Kabanata 1

302 7 0
                                    

Kabanata 1


Nang mabawi ko ang kamay ko ay nahagip ng tingin ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Tumaas ang kilay ko dahil doon.


Agad siyang inaya ni Papa sa labas at naiwan akong nakatigagal sa kinatatayuan. Alam kong kilala ni Papa ang mga Valderama bilang maimpluwensiyang pamilya.


Maimpluwensiya ang pamilyang Valderama at sino ang taong hindi magtataka dahil ang panganay na anak ng Senyora ng mga Valderama ay isa sa trabahador namin?!


"Mama." Tawag ko sa atensiyon ni mama na ngayon ay abala padin.


"What is it?"


"Seriously? Si Argus? Trabahador?" Tanong ko.


Tumingin si Mama sa'kin. "We were shocked too, baby. Palakaibigan ang Papa mo at hindi ko din alam kung bakit nagvolunteer ang binatang iyon magtrabaho." Kunot noong sabi ni Mama.


Huminga ako ng malalim. I need to calm my self. Think, Anna.


"Ilang araw bago matatapos ang pinapatrabaho ni Papa sa palayan?" Tanong ko.


"Isa't kalahating buwan, mga ganon." Nag kibit balikat si Mama. "Baka maging dalawang buwan dahil malawak ang palayan." Sabi pa niya at tumingin sa'kin. "Ngayon mo lang ba si nakilala si Argus?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mama pero sigurado akong ngayon ko lang siya nakilala.


"Yes, Mama." Sagot ko.


Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Mama at pagbulong ng mga salita kaya hindi ko iyon narinig. Binalewala ko iyon at walang buhay na naupo sa sofa.


Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nakita ko ang groupchat namin ng mga kaibigan ko.

Rain: I'm bored. Papayagan ba kayong lumabas?

Fraven: Palagi ka namang bored.

Rain: Epal ka talaga, noh?

Ako: Papayagan naman ako. Kayo ba?

Seymour: Where?

Xaviour: Saan niyo gusto?

Ako: Si Rain yung nag-aya. Siya tanungin niyo.

Unang nagtanong si Fraven.

Fraven: Saan mo ba gusto?

Rain: Bakit? Dadalhin mo ba ako sa Seoul? Doon ko gustong pumunta.

Xaviour: Anna. Ikaw? Saan mo gusto?

Ako: Si Rain naman ang magdedesisyon.

Fraven: Wala kang kwentang kausap, Rain. Stop talking to me!

Natatawa ako habang nagbabasa ng chat nila. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang pino-problema ko kanina.

Rain: Tanga! Stupid! Inutil! Ikaw 'tong tanong ng tanong! Sinasagot lang kita'ng tanga ka!

Xaviour: Dating gawi nalang. Nag c'crave ako ng milktea.

Sumang ayon ang lahat sa sinabi ni Xaviour.

Rain: Ngayon na?

Fraven: Kailan mo gusto? Bukas pa? Tanga! Tsk!

Rain: Napaka epal mo talaga. Bwiset ka!

Napailing na lang ako. Walang pinipili talaga kahit sa chat ay nagbabangayan.

Seymour: See you at 2:30 PM. Sa plaza, okay? Sa harap ng Cozy Nook. Fraven sunduin mo si Rain, Xaviour sunduin mo si Anna, mag cocommute nalang ako.

Burning Hearts (Valderama Series #1)✅Where stories live. Discover now