Kabanata 12

141 7 2
                                    

Kabanata 12



Unang sulyap ko sa kaniya ay ramdam ko ang pagkalabog ng kung ano sa dibdib ko. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Tumuwid ang tayo niya nang makalapit ako sa kaniya, agad akong nag angat ng tingin sa kaniya.


"Are you okay?" he asked hoarsely.


"Yeah... a bit shock I guess," anas ko dahil sa totoo lang medyo kinabahan talaga ako kay Adrein kanina. Bwiset na lalaking 'yon! Sa lahat na hihilahin sa manggas pa ng t-shirt ko.


"Did something happen?" he asked and he tilted his head a bit.



Tumango ako. "Yeah, but it's not really important," ngumiti ako sa kaniya pero nanatili ang titig niya sa akin. His lips twisted a bit and his eyes remained dark!


"What happened?"


"Come here," sabi ko at tinuro ang malapad na bato na inuupuan ko, may space pa doon at alam kong kasya siya doon. Unti unti siyang umupo sa tabi ko. Gusto kong ikwento sa kaniya ang nangyari sa buong araw ko.


Agad kong ikinuwento sa kaniya ang tungkol kay Adrein. Hindi siya umimik at pinakinggan lang ako hanggang sa matapos.


"I mean, yeah, pangalawang beses na 'to at hindi naman ako masyadong naaabala dahil may mga kaibigan ako. He was so desperate, hindi niya matanggap na tinanggihan ko siya," sabi ko pa.


"Really?" he asked and I turned my gaze to him.


"Yeah," ngumuso ako at bumuntong hininga ng malakas. Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko. "You? How's your day?" tanong ko.


"Tiring," he simply answered.


"Bakit pala nandito ka? Dapat nagpapahinga ka na," sabi ko pa.


"I told you, I'll visit very often," he whispered. Nakatingala siya at pinagmamasdan ang madilim ng kalangitan, lumilitaw na din ang mga butuin.


"Pero hindi mo naman kailangan na pumunta dito kung alam mong pagod ka," sabi ko pa.


He growled. "But I didn't regret coming here today," he said and he looked at me with his dark eyes. "Pakiramdam ko nawala na ang pagod ko," bulong niya.


Hindi ako nakaimik at kinagat ko na lang ang pang ibabang labi ko. Naramdaman ko na lang ang pag init ng pisngi ko. Why does he sound so husky?! Damn it!


"You should get inside," biglang sabi niya na nakapagbalik sa akin sa realidad. Agad akong tumayo at tumayo na din siya. Tumalima siya sa pinto ng sasakyan niya.


"Ingat sa pag uwi," I smiled and waved my hands. He smiled too!


"Good night, Anna." He said.


"Good night," I said.


Agad siyang pumasok sa sasakyan niya, nang makaalis siya ay agad akong pumasok gate at agad na tumalima sa pinto ng bahay namin. Nagulat pa ako nang nasa hamba ng pinto si Mama.


"Mama..." maliit na anas ko. Nakakrus ang braso niya sa kaniyang dibdib habang nakasandal sa pader at halatang nandoon na siya kanina pa.


"Si Argus ba 'yon?" tanong niya.


Tumango ako. "Opo," sagot ko at bumagsak ang tingin ko sa sahig. I feel so guilty? Bakit ganon?


"Anong ginagawa niya dito?"


Burning Hearts (Valderama Series #1)✅Where stories live. Discover now