Kabanata 10

142 7 1
                                    

Kabanata 10


First day of school is really boring. Though, talagang may activities whole week pero talagang nakakaboring pa din. Bawat subject teacher na pumupunta sa room ay halos nagbibigay lang ng mga requirements para sa subject nila at kapag natapos ay lalabas.


I yawned. "Inaantok ako," anas ko.


"Rain, palit tayo," narinig ko ang sambit ni Xaviour. Nagtatakang tiningnan siya ni Rain at nagpalit naman ka agad sila.


Naiinis na tiningnan ko si Xaviour. "What are you doing?"


He tapped his shoulder. "Lean on, you said you're sleepy," he offered.


"Pambawi ba 'to sa pang aasar mo?" tanong ko.


"Yeah," he chuckled nonchalantly.


"Okay," walang pag aalinlangan na isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Sumandal siya sa likod ng upuan kaya mas naging kumportable ang pagsandal ko.


"Feel na feel mo naman, bruha ka," naramdaman ko ang pagsabunot ni Rain sa buhok ko sa likod.


"Stop it, Rain. She's sleepy," narinig kong saway ni Seymour.


"Canteen na tayo, dali." narinig kong pag aaya ni Fraven kay Rain.


"Sandwich lang, please," I can picture Rain's face smiling cutely.


"That's all?" Fraven asked.


"Yeah," sabi pa ni Rain at narinig ko na lang ang yabag nilang papaalis.


"Guys! Lower your voice," I heard Xaviour's voice thundered in the whole room. Tumahimik ang lahat at walang namang naging imik na ang nasa tabi ko.


"Let them. I'm fine," sabi ko pa kay Xaviour.


"Sleep," he said hoarsely.


Ilang minuto lang ata akong nakatulog sa balikat ni Xaviour. Unti unti kong minulat ang mata ko. Walang teacher sa harap pero nasa room ang ibang kaklase namin at bulungan lang kung mag usap.


"You're awake?" Napalingon ako kay Xaviour na may hawak na math na libro. He closed the book and turned his gaze on my direction.


Kinusot ko ang mata ko bago sumagot. "Yeah," maliit na anas ko.


"Here. Eat this, you skipped the break time. I bought sandwich and water bottle," he said while pointing the piece of sandwich and bottle watter.


"Bumabawi ka talaga, parang ang sarap maasar lagi," sabi ko pa.


"Eat," simpleng saad niya.


Inabot ko ang pagkain at tahimik na kinain iyon.


"May beng beng ka?" Biglang tanong niya. Tumango ako. "Pahingi," tumawa siya.


Kinuha ko ang isang box na dinala ko. Nagulat ko ng dalawang piraso ang kinuha niya.


"Hoy! Tangina! Kabibili ko lang niyan," pilit na inabot ko iyon pero sadyang mas mahaba ang braso niya kaya hindi ko 'yon naabot. "Pucha talaga!" anas ko.


"Magkano 'to?" maangas na tanong ni Xaviour.


"Seventy pesos ata, di ko na matandaan," sabi ko pa.


"Pucha! Bigyan pa kita ng one hundred pesos pambili, huwag mo na ibalik sukli," barumbadong sabi niya. Napairap ako sa kaniya dahilan para mapatawa siya.


Burning Hearts (Valderama Series #1)✅Where stories live. Discover now