Kabanata 5

172 8 1
                                    

Kabanata 5


Biyernes ngayon, kaya bukas na ang laro nila Xaviour. Nasa school kami ngayon— sa basketball court ng school namin, dahil inaya niya kami na samahan siya sa huling practice nila sa basketball.


Ayoko sanang sumama kaya lang wala na akong nagawa nang makapunta siya sa bahay at sapilitan akong tinulak papunta sa banyo para maligo. Hindi ako tinantanan kahit nalate na siya ng thirty minutes napagalitan tuloy ng coach nila pero parang wala lang sa kaniya dahil ngini-ngitian lang ni Xaviour ang coach nila. Malakas ang loob dahil paborito siya ng coach nila.


"Epal na Xaviour 'yan. Ayoko sanang sumama dito kasi nag be-beauty rest ako para bukas, e, pinilit pa din ako," nakangusong sabi ko habang matalim na tinitingnan si Xaviour na ngayon ay siya ang may hawak ng bola, dribble siya ng dribble habang may nakabantay sa harap niya.


"Ipapaalala ko lang sayo. Game nila bukas, bakit naman mag be-beauty rest ka?" Tumaas ang isang kilay ni Rain.


Nasa isang bench kami habang nasa likod naman namin si Fraven. Kasama kasi sa game si Seymour at Fraven pero nasa kabilang bench lang si Seymour at hindi pa pumapasok sa court at si Fraven ay hindi pa din.


Natigilan ako sa tanong ni Rain. Duh! Mag be-beauty rest ako dahil bukas ulit kami magkikita ni Argus pero hindi ko 'yon sinabi kay Rain. Inirapan ko lang siya.


Sinulyapan ko si Xaviour na ngayon ay hingal na hingal, ang mga kamay ay nasa tuhod habang hinihintay na ipasa sa kaniya ang bola. Hanggang sa tinawag silang lahat. Tumuwid siya ng tayo nang magpito ang coach nila at agad silang nagpalibot habang may sinasabi ang coach nila. Pati si Fraven at si Seymour ay nandoon. Sinipat ko ang wrist watch ko at malapit na mag lunch. Saglit pang may sinabi ang coach nila at sabay sabay silang sumigaw ng 'yes coach'.


"Yes coach!" Ginaya ko sila at tinaas ang dalawang kamao ko. Hindi ko alam kung lutang ako o hindi kaya trip ko lang.


"What are you doing?" Naguguluhan na tanong ni Xaviour habang nakatingin sa dalawang kamao ko na nakataas. Nakalapit na pala siya. Kahit pawis na pawis ang bango pa din.


Sana all.


"Ginagaya ko kasi kayo. Yes coach! Ganon," pagkwekwento ko.


Kumunot ang noo ni Xaviour. "Baliw ka na,"


Sumimangot ako. "Ang harsh mong bwiset ka! Hindi mo ata inimbitahan yung taga St Paul?" Tanong ko.


Mas lalong kumunot ang noo ni Xaviour at pikon na tiningnan ako. "What about her? You all already told me to dump her, so I did. Fuck off!" Inis na sabi niya.


"Ang pikon nitong bwiset na 'to. Manglilibre ka ng lunch diba?" Ngumisi ako.


"Malulugi ako sayo Anna," umiling iling siya.


Nakapameywang na hinarap ko siya. "Baka nakakalimutan mo? I don't want to come here because it was supposed to be my damn beauty rest but you won't stop bugging me to come with you! Now, treat mo 'ko ng lunch—"


"Goodness! Okay! Libre ko na! Damn you're so noisy!" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.


"Manlilibre ka din naman pala. Tara na sa Playa," pag aaya ko.


"Wait lang. Ang init, pakikuha ng extra t-shirt ko sa kotse, please!" Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Yumuko pa siya para magpantay ang mukha namin dahil mas matangkad siya. Umasim ang mukha ko nang mabilis niyang kinurap kurap ang mata niya.


Burning Hearts (Valderama Series #1)✅Where stories live. Discover now