Kabanata 20
Kinain ko ang pagkain na dinala ni Argus at nang matapos ay agad niyang kinuha iyon para iligpit. Akmang tatayo siya nang pigilan ko ang braso niya. Bumagsak ang tingin niya doon.
"Nasaan tayo?" Tanong ko.
"Kalanggaman." Simpleng saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Seryoso?" excited na tanong ko.
His brows shot up while looking at me. I smiled cutely. Umigting ang panga niya at nag iwas ng tingin.
"Wala akong susuotin," nakangusong sabi ko.
"I bought rash guard." He said simply.
"I want bikini!" I demanded.
"You're too young for bikini," he said. Napairap ako.
"You don't want to see me wearing bikini?" I smiled at him. "Oh right! Faithful pala sa fiancée," tumango tango pa ako.
Narinig ko ang mga mura niya, walang sabi sabing tinalikuran ako at dirediretso lang na lumabas habang nagmumura pa din.
"I want bikini!" Pahabol ko pero hindi pa din niya ako pinansin. Napanguso ako.
I decided to go out. Pagkalabas ko ng kwarto ay railings agad ang bumungad sa akin at halatang isa lang ang kwarto dito sa taas. Hinabol ko ng tingin ang railings hanggang sa mamataan ko ang hagdan. Dahan dahan akong bumaba. Nang makababa ako ay agaw pansin ang mga painting doon at mga vase na kahit unang tingin pa lang ay nagsusumigaw ng pera.
Malaking glasswall ang nasa isang gilid at nakaharap ito sa asul na dagat. Puti ang buhangin at malinis din.
"Shit!" napahawak ako sa dibdib ko nang biglang may kumalabog sa likod ko.
"What?" tanong ni Argus na kalalabas lang galing sa isang pinto. He's topless! Tanging suot niya lang ay isang board shorts. Napaiwas ako ng tingin.
"Kaninong bahay 'to?" tanong ko.
"Kay Papa," simpleng sambit niya habang nagsusuot ng itim na sando.
Itinuon ko ang mata ko sa dagat. The sound of the waves crashing on the shores became music to my ears. Hindi ko na siya pinansin dahil kanina pa ako inaakit ng dagat. I was so amazed by the white long sandbars. Puti at pinong pino na buhangin ang humalik sa mga paa ko.
Narinig kong tinawag ako ni Argus pero hindi ko siya pinansin.
Ang panghapon na hangin ay humalik sa pisngi ko, nilipad niyon ang mahaba kong buhok at lumapat sa balat ko ang papalubog na sikat ng araw. Pinaglaruan ko ang buhangin na nasa paa ko habang inililibot ang paningin.
May mga kabahayan akong nakikita at medyo malayo. Malayo dahil pribado ang lugar kung saan ang malaking bahay na linabasan ko. May ilang bangka akong nakikita sa dalampasigan at may mga batang naliligo sa may kalayuan. Nakikita ko lang silang naliligo pero hindi ko marinig ang mga tawa nila dahil malayo kaya tanging tanaw lang.
"Hey," narinig ko ang malamig na boses ni Argus sa likod ko.
"Kailan tayo uuwi?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya.
"Kadadating lang natin..." marahan na sabi niya.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko ulit.