CHAPTER 33:

606 12 7
                                    


HINDI kagandahan ang umaga ni Yen sa Resorts matapos ang gabing Birthday Party ng binatang si Razel.

Gosh! I need some air. Kailangan kong makapag isip ng mabuti para sa mga nangyayari. Anu na ba tong pinasok ko. Huhuhu. Anito ni Yen sa kanyang isipan saka bumuntong hininga habang nasa mini garden siya ng Villa nila. Hmmm... anu kaya ang magandang gawin ngayung araw? Para malibang naman ang isip at puso ko. Haist! Dagdag pang pag iisip ni Yen sa kanyang isipan.

"Alam ko na mag beach walking kaya ako? Hmmp sige. Bahala muna sila rito." Anito ni Yen saka naman kinuha niya ang kanyang Cellphone at nagtext kay Mark Stephen na nagpapahatid siya sa bay walk.

Kakagising lang ni Razel saka naman ay lumabas siya sa room na tinutuloyan nilang Villa nang makataggap siyang text mula kay Mark  Stephen.

Pumunta ka rito sa Terrace may sasabihin ako sayo. Anito ng text mula kay Mark Stephen.

Kahit naguguluhan ay nagmadali si Razel nag ayos ng sarili at naglakad patungo sa terrace ng Villa. Nilapitan niya si Mark Stephen na nakaupo sa sofa bed at sumisimsim ng kape.

"Pre, May kailangan ka ba sa akin?" Tanung ni Razel kay Mark Stephen nang makalapit sa kaibigan.

"Yeah." Anito ni Mark Stephen saka ngumiti ng malapad saka ibinigay kay Razel ang Car key. "Ikaw na ang mag tour sa kaibigan nating si Yen."

"Ha? Hindi ko makuha eh. Anung pinagsasabi mo?" Kunot noong tanung ni Razel kay Mark Stephen.

"Ikaw na ang bahala kay Yen, nagtext kasi siya sakin na gusto niya raw mag walking sa beach at ikaw na ang bahala roon. Okay? Kuha mo?" Anito ni Nark Stephen saka ngumisi kay Razel. "I thought gusto mong magkaayos kayo ni Yen? Kaya ikaw na ang magdrive para sa kanya." Dagdag pang sabi ni Mark Stephen kay Razel.

"Okay!" Anito ni Razel saka bumaba sa Villa at sumakay na sa sasakyan ni Mark Stephen.

Matapos makapag ayos ni Yen ay siya namang nagtungo sa labas ng Villa. Nang makita niya ang sasakyan ni Mark Stephen, sumakay na kaagad siya sa passenger seat at inayos ang sealt belt na sinuot niya.

"Let's go, Mark Stephen. Gusto ko nang makalanghap ng hangin ng dagat." Aniya ni Yen sa lalaki.

Mabilis na pinaharurut ang sasakyan palabas ng resorts.

Napatigil si Yen sa pag-aayos ng belt ng mag-umpisang manuot ang pamilyar na mabangong pabango ni Razel. Napatitig siya sa gawi ng driver seat at napanganga siya sa nakita.

Ngumiti ng malapad si Razel saka tumitig sa dalagang si Yen. "Hello, Darling. Miss me?" Anito ni Razel kay Yen saka ngumisi.

Hindi maintindihan ni Yen ang nangyayari. Gusto niyang tumalon mula sa Sasakyan dahil sa kabang nararamdaman na ang binatang si Razel ang kasama niya at hindi si Mark Stephen.

Gosh! Anu gagawin ko ngayun? Besh! Tulungan niyo ako! Anito ni Yen sa kanyang isipan saka sinubukang buksan ang pintuan ng sasakya pero naka lock iyon. Shit! Bakit lock? Nilock ba ng mokong na to ang pintuan?

"Wag ka nang mag aksaya ng lakas diyan dahil hindi mo yan mabubuksan. Ni lock ko yan." Anito ni Razel kay Yen saka pinahinaan ang takbo ng sasakyan. "Ito ang maganda sa sasakyan ni Mark Stephen eh."

Natahimik si Yen at natigilan sa mga sinabi ng binata. Saka humalukipkip siya at tumingin sa labas ng bintana. Hindi siya umimik.

Bahala kang mokong ka! Manigas ka riyan hindi kita kakausapin. Anito ni Yen sa kanyang isipan patungkol sa binatang si Razel.

"Hindi mo man lang ba ako kakausapin, Ling?" Tanung ni Razel saka tumitig sa dalaga.

Haist! Okay hindi ko na to makayanang hindi ka kausaping mokong ka! Anito ni Yen sa kanyang isipan.

Tinaasan ni Yen ng kilay si Razel. "Anung gusto mong pag usapan natin? Kung ang gusto mong pag usapan natin ay ang mga nanyari sa atin. Sige! Throw it away. Magtanung ka hanggat nasa mood pa akong kausapin ka." Anito ni Yen kay Razel.

Narinig ni Yen na bumuntong hininga si Razel. Pagkatapos sy itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada at humarap sa dalaga.

"Via is no longer my girlfriend." Panimulang sabi ni Razel saka tumitig sa mga mata ng dalaga. "Nakipaghiwalay siya sakin bago pa tayo magkita muli, pero alam kong magkakabalikan pa rin kami. Yan ang sa isip ko nang makita kita muli. Nang pumunta ako sa Palawan bago ako bumalik sa probinsya, sinundan ko siya para sabihing hindi na kami magkakabalikan pa. Hindi ko lang sinabi sayo kasi gusto kita pagselosin noong gabi." Dagdag pang paliwanag ni Razel kay Yen.

"Kung hiwalay na nga kayo, bakit hinalikan ka niya ng dumating tayo sa Birthday Party mo gali sa Hotel?" Anito ni Yen kay Razel saka sinalubong ang mga titig ng binata.

"Hindi ko alam, Yen." Anito ni Razel kay Yen saka humigpit ang hawak niya sa manibela. "She'a clingy kind of Woman. Saka ganun siyang babae noon pa man."

Mapaklang ngumiti si Yen sa huling sinabi ni Razel. "Akala ko ako ang ka date mo noong gabing yon pero siya ang kasama mo—"

"Dahil gusto kitang pagselosin." Anito ni Razel saka mapaklang tumawa. "Mukhang hindi naman gumana kagabi." Dagdag pang sabi ni Razel kay Yen. "Kaya naman napagdesisyonan ko na ako nalang ang magdrive sayo ngayun imbes na si Mark Stephen. I want to be with you, Yen."

Bumaling si Yen kay Razel at hinintay na sabihin nito ang tatlong kataga na magpapasaya sa kanya.

Kaya kong kalimutan ang gabing iyon, Raz. Basta't sabihin mo lang ang katagang I LOVE YOU. Anito ni Yen na isipan pero sa kakahintay niya ay hindi ito nagsalita.

Nag iwas ng tingin si Yen kay Razel. "Mag drive ka na, Gusto ko nang makarating sa baywalk. Mas ginulo mo ngayun ang isipan ko na sana'y panatag na ngayun." Anito ni Yen kay Razel.

Habang nakatingin si Yen sa labas ng sasakyan, nararamdaman niyang nakatingin pa rin sa kanya si Razel.

"Yen, Hindi ka ba naniniwala sa akin—" Anito ni Razel ngunit pinutol ni Yen.

"I believe you. Ngayun, magdrive ka." Anito ni Yen kay Razel saka lumanghap ng hangin.

Nagpakawala ng bumuntong hininga si Razel at pinaharurut muli ang sasakyan. Hindi umimik si Yen hanggang makarating sila sa baywalk. Panay pa rin ang buntong hininga ng binata at nagpanggap siyang hindi ito naririnig. At kung sasabihin nito ang pangalan niya ay nagpanggap na hindi niya narinig ito.

Haist! Nakakapangkonsensya kang mokong ka alam mo ba yon? Gusto ko lang naman marinig mula sayo ang tatlo salita at walong letra. Yon lang at wala nang iba. Anito ni Yen sa kanyang isipan saka bumuntong hininga. Pero nakarating na tayo sa baywalk wala ka paring sinasabi. Haist! Kaya nagdadalawang isip ako kung mahal mo talaga ako.

Lumabas na nang sasakyan si Yen saka naglakad papunta sa beach nang hindi nagpapaalam sa binata.

"Yen! Wait!" Tawag ni Razel kay Yen.

Nilingon ni Yen ang binata at matamang tumitig sa binata. "Wag mo na akong hintayin. Umalis ka na. I can take care of myself." Anito ni Yen kay Razel saka tinalikuran ang binata at naglakad lakad sa beach area.

———
MisterSIMPLE_19 • Kuya Jeboy

UNNOTICEABLE LOVE SERIES #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon