Kabanata 23
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad kong naaninag ang pamilyar na kwarto ko. Pilit kong inaalala ang nangyari. Iniisip ko kung panigip lang ba ang nangyari dahil mas gugustuhin ko na lang na talagang panaginip na lang 'yon.
Mabilis akong bumangon at halos malaglag ako sa hagdan nang marinig ko ang ilang ingay na nagmumula sa labas. May tao mga sa labas.
Naitakip ko ang dalawang kamay ko sa bibig ko nang makita ko ang mga kaibigan ko pati ang mga magulang nila. Nasa labas sila at halatang balisa. Nanlaki ang mga mata ni Rain nang mapansin niya ako.
Agad siyang dumalo sa akin at naagaw ng ibang tao ang atensyon na ginawa ni Rain. May ilang suminghap pero hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin. Kitang kita ko ang pagbagsak ng butil ng luha ni Rain habang dinadaluhan ako.
"Nasaan sila papa at mama?" tanong ko.
Hindi nakaimik si Rain at nanatiling walang imik ang mga taong nasa loob ng bahay. Nagsusumamong tiningnan ko si Nay Nida na nasa gilid ay halatang gusto akong yakapin. Sa likod niya ay si Argus na nag aalalang nakatingin sa akin.
"Anna..." mahinang anas ni Rain.
"Nasaan sila? Please, sabihin niyo sa akin." Nagmamakaawang tanong ko at yumuko para hindi nila makita ang pagbagsak ng luha ko.
"Anna..."
"Where are they? Bakit wala sila dito? Hindi naman diba totoo na na-aksidente sila? Buhay pa ang mama at papa ko!" humihikbing sabi ko at halos lumuhod ako sa mga taong nasa harap ko, na para bang may kakayahan silang baguhin ang katotohanan na pilit kong iniiwasan.
I started to kneel. I'm fucking ready to kneel when it comes to my mother and to my father. I heard their grasp, some of them grunt nang magka ideya sila sa ginawa ko.
Pinagdikit ko ang dalawang palad ko habang nakaluhod sa harap nila. Pilit akong inaangat ni Rain, Fraven at ni Xaviour pero nagmatigas ako. Akmang lalapit si Argus nang pigilan siya ni Nay Nida. Kitang kita ko ang pag igting ng panga niya habang pinagmamasdan ako. Tuluyan na akong humagulhol.
"Tell me, please. Nasaan ang mama at papa ko?" umiiyak na tanong ko. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Parang pinupunit at pinapaso ng nag aalab na apoy ang puso ko.
"Anna, tumayo ka. Aksidente ang nangyari," marahan na sabi ni Xaviour sa tabi ko.
"Ang tinanong ko! Nasaan ang papa at mama ko!" galit na sabi ko.
I was about to asked something again about the whereabouts of my aprents when a white car stopped in front of our house and the four man stepped out and brought out the two coffin. Bagama't may ideya ako kung sino ang nasa loob non ay pilit akong umiling.
"What the fuck are you doing?!" galit na tanong ko sa apat na lalaki. "This is not true! Fuck! You must be mistaken!" tumulo ang luha ko at magsasalita pa sana ulit ako nang biglang humila sa katawan ko at niyakap ako ng mahigpit.
Naamoy ko ang pabango ni Argus. Pilit akong kumawala pero mas lalo niya akong niyakap kaya hindi na ako nakapanlaban pa at tuluyan na akong humagulhol sa sakit ng nararamdaman ko. I am a mess right now!
"I'm here. Please be strong." he whispered softly and he stroked my hair while caressing my fingers.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari! Hindi ko naisip ang pagkakataon na maaring mangyari ang kahindik hindik na pangyayaring ito sa buhay ko. Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at mahigpit na yinakap siya.