HANGGANG sa makabalik na sila sa tulay kung saan ang boating area at naghihintay na rin ang ibang kaibigan nila roon. Naka-unan pa rin ang ulo ni Yen sa hita ni Razel at panay pa rin ang suklay ng binata sa buhok niya gamit ang kamay nito.Nang maramdaman ni Yen na palapit na sila sa tulay dahil nga naman sa mga boses ng kaibigan nila kasing bilis ng kidlat siyang bumangon at nag ayos nang sarili.
Narinig niya ang mahinang tawa ni Razel at saka inagaw niya ang sagwan sa binata at umaktong sumagwan palapit sa tulay.Gosh! Hindi sinabi ng mokong na to na pabalik na pala kami sa tulay yan tuloy. Hindi na mawari ka titibok ng mabilis ang puso ko. Whooo... Anito ni Yen sa isipan.
"Magkita tayo mamaya sa terrace ng Villa may sasabihin ako sayo." Anito ni Razel kay Yen sa mahinang boses.
Bago pa man makasagot si Yen sa binata ay agad na dumaong na ang bangkang sinakyan nila at agad namang umalis ang dalaga Sa bangka.
Malalim na huminga si Yen nang makaalis sa bangka at pumunta sa mga kaibigan.
"Besh!" Sigaw nina Mae at Marianne habang siya ay papunta sa nga kaibigan.
"Kamusta ang boating with Razel?" Nakangiting sabi ni Mae kay Yen.
"Okay lang naman nang makita ko na kayo." Sagot naman ni Yen saka ngumiti.
Napatawa si Razel sa sinabi ni Yen saka tumingin sa dalagang si Yen at pumunta na sa mga kaibigan.
Pagkatapos magboating nila ay bumalik na agad sila sa Villa dahil mag aalas sais na nang gabi nang sila'y makatapos magboating. Dahil pagod sa unang araw nang kanilang outing at dahil na rin tapos na silang kumain nang hapunan ay agad na nagsipuntahan sa kanilang kwarto at nagpahinga dala na rin nang pagod sa pagboating nila.
Matapos makaligo ni Yen ay agad na nagpahinga na siya sa kama at kasama niya sa iisang silid sina Mae, Marianne at Excel.
Lumakbay ang isip ni Yen tungkol don sa nangyari sa kanila ni Razel sa bangka. Napangiti siya nang maalala ang pagsuklay ni Razel sa buhok niya at ang pagkanta ng binata Para sa kanya.
Gosh! Hindi na to maganda sa sistema ko! Huhuhu para na akong baliw sa kakangiti. Anito ni Yen sa kanyang isipan habang nakangiti pa rin.
Bumalik sa sarili si Yen nang maramdaman niyang may nagtext sa kanya. Tiningnan niya kung sinu ang nagtext agad niyang nakita kung saan galing ito.
Hmmm... Darling? At kailan pa ako naglagay ng contact person na DARLING ang pangalan? Anito ni Yen sa kanyang isipan saka binuksan ang text at binasa niya ito.
"Nandito ako sa terrace pumunta ka rito, kung hindi sasabihin ko sa mga kaibigan natin kung anung nangyari satin sa Condo ko. Your Darling! With flying kiss." Basa ni Yen sa text saka mapatakip siya sa bibig matapos basahin dahil alam niya kung kanino galing ang text.
Grrr... Bwesit na mokong na yon, blinakmail pa ako. Huhuhu... Anito ni Yen sa kanyang isipan patungkol sa binata. Makakatikim ka talaga saking Razel ka!
Sa walang magawa ay maingat na lumabas si Yen sa kwarto nilang apat at pumunta sa terrace ng Villa at nakita nga niya ang binatang si Razel na nakahiga sa sofa bed at nakatingin sa lagoon.
Nang makalapit si Yen sa binata ay naamoy niya ang nakakahalinang pabango ni Razel saka huminga siya ng maluwag at pasimpleng umupo sa sofa bed kung saan ang binata.
"Blinakmail mo pa talaga ako ha!" Anito ni Yen kay Razel habang nakatingin pa rin ang binata sa lagoon.
Gosh! Parang hihimatayin na ako sa nararamdaman ko ngayun. Huhuhu... Anito ni Yen sa isip.
BINABASA MO ANG
UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2
Romance(COMPLETED) The story will tell you about RAZEL HUERT SIPAT- a man who is stick to one in terms of a girl and a loyal one to it. And a man who don't have "cheat" on his vocabulary. Until He met YEN VILLANUEVA, a chinita girl be like who get his atte...