nakabalik na pala si Argus," ngumiti si Papa.
Tumango ako at pilit ng ngumiti. "Okay," I faked a smile. Tumkhim ako at nag excuse para makapasok ako sa loob.
Ramdam ko ang titig ni Argus, hindi ko siya sinulyapan at nagdire diretso lang ako papasok ng bahay. Nang maisarado ko ang pinto ng bahay ay agad kong kinapa ang dibdib ko sa parte ng puso ko at sobrang bilis ng tibok nito. Umiling iling ako at nagtuloy tuloy na sa kwarto ko.
Nang matapos kaming dinner ay agad akong umakyat sa kwarto ko at sinipat ang cellphone ko. Nadismaya lang ako nang walang text si Argus. Kung sabagay, ano bang aasahan ko?
Natulog na lang ako at kinabukasan ay late akong nagising. Agad akong naligo at balak ko sana na mag gym kaya naging mabilis ang kilos ko. Matagal na din nung huling punta ko sa gym dito sa Tabon kasi wala ng klase. Bakasyon na ulit.
I wore a simple black racer back and black leggings habang sakbit sakbit ang itim na duffle bag sa kanang balikat ko.
"Hello kuya Fred," bati ko sa may ari ng gym nang makarating ako. Medyo naging close ko na din si kuya Fred dahil madalas ako dito noong bakasyon.
I presented my card before going inside. Inayos ko ang duffle bag ko at nilingon ulit si kuya Fred. Tumango ang babae at ngumiti kaya ngumiti ako pabalik.
"Anna. Hindi ka nakadalo sa birthday ko kahit invited ka," may pagtatampo sa boses ni kuya Fred. That was his twenty first birthday at hindi ako nakadalo.
"I'm sorry medyo naging abala kasi ako non sa pag aaral, alam mo na," tumawa ako. "Tsaka na greet kaya kita. Hindi mo nakita?"
"I saw it," kuya Fred chuckled. "Thank you. Anyway, may gagawin pa ako. Excuse me."
![](https://img.wattpad.com/cover/236900064-288-k420002.jpg)