Kabanta 3
Nagising akong maliwanag na sa labas. Kinusot ko ang mata ko habang bumabangon. Sinulyapan ko ang wall clock na nasa kwarto ko at sinipat ang oras. My eyes widened when I saw what time is it! It's already nine twenty-five in the morning. Ang usapan naming dalawa ni Argus ay alas diyes.
Hindi ko alam kung anong uunahin ko kaya huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili dahil nagpapanic na ako. Hinilot ko ang sentido at napagpasyahan na maligo. Himubad ko lahat ng suot ko at agad na pumasok sa shower. Pinag igihan ko ang paglinis ng katawan ko at nang matapos ay agad akong lumabas ng banyo para magbihis.
I wore a simple blue maong shorts, white cropped top shirt na may itim na tsek sa kaliwang dibdib and a white shoes. I'm a teen so I am used to wear this kind of outfit. I took a glance on the wall clock and it's nine forty already. May twnety minutes pa ako. Mabilis pero maingat akong bumaba para kumain.
"Anna. Tinanghali ka ng gisign ah?" Bumunga si Nay Nida pagkababa ko. Ngumiti ako at umiling iling. "Bihis na bihis ka ata? Oh hala sige! Kumain ka muna, handa na ang pagkain mo. Teka, iinitin ko nalang muna," sabi ni Nay Nida at akmang pupunta sa kusina ng pinigilan ko siya.
"Huwag na po. Hindi na kailangang initin pa," ngumiti ako. "Sila mama?" binalingan ko si Nay Nida na natigilan.
"Nasa Tanauan dahil abala," sabi pa niya. "Nandito pala yung mga trabahador kanina," nabaling ang atensyon ko sa sinabing iyon ni Nay Nida.
"May matangkad po ba na kasama? Malaki ang katawan, matangkad, yung gwapo Nay!" Natatarantang tanong ko.
Natatawang tiningnan ako ni Nay Nida. "Oo. Kaninang alas otso siya pumunta dito. Nandito pa yung mama at papa mo non. Nagpaalam siya kaninang mga alas nuebe dahil may lakad daw siya," sabi ni Nay Nida.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mangiti. Umiling iling ako at nagptuloy sa pagpunta sa kusina. Hindi ko na iyon ininit dahil nagmamadali ako. Agad akong kumain at hinugasan ang pinagkainan ko. Umakyat ulit ako sa kwarto ko at nagsipilyo ulit.
Nasa hagdan ako nang maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Sinipat ko iyon at napatigil ako nang makita ko ang mensahe ni Argus.
Argus:
I'm already here.
Pinigilan ko ang tumili at agad na bumaba. Malaki ang ngisi ko matapos akong magpaalam kay Nay Nida. Tumango lang ang matanda at agad naman akong tumalima papuntang gate. Naabutan kong nakasandal siya sa kotseng ginamit niya habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. He's wearing a gray polo habang naka tuck in ito faded jeans niya. Naka white shoes siya. Nakahawi din ang buhok sa maglabilang gilid ng noo niya. Agad siyang tumuwid ng tayo nang makita ako.
I gave him a sweet smile. The side of his lips rose while looking at me. I felt my cheeks immediately heated but I confidently stood in front of him while adoring his face. I smell his manly scent and I can't help but to sniff it.
Tumikhim ako at nagsalita. "Let's go?" Pag aaya ko. Tumango siya. Agad akong pumasok sa sasakyan at binaling ang atensyon sa kaniya.
"Stop staring and fasten your seatbelt," masuyong sabi ni Argus.
Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa napagtanto. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa kahihiyan. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatitig kung sa mga kamay niyang sobrang eksperto kung gumalaw. Umiling iling ako sa naiisip at agad na sinuot ang seatbelt ko.
"So you're a senior high school?" He asked while his eyes are too focused on the road.
Tumikhim ako at tumango. "Yeah. Grade ten." Sambit ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/236900064-288-k420002.jpg)